Obsession 3

12.7K 320 8
                                    

Angel's POV

"How are you? Do you feel any pain?" Pagkagising ko palang ay bumungad na sa akin ang nag-aalalang mukha ni Zhan.

Hindi pa ito umuuwi?

'i'll stay, I'm a man of my words' his words echoed in my head again.

"You can be discharge later as the doctor said. Don't be bother with your hospital bill, I already paid for that." Nahihiyang nginitian ko siya. Hindi makapaniwala sa kabutihang ginawa nito.

"Hindi ba kita naaabala? I mean, Pwede ka namang umuwi, ahmm, kaya ko na ang sarili ko. Maraming salamat sa tulong mo pero alam Kong madami kang gagawin at--"

"I'll stay, I want to make sure you will reach home safe." He said with finality. Seryoso niya akong hinagod ng tingin. "Ako na ang maghahatid sayo pauwi." Tututol na sana ako pero naalala kong wala nga pala akong dalang pera.

________

Wala akong matandaan na sinabi ko sa kanya ang aking address, but why did he knows that I'm living here?

"Ah salamat sa paghahatid." Sabi ko ng makababa ako sa kanyang kotse. He was looking at me. I shyly smile. "Gusto mong mag kape muna?" Ito ang unang beses na mag iimbita ako ng hindi ko kakilala. Ngayon ko lang siya naka usap at nakasama pero heto't inaaya ko pang mag kape.!

Tumitig pa siya sa akin ng deretso bago tumango.

Shit! Akala ko tatanggi siya!

"Ahh, pasok ka." Binuksan ko ang pinto at naunang pumasok.

Umupo siya sa single sofa, ako naman ay mabilis na tumungo sa kusina at naghanda ng kape para sa aming dalawa.

He looks comfortable on his sit. He's smiling while looking at his phone.

He looks more gorgeously handsome when he is smiling. Nakaka intimidate kapag seryoso siya.

Tumikhim ako ng makalapit ako sa pwesto niya to get his attention at inilapag ang tinimpla kong kape.

"Thank you." Ngumiti siya sa akin. Tumango ako at awkward na naupo sa isa pang single sofa na medyo malayo sa kanya.

"Ah Zhan, yung binayad mo kanina sa ospital, babayaran ko rin yun. Hindi man fully pero iuunti unti ko." Hindi ko kase maintindihan kung bakit niya iyon ginawa.

Why would this man do that? To a stranger like me? He must be kidding me.

"I told you no need. Your thank you is enough, Angel." Seryosong aniya bago sumimsim sa kanyang kape.

No, there's must be wrong here. Why is he comfortable talking to me? Base sa suot at ayos niya, kitang kita na may pinag aralan at mayaman ito. He paid for my hospital bill without any worries.

Sa totoo nga niyan ay hirap pa akong kumita ng higit sa limang libo.

"Ah, pero nakakahiya naman kase. I mean look, ngayon mo lang ako nakita, pero-"

"Ok, ganito nalang, if you really want to pay me back then I'm offering you a job." Namangha ako sa tigas ng kanyang pagtatagalog.

Damn!

"What job?" Curious kong tanong.

"You'll be my personal assistant, meaning you will move in my house, you'll be accompanying me in everything." What? Did I heard him right?

"Pero, kaya naman kitang bayaran kahit sa karinderya ako ni nay Glo magtrabaho---" Napatigil ako sa pagsasalita at napa isip. Mababa ang sweldo ko sa karinderya pero hindi naman ako nagugutom. Tama lang para sa akin.

Pero kung magtatrabaho ako sa kanya, maybe I can earn and save more, right?

"Hmmm, you have so many benefits if you will work for me." Pangungumbinsi niya pa.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung magpapatuloy ba ako sa pagtatrabaho sa karinderya.

This could be my chance to lift my life. Mag-isa na ako't diko pa naeenjoy ang buhay ko.

Umiikot lang sa pagtatrabaho ko sa karinderya ang lahat.

Alam ko noon na hanggang dito na lang ako, pero Zhan is here, offering a job that can turn up my future.

"I'll think about it first, Zhan. Kailangan ko pang kausapin si nanay Glo about this." Ayokong maging bastos. Nanay Glo has been there for me eversince.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

"Of course. It's not that I am already asking you to start working for me." Natatawang aniya. "Maybe a week would do?" I shyly lowered my head and said yes.

May iba talaga e, bakit talaga mukhang komportableng komportable ito sa mga kagaya ko? Hindi naman sa nagmamataas ako ng tingin sa aking sarili but look, why would a rich man goes in a low class eatery if he can afford an expensive restaurant? Come to think of it.

And why would he pay a strangers hospital bill? Helpful? Maybe. Pero bakit pati ang bantayan ako ay ginawa niya din?

That is super unbelievable swear!

"What are you thinking?" Nagulat ako dahil kanina pa pala ako parang timang na nakatitig sa kanya.

"Huh?, Ah-wala." Mabilis at nagpa panic agad na sagot ko. Bakit kase nagtanong pa. Nakakahiya!

"Here's my number, Angel. Call me for your final decision. I'm going, I have lot of papers to finish." Pormal siyang tumayo at inayos ang necktie. Tinitigan ko muna ang calling card na inilapag niya sa table.

"Thank you for your help, Zhan. Tatawagan nalang kita bukas pagkatapos kong kausapin si nanay Glo." Tumayo ako.

"No worries. Bye Angel." Hinatid ko siya sa hanggang sa labas.

Tinanaw ko siya hanggang sa maka alis na ang kanyang kotse.

Kusang kumurba ang ngiti sa aking labi sa hindi ko malaman na dahilan.

April 27, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon