Obsession 28

6.2K 178 1
                                    

Angel's POV

"Mommy, where's my spider man." I heard my son shouted from his room.

Oh, God. Ang aga aga laruan agad ang hinahanap.

Naglakad ako palapit sa kwarto niya, pumasok ako at kinuha ang spider man na laruan niya na inilagay ko sa taas ng bookshelf niya.

Yes, hilig niya din ang magbasa kaya pinagawan ko siya ng sarili niyang shelf.

He's so bossy. Just like his father.

Ilang taon na ba ang lumipas? It's almost 7 years. Ang layo ng pinagbago ng buhay ko.

Simula nung iwan ko siya at nagpakalayo layo, marami akong bagay na natutunan. Lalo na ng malaman kong buntis ako ng umalis ako.

Thank God, tinulungan ako ni Kara. She's been with me all the time. Siya din ang nagsabi sa akin na sumama si Zhan sa States. I'm happy for him.

Ang sabi ni Kara maayos na daw ang mommy ni Zhan. Masaya ako para sa pamilya niya. He's doing good on his business.

I told Kara not to tell anyone where I am. Nagalit pa siya sa akin ng sabihin kong itatago ko ang anak ko. Pinaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon, then she promised that she'll keep her mouth close.

May bahay akong naipundar ngayon, dito kami nakatira ng anak ko. Minsan ay bumibisita dito si Kara.

For the past years, we've been staying here in Marinduque.

Nang nabalitaan ko mula kay Kara na pinapahanap ako ni Zhan ay sobra akong kinabahan. Buti nalang at magaling si Kara at namamanipula niya lahat ng impormasyon nakakarating Kay Zhan.

"Mommy, you said we'll bring spider man with us. I'm going to take my bath and I will also bath spider man." Tumayo ito habang yakap yakap ang laruan.

Natawa ako sa kanyang sinabi.

"No, baby. Mababasa si spider man at matagal matutuyo yan. Leave it in your bed and go take your bath. We're leaving later. Your ninang Kara is on her way already." Sumimangot ito at ibinalik ang laruan sa kanyang kama.

Simula ng mag taon ito ng anim ay hindi na niya ako hinaya ang paliguan siya. Nakakatuwa lang dahil minsan ay sobrang kulit niya, minsan naman seryoso, pero madalas sweet.

He never asked me about his father but I know, one of this days ay hahanapin niya ang kanyang ama. And I'm not yet ready for that.

Hindi ko pa kayang harapin si Zhan.

Iniisip ko palang na mikikita ko siya ay nahihilo na ako. Salamat at wala akong narinig na pina hu hunting nila ako sa mga pulis.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan ang pagtulak ko sa mommy niya.

Tumunog ang doorbell, for sure it's Kara. Tumayo ako at lumabas sa kwarto ng anak ko.

"Good morning Angel, nasaan ang poging inaanak ko." She kissed me on my cheeks, ganun din ang ginawa ko.

"He's taking a bath." Pumasok kami sa loob.

Dumiretso ako sa kitchen.

"What do you want, Kara? Tubig? Juice? Or?--"

"They're coming back." I confusedly look at her.

"What do you mean?" I asked as I pour water on the glass.

"Zhan with his parents." Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko dahil sa kanyang sinabi.

Oh, no.

"Tell me you are just joking, Kara." Umiling siya.

"No, I am not. Tinawagan ko si Zhan kanina at sinabi niyang next week ang balik nila ng pilipinas." Seriousness hint in her words.

Shit! Kinakabahan agad ako. Ang tagal ng huli naming pagkikita.
Alam kong madami ng nagbago. Baka nga nakalimutan na niya ako. I should not think of this.

Baka may sariling buhay na siya ngayon. Siguradong Hindi na niya ako naalala sa sobrang tagal.

"Mommy I'm done. Where are you." My son shouted again. Nakita ko siyang naka towel lang.

Kahit malayo ay kitang kita ang pagkakatulad nila ni Zhan. He got the feature of his father. There's no doubt that this is his son.

"Oh my gosh Shaun, you're so hot." Napatakip ako sa tainga sa tili ni Kara. Tumayo ito at aakmang lalapit sa anak ko para yakapin ay tumakbo na palapit sa akin si Shaun.

"Ninang mom, cover your eyes. Mom said that it's bad to look on others body." Sinilip niya si Kara mula sa likod ko.

"Ano ba naman Shaun. Wala naman akong nakita. Namiss lang kita. Eh, bakit si mommy mo, okay lang na makita kang ganyan?" Tunog nagtatampong aniya habang nakatingin sa anak ko.

"That is normal because she's my mom." Sagot naman ni Shaun.

"And I'm your ninang mommy so pwede parin ako--" Shaun cut her.

"Still no. Only mom."

"Anong--"

"Hep, hep, hep, Tama na nga yan. Excuse at first Kara, dadamitan ko muna si Shaun."

"Ano, hindi ba ako pwedeng sumama-"

"No, ninang mom, you stay here. Go drink your water and wait for us." Magrereklamo pa sana siya pero hinila na ako ni Shaun papaunta sa room niya.

Naghanap agad ako ng kanyang damit at pinalitan siya.

Nagtatalon talon ito sa harap ko.

"It suits me, mommy." He smiled at me.

"Yes, baby. I love you." I kissed his forehead.

"I love you too, mommy. Forever." Pinupog niya ng halik ang aking mukha.

"Let's go na, nag aantay ang ninang mo." I carried him as we move out of his room.

________________

May 31, 2021


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon