Obsession 38

6.2K 170 2
                                    

Angel's POV

"Please Zhan, just let me go home. Hindi pwede itong ginagawa mo. You can't just drag me whenever you want. Alam kong may kasalanan ako sayo, pero may kailangan pa akong asikasuhin. If you will allow me, hayaan mong umuwi muna ako ngayon at bukas na bukas mismo ay mag-uusap tayo, hindi yung ganito." I pleaded while looking at him.

Sapilitan niya akong binuhat kanina at dinala sa isang hotel room na alam kong inookyupahan niya dahil may mga gamit siyang nakalagay dito.

He was now looking at me darkly.

"More important than me, huh?" Malamig niyang sabi. Napayuko ako.

Nag-aalala ako sa anak ko dahil baka hinahanap na niya ako. Ayokong umiiyak siya ng dahil sa akin.

"No, it's not that, Zhan. Pero hindi naman kase--"

"Shut up! What the fuck, Angel? What happen to you? Do you know what I've been through the moment you left me? Without any fuckin' signal?! Ano, masaya ka ba? Masaya ka bang makita akong nasasaktan? Ha?" Mas lalo akong napayuko, nagsimulang tumulo ang aking luha.

He's hurting and it's damn because of me!

"Ano pa bang kulang?" Napa atras ako sa gulat dahil sa pagtaob niya ng upuan na naglikha ng napakalakas na ingay. "Ano? Anong kulang?" Tinignan niya ako ng deretso sa mata kaya mabilis akong umiwas sa kanya dahil hindi ko matagalan ang kanyang tingin.

Zhan, Walang kulang! Ako ang problema. Nagpadalos dalos ako sa aking mga desisyon.

"Zhan, pwedeng bukas nalang tayo mag-usap, please." Mahinang mahina kong sabi. Hindi ko kaya. Nasasaktan ako na nakikita siyang ganyan. I couldn't look at him. Nanghihina ako.

Narinig ko ang mapakla niyang tawa ngunit hindi ako tumingin sa kanya.

"It looks like you we're happy with your own life now, huh." Umiling iling ako. Ayoko sa paraan ng kanyang pagsasalita, hindi ako sanay.

He always talk to me with care back then. Hindi yung ganito.

"You're wrong Zhan." I defended myself, it's true! I've never been happy, kahit kasama ko ang anak namin ay may kulang parin. May kulang.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang pinaramdam mo sa akin, Angel. Ang sakit sakit. Sobra." Humikbi ako. Hindi ko na kaya.

"Paano mo ako nagawang iwan kahit alam mong kaya kong ikamatay ang gagawin mo? Naisip mo ba yon?!" He shouted, mad and furious.

Napaluhod ako dahil hinang hina na ang tuhod ko.

Narinig ko ang pagmura niya at mabilis akong dinaluhan, binuhat niya ako at naramdaman ko nalang na inilapag niya ako sa malambot na kama.

Hinawakan ko ang aking dibdib dahil nahihirapan akong huminga.

"Fuck! Drink this." Kita kong nagpanic siya, inabot niya sa akin ang baso ngunit ng hindi ko ito kinuha ay siya na mismo ang nagpainom sa akin.

"Shit, Angel. I'm so sorry." He keeps on saying sorry while hugging me tightly. I felt him trembling.

Unti unting umayos ang paghinga ko, kumakalma na ang aking katawan.

"It's not your fault." Paos na sabi ko. Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang aking luha.

"Damn! I'm really sorry, mahal. Putangina, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sayo." Niyakap niya ulit ako. Mas mahigpit sa yakap niya kanina.

Ramdam na ramdam ko ang takot sa kanya.

"Shhh, Zhan okay na ako." I tried to calm him pero kitang kita parin ang takot sa kanyang mga mata.

"Come back to me, Mahal please."

Why do he have to be like this? How can he still love me even if I caused him pain? Do I deserve his love?

Napahikbi ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Let's take it slowly. Mahal, please. Ang tagal tagal kitang hinanap. Hindi ko na ulit kakayaning mawala ka pa. Hindi ko kaya Angel. Ayokong maiwan ulit." I hugged him. I don't want to see him like this!

Naiinis at nagagalit ako sa aking sarili! He don't deserve this!

Wala siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin at gawin akong espesyal na tao, pero ako? Nagawa ko pa siyang saktan!

"I'm going to make it to you again, Mahal. Kahit anong gusto mong gawin, susuportahan kita. Bumalik ka lang sa akin. Mahal na mahal kita. And that will never change, it will always be you, Angel." Ayokong tumingin sa kanya. He's now crying!

"Zhan" I gently stroked his arm. He's now sniffing my neck.

He's crying in pain!

"Zhan, don't be like this please." Nahihirapan din ako.

"Bumalik tayo ng Manila, Mahal. I promise, gagawin ko lahat ng ikasasaya mo. I promise you that, Angel." Umiling iling ako sa kanyang sinabi.

I'm not yet ready to go back in Manila. Natatakot ako sa nanay niya. Baka galit parin iyon sa akin hanggang ngayon, baka pa nga ay ikanasusuklam niya ako. Maybe she didn't file any case from me but what if she's waiting for me? What if she'll throw her anger to me once she saw me?

That's what I am afraid of! May anak pa akong kailangang alagaan. Naisip ko ang anak ko, I know that he's looking for me by this time. Baka ay nag aalala na sina Dana at Gin dahil hindi pa ako bumabalik sa cafe.

Hantayin mo si mommy, Anak.

_____________

June 13, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon