CHAPTER SEVENTEEN

27 4 5
                                    

" So.... anak mo nga siya? "

Hindi na makatingin si Virgo sakin nang itanong ko 'yon.

Tahimik lang din sina Stan at Claudette sa tabi namin na ikinapasalamat ko.

Ang daming nangyare sa araw na 'to. Ang dami ko ding nalaman at natuklasan. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang paniniwalaan ko.

Bumalik kaming apat sa loob ng kapehan, na siyang utos na rin ni Virgo.

Akala ko'y ipapaliwanag niya ang lahat pero ni isang salita wala akong narinig.

Alam kong wala akong karapatang magtanong at huminge ng eksplenasyon pero magindapat naman yata ako para don.

Tinawag akong mommy ni Claudette kahit hindi niya naman ako tunay na ina. Hindi naman siguro ako tatawagin ng bata ng ganon kung hindi siya pinagsabihan ni Virgo. Responsibilidad niya lahat ng yon.

Tahimik lang akong sumisimsim sa kape ko nang kalabitin ako ni Claudette at may itinuro sa gilid ko.

" Oh Daddy's dog is here na, Mommy. " aniya na ikina-kuno't ng noo ko.

Buti pinayagan ng management ng kapehan na payagan at hayaan lang ang mga asong gumala-gala sa kapehan nila.

Kung ako may-ari nito ay hindi ako papayag. Masiyadong maganda ang kapehan na 'to para galaan lang ng mga hayop.

Lumingon ako sa itinurong direksyon ni Claudette pero ganon na lang ang pagtataka ko nang wala akong makitang aso o hayop don maliban kay Aina na hindi inaalis ang tingin kay Virgo na sa akin lang naman nakatingin. Iba talaga pag maganda.

" Virgo! "

Grabe ang pigil kong huwag matawa nang hindi man lang siya binigyan ng tingin ni Virgo.

Nagmumukha tuloy siyang trying hard dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

Dagdag mo pa yung kolorete sa mukha niyang nasubrahan sa foundation.

" 'Yon ba yung sinasabi mong aso ng Daddy mo, Claudette? " tanong ko sa batang panay na ang hikab sa tabi ko na halatang inaantok na.

Tumango naman siya at niyakap ang isang braso ko.

" Yes, Mommy. High breed. "

Natawa ako at napatakip sa mukha.

Pati bata hindi nakawala sa pagiging aso niya.

Si Aina pala yung tinutukoy ni Claudette na aso ng daddy niya kanina pa. Akala ko literal na aso talaga... asong na-ulol lang pala.

Well, hindi ko naman masisisi ang bata dahil kahit ako naman ay hindi na nasisiyahan sa pinanggagawa ni Aina sa buhay niya.

Alam kong wala kaming karapatan mangealama at mangimasok sa buhay niya pero ginawa niya ng canvas ang pagmumukha niya.

Hindi na tuloy ako magtataka kapag tinubuan siya ng napaka raming tigyawat sa pagmumukha niya.

" Virgo bakit mo naman ako iniwan don! I told you wait for me but you didn't! Nadapa tuloy ako! " agad niyang reklamo pagka upo niya sa tabi ni Virgo.

Maarte akong sumimsim sa kape ko at nakanguso siyang tiningnan.

" Lampa ka kasi. " sumingkit ang mga mata niya sakin at agaran akong inirapan.

" Shut up bitch, I'm not talking to you. "

" Sa ating dalawa, ikaw yung bitch. Aso ka nga ni Virgo diba? " tinawanan niya ako bago tingnan ang kabuoan ko.

" For your information. Girlfriend niya ako, hindi aso. And who told you about that? "

" Wala kana don. "

Fearless Tomorrow Where stories live. Discover now