CHAPTER THIRTY EIGHT

17 2 0
                                    


" Ang plano, 10 am nandito na. Pero bakit alas onse na kayo nagsidatingan?! "

Mabilis na tinakpan ni Stan ang tenga ko nang sumabog na naman ng bonggang bongga si Caily.

Napayuko sina Kahiya, Kaisher, Dysea at maging na si Calian na kadadating lang. Si Kiro naman ay tawa ng tawa sa gilid ko kaya mabilis kong sinapak ang tiyan niya para matahimik.

Abnormal na lalaki to! Senermunan na nga ang tropa namin tatawanan niya pa.

" Sorry na Caily, " nakangusong sabi ni Kahiya. " Ito kasing si Kaisher nag practice pa. "

" I'm so sorry Kaka. Calian and I just go somewhere kanina. Hindi na namin namalayan ang oras. " nakangiwing pahayag ni Dysea.

Yung dalawang lalaki naman ay yumukod lang na parang mga prinsepe at nag sorry.

" Hmp! Dahil late kayo, kayo magbayad ng kakainin natin ngayon! " nag martsa ng pumasok si Caily sa mall kaya sumunod na kami ni Stan na kanina pa naka akbay sakin.

Rinig ko pa ang ilang pag angal ng apat sa likod kaya natawa ako ng mahina. Buti naman ay may naggawa na ding tama si Caily sa buhay niya.

We we're happily talking about some stuff when my eyes headed to Caily. Sabay na nalaglag ang balikat naming lahat maliban kina Caily at Kiro nang mapansin namin ang tinatahak niyang daan.

" Jollibee na naman. " bulong naming lahat at sumunod na lang papasok dahil wala na kaming choice.

Si Caily ang batas ngayon. Tutal siya naman ang nagplano nito. Kiro invited her for a date yesterday that she immediately decline. Ayaw niya daw ng silang dalawa lang kaya niyaya kami ni Kiro na sumama. Doubled-doubled date na rin daw para saming walo.

After months, hindi ko pa rin alam ang relasyon ng dalawa. Caily keep on ignoring Kiro and Kiro keep on chasing Caily. Just like that, their cycle everyday.

" 2 bucket meal nga po ng chicken joy tapos apat na spag. Dagdagan mo na rin po ng steak tapos blah blah blah blah. " andami dami niya pang sinabi sa counter kaya naghanap na kami ng mapu-pwestuhan.

" Kanina pa tinitingnan ng mga babae na yan sina Stan. " nakangusong bulong ni Kahiya sakin habang nakatanaw sa pwesto ng mga lalaki na naglalaro sa arcade.

May palaruan kasi sa loob ng kainan na to kaya enjoy na enjoy ang lahat. Lalo na yung apat na babae na namamahalan na ata sa mga damit ngayon dahil kulang na kulang ang mga tela sa katawan nila!

Buti hindi sila pinapansin nina Stan dahil kung pinansin nila ang mga yan? Magkakaroon ng gyera tong jollibee!

" Hoy Lara! Alam kong galit ka pero saan mo nakuha yang kitchen knife!? " takot na tanong ni Kahiya kaya taka ko siyang tiningnan.

" Anong kitchen knife? Nasa jollibee tayo, paano magkaka kitchen knife!? "

" Yon na nga eh. Nasa jollibee tayo pero bakit may hawak kang kitchen knife? " takang tanong ni Dysea sabay nguso sa kamay ko kaya napatingin ako don at tang*na.

" BAT AKO MAY HAWAK NA KITCHEN KNIFE?! " pasigaw kong bulong para hindi maka enskandalo at binitawan iyon. " SAN GALING TO? "

" Hindi ko alam! Nag-uusap lang tayo kung paano makakatay yang mga linta na yan pero may hawak ka ng kutsilyo! " exaggerated na saad ni Kahiya.

" Oh my ghad! " napatakip ako sa bibig ko at tinulak tukak yung kitchen knife na nasa mesa gamit ang hintuturo ko.

" HOY BA'T NASA SAYO ANG KITCHEN KNIFE KO?! " tanong ni Caily na kakadating lang. Mahina kong inabot ang buhok niya at hinila yon pababa.

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now