Obsession 2

15K 335 13
                                    

Angel's POV

"How is she, Doc?"

"She's okay, sir. She only needs to rest, dala ng puyat at pagod kaya siya nahilo. Pwede na din siyang lumabas bukas."

"Thank you Doc."

Minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag kaya napapikit ulit ako. Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino habang nagtatanong kung ano ang nararamdaman ko.

Dahan dahan kong binuksan ulit ang mata ko ng may isang lalaking naka dungaw sa akin at tila ino obserbahan ang aking reaksyon.

Nakipagtitigan ito sa akin at ang tingin niya ay may halong pag-aalala at parang galit den?

Where am I?

"Ay, jusko kang bata ka. Buti naman at gising kana. Pinakaba mo kami." Nagmamadaling lumapit sa akin si nay Glo na nag aalala. Hinaplos niya ang kamay ko. I smiled at her.

"Ano pong nangyari nay?" Mahina kong tanong habang umaayos sa pagkakahiga.

Nahihilo parin ako.

"You passed out." Nagugulat na napatingin ako dun sa lalaking naka dungaw sa akin kanina. He's looking at me worriedly at the same time angry?. Siya ung lalaki sa karinderya! "Drink this." inabot niya sa akin ang hawak niyang baso. Nag alinlangan ko pa itong kunin.

Nang mailapag ko sa gilid ang baso ay saka lang bumalik sa akin ang senaryo kanina bago ako nahilo.

"Ikaw talaga nak, bakit mo pinababayaan ang sarili mo?" Nag aalalang sermon ni nay Glo.

"You should eat at the exact time and have rest as well. Don't be so stressed with your work Lady." Nag angat ulit ako ng tingin dun sa lalaki nang magsalita ito. Ang seryoso ng boses niya! Hindi ko alam kung nag-aalala ba ito o galit. Ito pala ung lalaki kanina sa karinderya.

Why is he here anyway?

"Kumakain naman ho ako, nay. " pabulong na sagot ko sa sinabi niya. "Yun nga lang po ay hindi ko minsan namamalayan ang oras kaya nalilipasan ako ng gutom" dugtong ko ngunit kay nay Glo ako nakatingin.

Kumakain naman ako pero minsan dahil mag-isa ako sa bahay ay nakakawalang ganang kumain.

"Nak, dapat alagaan mo ang sarili mo, mahirap magkasakit ngayon alam mo yan." Nag aalala parin si nay Glo. Kita ko ito sa kanyang ekspresyon.

"Okay naman na po ang pakiramdam ko nay, pasensya na po naabala ko pa po kayo." Nahihiyang saad ko rito at sinulyapan ang lalaking nakatayo sa tabi ko. Nakatingin lang ito sa akin ng seryoso. Parang may malaki akong kasalanan sa kanya.

"Angel, iiwan ko muna si Zhan upang bantayan ka. Tumawag si Sany kanina dahil wala siyang kasama sa karinderya." Tumango ako sa kanya. Kasalanan ko to, binigyan ko pa sila ng pro problemahin. Buti nalang nagpa iwan si Sany para may magbantay duon.

Ang hindi lang klaro sa akin ngayon ay paanong kilala ni nay Glo ang lalaking ito? Baka ay nag-usap sila kanina habang wala pa akong malay?

"Sige po nay Glo. Naiintindihan ko po, pasensya na talaga." Paumanhin ko kahit gusto kong pati itong lalaki ay umalis nadin tutal ay kaya ko naman na.

"Ano ka bang bata, hindi kana iba sa akin. O sige" binalingan niya ang lalaking tinawag niyang Zhan. "Iho, ikaw na ang bahala sa kanya. O sya sya, mauna na ako."

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon