CHAPTER FOURTY FIVE

16 3 0
                                    


" That's all for today. Dismissed. "

Nagsimula ng magsitayuan ang mga kaklase ko. Niligpit ko ang mga nagkalat kong gamit sa mesa ko at pinasok na sa bag ko. Wala akong pake kung magulo ang laman ng bag ko ngayon basta ang mahalaga ay makalabas na ko.

" Bakit ka nagmamadali, Lara? May emergency ba? " nag aalalang tanong ni Kahiya na may hawak na chocolate bar.

Umiling ako at tumayo na. " Wala naman. Susunduin ko pa kasi sa Remy ngayon. "

" Ay sayang naman. Nagyayaya pa naman sina Chella na mag manicure daw mamaya. " sandaling ngumuso si Dysea at binalik ang atensyon sa laptop niya.

" Di okay lang. Kaya ko namang i-manicure ang kuko ko tsaka kakatapos ko lang magpa-manicure. Natitiyak kong mag iiwan pa rin 'to ng bakas kapag may masasampal ako. " sabi ko at pinakita pa sa kanila ang kuko kong bagong ayos. Courtesy kay Tita Evangeline na basta basta na lang akong hinila kahapon sa mall para dito.

" Sigurado ka? " nag aalinlangan pa si Kahiya na nakalingon sakin kaya tumango ako.

" Oo. Umalis na kayo. Babawi na lang ako sa susunod. Marami pa namang time eh. "

" Sige, asahan ko yan! " sabi niya kaya tumawa ako at nag thumbs up sa kaniya. Nagpaalam na silang dalawa ni Dysea kaya kaming dalawa na lang ni Caily ang natira sa room.

" Hindi ka pa uuwi? " kuno't noo ko siyang  binalingan ng tingin habang nakatunganga pa rin siya sa harap ko.

" Ayokong umuwi. " mahinang sambit niya kaya napatigil ako at taka siyang tiningnan.

" May problema ba? "

" Wala----- " sandali siyang napatigil at napakagat sa labi niya. " Lara, what if malaman mong nasa pinas na ang Mama mo? Diba matagal mo na siyang hinahanap? "
Garagad akong napahinto at tumingin sa kaniya. Ayokong mag-isip ng masiyado dahil na rin sa maselang kondisyon ko ngunit hindi ko maiwasan.

Nararamdaman kong marami ng nalalaman si Caily tungkol sa tunay kong ina pero nag aalinlangan siyang sabihin sakin.

" Nong isang araw ko pa nalaman na nandito na ang Mama ko pero wala eh. " nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat na may nalalaman ako kaya nagpatuloy ako sa pagsalita at tipid lamang siyang nginitian. " Lahat ng excitement sa katawan ko biglang nawala. "

" Bakit? "

" I don't know her face, Kaka. Hindi ko rin alam kung ano klaseng babae siya. " kung ano klaseng ina siya. Para iwan ako sa ina niya.

Napakalaki ng responsibilidad niya para sakin pero imbes na siya ang pumuna non. Ang ina niya pa ang gumawa non na walang pag aalinlangan akong kinupkop at inalagaan.

Oo alam kong kadugo ko si Lola at bilang ina ng ina ko ay may responsibilidad rin sakin bilang apo niya pero hindi ko lubos maisip na, all this time buhay naman pala siya pero sa loob ng labing pitong taon kong pagkakabuhay sa mundong tinatapakan at ginagalawan ko ay miski anino niya ay hindi niya ipinakita.

" Pano kapag sinabi kong kilala ko ang mama mo? " mahinang saad niya na saktong sakto lamang para marinig ko.

Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ko naguguluhan siyang binigyan pansin.

" What do you mean? " napalabi siya at yumuko sa pwesto niya.

" Bumisita ang Mama mo sa bahay kahapon. Ang rinig ko, kakauwi nya lang galing sa Japan. At maniwala ka man sakin o hindi ay ang laki laki ng pinagkaiba nyo--- "

" Alam ko naman yon, Kaka eh. Langit siya, lupa ako. " matagal na yon nakasaksak sa utak ko. Hindi ako nangangarap na maging kapantay siya pero sana naman magpakita man lang siya sakin.

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now