Obsession 4

11.5K 288 5
                                    

Angel's POV

Nagising ako ng alas sinco kaya naman alas sais ay nandito na ako sa karinderya.

Nakita ko agad si nanay Gloria na naghahanda na ng mga sangkap.

Pumasok ako sa kusina.

"Good morning po nay " nakangiti kong bati sa kanya habang nilalapag sa gilid yung bag ko.

"Good morning din anak." Bati niya din pabalik. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Tinawagan ako ni Zhan kahapon at sinabing siya ang naghatid sayo." They're close? May iba akong napapansin. Bakit siya tatawagan ni Zhan? He has her number? Obviously Angel!

"Ah, maayos naman na po ako nay. Pasensya na talaga nuong isang araw at naabala ko pa kayo." Nahihiyang aniko at tumulong narin sa paghiwa hiwa ng mga ingredients.

"Alam mo namang anak na ang turing ko sayo, Angel. Kaya huwag mo ng isipin iyon. Ang mahalaga, nadala ka sa ospital, salamat nalang talaga kay Zhan." Yes. I'm also thankful for him.

"Mayaman, matulungin at mabait, oh diba anak, san ka pa?" muntik kong mahiwa ang isang daliri ko dahil sa kanyang sinabe.

"Nay naman." Napanguso agad ako.

"Nagbibiro lang ako." Napangiti ako dahil sa munti niyang tawa.

"Late na naman tong si Sany, naki Pag date naman kase kahapon." Naku, si Sany talaga.

"Hayaan nalang natin yun, sinumpong na naman siguro." I chuckled.

Baka mamaya ang dating nun.

Inasikaso ko ang mga customer. Lahat ng pumapasok ay nginingitian ko.

Naging maayos ang araw ko sa karinderya. Hapon na ng mapagpasyahan kong kausapin si nay Glo tungkol sa sinabi no Zhan.

"Nay, pwede po ba kitang maka usap?" Tanong ko matapos pumasok sa loob ng kusina. Sinarado ko na ang karinderya.

"Oo naman, Angel. Tungkol saan ba yan?" Nililigpit niya ang mga platong hinugasan ko kanina.
Tinanggal ko ang suot kong apron at naupo sa upuan.

"Kase po, I want to pay Zhan back dahil tinulugan niya ako and gusto niya akong gawing PA niya daw. He wants me to work under his company. Nay--"

"Ano ka ba, anak, Angel. Masaya nga ako at nag first move na si Zhan.--"

"First move po?" Ano daw kase?
Anong?

"Ah, naku mali pala. Oo naman Angel, mas maganda nga kung sa kanya ka magtatrabaho. Maaalagaan ka at magiging maayos ka duon." Teka lang? Anong ibig niyang sabihin?

"Nay, naguguluhan po ako sa mga sinasabi niyo. Maayos naman po ako nay, kaya ko rin naman pong alagaan ang sarili ko." Kaya ko namang tumayo sa sarili kong mga paa.

"Sinabi ko ba yon, nak?" Napakamot siya sa kanyang ulo at umiwas ng tingin. Parang may sinabing hindi dapat sabihin.
Hayss, si nay naman. "Pero nak, seryoso talaga. Magiging maayos ka kapag sa kanya ka magtatrabaho." Aniya sa siguradong siguradong boses.

Hindi ko maintindihan si nay Glo pero iba ang nagiging dating sa akin ng mga sinasabi niya.

__________

Bandang alas otso na ng gabi ng maka uwi na ako sa bahay. Napahaba ang usapan namin ni Nay Glo, ang weird niya kase kanina. As in weird.

Sa tagal kong nakasama si nay Glo, kahapon ko lang naramdaman ang pagkakaiba ng usapan namin.

Pansin ko rin na parang kilalang kilala niya si Zhan. Pero paano? Ah, baka dahil sa tulong sa akin ni Zhan kaya magaan ang loob ni nay Glo sa kanya? Maybe, ganun na nga?

Naligo muna ako before having my dinner.

Sumampa ako sa kama at kinuha ang cellphone ko pati ang calling card ni Zhan na nakalagay sa bag ko.

Tinitigan ko muna ng ilang sandali yung numero bago tinype sa cellphone ko.

Tulog na kaya siya? Pero ang mga mayayaman naman na katulad niya ay palaging nasa opisina at laging late na kung matulog. Yun ang pagkaka alam ko.

Subukan ko lang naman tawagan kung hindi niya sasagutin, busy siya sa work or tulog na siya. Pero kung masasagot niya, edi good.

Isang ring palang ay nagulat na ako dahil sinagot niya na agad.
Woohh, that fast?

"Uhmm, hello?" Tumibok ang puso ko dahil sa baritono niyang boses. Ang sarap sa tainga ng boses niya.

"Ah, hi. Si Angel to, Zhan." Kahit hindi ko siya kaharap ay pakiramdam ko mahihilo na ako. Ano bang nangyayari sayo self?

"So, have you talked with your nanay Gloria already, Angel?" Napakagat ako sa aking labi dahil ang smooth pakinggan ng pangalan ko tuwing siya ang bumabanggit dito.

"I just finished talking to her earlier. Pumayag naman siya."

"What's your plan then?"

"Pwede na ba akong mag start ng trabaho ko bukas?" I asked. He silent a bit.

"Yes yes, of course. I'm going to fetch you tomorrow in your house." He said sounding like he's somewhat excited? I don't know if ganun but it really sounds like he's excited or I'm just hallucinating again.

"Ok sige Zhan. Maraming salamat." Sabi ko na. Hindi pala ako pwedeng mag taxi dahil hindi ko naman alam kung saan ang kumpanya niya at bahay niya.

"Ah, sige na Zhan it's late, kailangan ko nang magpahinga. Ikaw din." Naiiba ang pakiramdam ko tuwing nakaka usap ko siya.

"See you tomorrow. Goodnight Angel." What? Did he just said goodnight to me?

April 28,2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon