CHAPTER ELEVEN

37 5 0
                                    

" Ate Lara where are we going? " takang tanong ni Remy habang nakahawak sa kamay ko.

" Magsisimba tayo, " sagot ko at tumingin sa relo na suot ko. " Kasama natin si Ate Caily mo Caily at Kuya Stan. "

" Owkey po. " tanging nasambit niya bago maglaro sa hawak na ipod.

Nasa waiting shed kami ngayon ng lugar namin.

Pagkatapos ko siyang sunduin kanina para magsimba ay umuwi muna ako sa bahay para magbihis.

Ayokong pumasok sa simbahan na mukhang p*rn star ano.

Gusto ko Maria Clara ang dating! Para naman sa langit ako lalanding!

" Tara Remy dito tayo, malapit sa ceiling fan. " hila ko dito paturo sa kanang parte ng simbahan kung saan may naka pwestong ceiling fan.

Hindi naman siya umangal pa at nagpahila na lang.

Good thing wala pang masiyadong tao kaya pwedeng pwede pa kaming magpalipat lipat ng pwesto.

After a minute ay dumating na rin sina Caily at Stan, kasabay nito sina Kahiya at Dysea na naka dress pa.

" Good Morning. " bati ni Stan na nasa tabi ko kaya wala akong ibang naggawa kundi ang batiin siya pabalik.

" Good Morning din. "

Pagkatapos non ay tumahimik na kami dahil nagsimula na ang simba. Nasa kalagitnaan na kami ng seremonya nang may gwapong sakristang lumapit sa pwesto namin para ayusin ang ceiling fan.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin dahil nakakapanglaglag panty ang kagwapuhan nito.

Bakit ba karamihan sa mga sakristan, mga gwapo.

Nagkakasala tuloy ako!

Mabilis akong naggawi sa pwesto nina Dysea nang magsigawaan ito.

" Oh my god! may hika ka!? " sigaw ni Kahiya bago ito paypayan gamit ang suot na sling bag.

Nataranta naman ako dahil sa narinig at inabot ang water container na hawak ni Stan dito.

Hindi naman siya umangal at pinabayaan lang ito na siyang ikinapasalamat ko.

" Bigyan nyo ng feltilizer! Maganda 'yon sa mga pananim kaya sure akong mas magandang epekto non sa tao! " matinis na sigaw ni Caily. " O di kaya vulcanizer, bilis! "

Binatukan ko siya. " Nebulizer yon tanga! "

" It doesn't matter! Mahalaga may izer sa huli! " pagrarason niya lang.

Pumito nang malakas si Kahiya at hinarap kaming dalawa ni Caily.

" Shh hindi nebulizer ang kailangan niya. At mas lalong hindi vulcanizer! " umirap ito at pinaypayan ang sarili " She needs Calian, the womanizer! Gosh! Sea is making me--- wtf bro? " sumingkit ang mga mata ko at siningkitan siya ng tingin nang murahin nito ang isang sakristan na lumapit na samin.

" Nasa simbahan tayo, wag kang mag wtf-wtf dyan at baka mapalayas tayo ni bro! " sabi ko pero ngumuso lang siya at inirapan ako.

Napatigil ako at natahimik nang lumapit ang gwapong sakristan kay Dysea na nakahiga sa sahig habang nakaunan sa mga hita ni Kahiya.

" Go back to your senses, Dysea Eoine. Its not funny. " sabi nito, nagtaka naman ako at nagtatanong tumingin kay Stan na nagkibit-balikat lang.

Sa huli nalaman ko lang na prank lang pala 'yon.

Ang totoo daw kasi niyan crush talaga ni Dysea yung sakristan kanina, na ang pangalan pala ay Calian.

Nagpapansin lang daw siya!

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon