Chapter 56: PhilSon

5 5 0
                                    

| Tate's POV |



"Aaaaaaaaaaaahhhhhhh! Putangina!" Nagulat ako sa nakita ko pagpasok ko sa kwarto namin.



"Wala akong nakita. Wala akong alam. Nakakaloka. Pareho kong kaibigan. Shit! Pa'no mo 'to nagawa, Phil? Tyson, kaibigan ko 'yan. Shit! Naiintindihan ko, bro, na ayaw sa'yo ng mga babae. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit pinatulan mo si Tyson?" Napaparanoid kong sabi sa dalawa kasi naabutan kong hinuhubaran ni Philip ng pants si Tyson.



"Hoy, gago. Adik kaba?" Seryosong sabi sakin ni Philip habang nakahawak siya sa baywang niya.



"Oo nga. Gago kaba?" Tanong ni Dr. Tyson sakin habang nakahiga siya sa kama.



"Tinutulungan ko lang si Tyson hubarin yung pantalon niya. Sobrang lasing na siya, sa tingin mo ba kaya niya pang kumilos?" Iritadong sabi sakin ni Philip.



"Ang init!" Sigaw ni Tyson.



"Hoy, naka-16 na yung AC!" Sigaw ni Philip sa kanya kaya napakamot na lang ako ng ulo.



So, misunderstanding lang ang lahat?



Buti naman.



Habang tinitignan ko si Philip at Tyson biglang dumating si Tavisha na may dala pang unan.



"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.



"Can I stay here?" Naka-ngiting sabi ni Tavisha habang nakayakap siya sa unan niya.



"Malamang, hindi. You are a woman, staying with three men would make you look bad." Seryoso kong sabi sa kanya.


Magkasama kaming tatlo sa isang kwarto habang magkasama naman si King at Bence sa kabila. Tapos yung dalawang couple syempre may sarili 'yun. Oras na nila eh.



"Hey, do you still see me as a woman?" Reklamo ni Tavisha sakin at pumamewang pa.



"Hoy, gago. May dalawa kang kasamang lasing dito. Kahit kaibigan mo sila, hindi natin alam pwedeng nilang gawin. Sabog kaba? Kapag may nangyaring masama, sinong sisisihin ng mga utol mo? Diba ako?" Parang sobrang OA ko naman sa part na 'to.



"Hoy, gago. Hindi ko type yung kaibigan ko." Reklamo ni Philip sakin.



"Pero ayokong mag-isa." Sagot ni Tavisha habang nakayakap siya sa unan niya. Ano ka batang munti?



"Malaki kana, bro. Matuto ka ng mag-isa." Sagot ko kay Tavisha at tinulak siya papalabas ng kwarto namin.



Si Tavisha kasi mahilig may mag-isip ng kung ano-ano. Baka daw may multo sa ilalim ng kama, baka may multo sa loob ng aparador. Gago. Eh kung iuntog ko 'yang ulo mo sa pader?



Perfect Match | √Where stories live. Discover now