Chapter 4: Masaya

113 105 24
                                    

| King's POV |



Natanggap na ng minamahal ko yung pinadala kong regalo sa kanya. I hope she'll likes it, I'm excited to see she's wearing that.



"Hoy, bakit parang masaya ka ata dyan? Nakabawi kana ba dun sa senior na galing faculty of architecture?" Tanong ni Kevin sa'kin sabay pukpok ng hawak niyang libro sa ulo ko.



"Hindi, in love lang ako," I smiled.



"If that so, ligawan mo na. Mukang nakita mo na yung magiging nanay ng anak mo." Kevin giggled.



"Gusto niya naman ligawan pero yung taong gusto niya hindi naman siya kilala," Bence chuckled.



"Basta kilala mo siya sapat na 'yun," Napalingon agad kami sa nagsalita.



We saw Kuya Youssef walking towards us, our senior, 4th year college from faculty of medicine.



"Makakagawa ka naman ng paraan para makilala ka niya eh. Kapag nakilala ka niya, lagi ka niyang iisipin." Dugtong ni Kuya Youssef.




| Bence POV |



"Makakagawa ka naman ng paraan para makilala ka niya eh. Kapag nakilala ka niya, lagi ka niyang iisipin." Sabi ni Kuya Youssef kay King.



Kinalibutan agad ako sa sinabi niya. Kuya Youssef, h'wag kang magsalita ng ganyan. Kapatid mo yung tinutukoy ng taong 'yan.



"Tama! Magkakaroon kana ng chance makapasok sa puso niya, dude." Sabi naman ni Kevin kay King.



Bigla na lang akong napa-sign of the cross. Sasabihin ko na, si Tavisha, pinsan ko. And technically, pinsan ko din si Kuya Youssef.



"Teka, sino ba yang nililigawan mo?" Biglang tanong ni Kevin kay King.



"Secret, malalaman mo din," King giggled.



Oo nga, dude, mas mainam na isikreto mo na lang kaysa malaman ng senior natin na kapatid niya trip mo.



Hindi pa nakahanda yung itim na damit ko kaya h'wag muna.



"Aba! Aba! Aba!" Sabay-sabay nilang sabi habang mga naka ngisi.



"Sige, bibigyan kita ng clue... Freshman siya," King said calmly as he smiled.



"Freshman?! Ang bata naman ng kinuha mo," Reklamo agad ni Kevin.



"Nahiya sa nagsalita, parang hindi freshman si Rashid," Apila agad ni King sa kanya.



"Hayaan mo niyo na si King. Malay niyo naman this time seryoso na siya, hindi natin alam baka future niya na 'yun," Panukso ni Tyson kaya napayakap na lang ako sa sarili ko.



Kinikilabutan talaga ako, parang may multo akong katabi.



Perfect Match | √Where stories live. Discover now