CHAPTER THIRTY NINE

25 2 0
                                    


" You should try this red dress Lara. Bagay sayo ito. "

Palipat lipat akong napatingin sa apat na dress na nakahelera sa harap ko. Those dress look elegant and it giving me a hard time picking.

Tinanguan ko lang si Tita Evangeline kaya tuwang tuwa niyang itinulak si Sir Mavy na siyang make up artist na naman ang ganap ngayon.

" Nakakaloka ka Evangeline! Dati ginawa mo kong trainor nitong si Lara ngayon naman make up artist. Dehins ka ba naaawa sakin? " nakapamewang na saad ni Sir Mavy habang sinusubukan ang mga brush sa kamay niya.

" Why would I pity you? " lumipat ang tingin ko kay Tita Evangeline na buong ingat na nilagay sa kama ko ang pulang dress.

Well, today is Remy's birthday pero ako tong pinagtutuonan nila ng atensyon. Marami ng tao sa baba kaya medyo intense ako ngayon. Pano ba naman, ngayon ko ma-memeet ang lola kong hapon. Dagdag pa sa kaba ko ang kaisipang puro mayayaman ang dadalo sa birthday ni Remy dahil kilalang Architect si Papa habang sikat na Business Woman naman si Tita Evangeline.

" Wag mo me maenglish english dzaii and for your info may karapatan akong kaawaan sarili ko dahil ni piso wala kang binabayad sakin! " halos ilayo ko na ang mukha ko kay Sir Mavy dahil sa lakas niyang magsalita. Hindi sapat ang malakas na tugtog sa labas para takpan ang kaingayan niya!

" Mayaman ka Maverick. Hindi mo na kailangan ng bayad ko. " Tita Evangeline said while putting some lipstick on her.

" People pay me half a million for my service tapos ginagawa mo lang akong jolalay! "

" Stop whining Mavy. " napalingon ako sa pintuan nang pumasok na si Papa don naka tux. Kasunod niya si Remy na ang cute na cute sa suot din na tux. Mini version of my papa. " Rinig hanggang sa corridor ang kaingayan mo. "

" Bagay nga kayo ni Evangeline! " gigil na naglagay ng blush on si Sir Mavi sa pisnge ko putangina pano ako napasok sa ganitong sitwasyon! " Parehas kayong may saltik sa utak! "

Tumawa sina Papa at umupo sa kama. " Baka tawagin ko si Kikay nang maka loving loving na kayo? "

" Wtf Lucan? You're so kadirdir! Tumabi nga kayo! Nababatiran nyo ng kapangitan tong anakshie ko! " nag sign pa ng 'tsupe' si Sir Mavy pero lalo lang siyang tinawanan.

" Lara is my flesh so technically she have some of my--- "

" Yon nga eh. You're the father pero kunti lang ang namana nya sa physical appearance mo. Malakas talaga ang dugo ni Layra. " hindi naka-imik sina Papa at Tita Evangeline sa sinabi nito at tahimik lang na lumabas sa room ko.

I feel awkward knowing its my mother they talking for.

Mabilis kong sinuot ang dress na napili ni Tita Evangeline pagkatapos akong ayusan. Bumaba na rin ako dahil kanina pa nagsimula ang party sa baba.

Habang pababa na sa hagdanan ay agad kong nakita sina Stan na nakaupo sa sala. Kasama niya sina Caily and it looks like they are having fun dahil tawa sila ng tawa. Some people were looking at them pero wala silang pake.

" Oy Lara! " mabilis na napalingon sa gawi ko sina Stan nang isigaw ni Caily ang pangalan ko. Patakbo akong nilapitan ni Stan inalalayan paupo sa tabi ni Dysea.

" Kumain kana? " bulong ko sa kaniya pero wala siyang nasagot kaya nilingon ko siya. " Hoy. "

" Ang ganda mo, " may panunuyang saad niya habang nakatingin sakin kaya namula na naman ang pisnge ko!

" Maliit na bagay tsk gwapo ka din naman! " sabi ko at pinalobo ang magkabilang pisnge ko. 

" Para ka ng hapon. " natatawang saad niya sabay pisil sa pisnge ko kaya tiningnan ko siya ng masama.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon