Obsession 24

6.5K 178 3
                                    

Angel's POV

Ina antay kong matapos si Zhan na maligo. Nakatingin lamang ako ngayon sa aking repleksyon sa harap ng salamin.

I'm not ready to see his mother, I'm really guilty. Knowing that his father is there makes me more nervous.

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at tumayo upang makita ang buong repleksyon ko.

Nasa ganoong posisyon ako ng bumukas ang pinto ng banyo. Isang puting tuwalya lamang ang nakatapis sa kanyang ibaba. Damn! Kahit nakita ko na ang kanyang katawan ng paulit ulit ay hindi ko parin maiwasang hindi mamahangha.

Umiwas ako ng tingin ng ngumisi siya.

"Want one round before heading to the hospital, mahal?" Pinamulahan ako. Kinuha ko ang unan at binato sa kanya. Agad naman niya itong nasalo habang tumatawa.

"Heh! Magbihis ka na nga at aalis na tayo." Tumalikod ako sa kanya at muling hinarap sa salamin. Trying to ignore his presence.

Naririnig ko parin ang mahinang tawa niya habang kumukuha ng damit sa closet niya.

After 20 minutes, nasa loob na kami ng kanyang sasakyan. Nagkwentuhan lamang kami ng kung ano ano hanggang sa makarating kami sa hospital.

Nauna siyang naglakad papasok habang sumusunod naman ako sa kanya.

Pinaglilingunan kami ng mga nurses at mga tao, no, the attention was in Zhan! Damn this girls! matitiris ko talaga ang mga mata ninyo katitig sa jowa ko!

Mabilis akong naglakad hanggang sa pumantay ako sa kanya at pinulupot ang kamay ko sa kamay niya.

I saw him smirk as he look around. Shit! May gana pa siyang ngumisi huh!

Kinurot ko bahagya ang kanyang braso, tumingin siya sa akin habang nakataas ang kilay. I glared at him.

Huminto kami sa isang kwarto kung saan ang kanyang mom.

Kinakabahan akong sumunod sa kanya papasok sa loob. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ang kalagayan ng kanyang mommy.

Ang daming mga aparatus sa kanyang ulo! Fuck! Ganun ba kalakas ang pagkakatulak ko para maging ganito?

Kahit wala paring malay ang kanyang ina ay kinakabahan parin ako.

"Son you're here." His father said when we finally enter. "Oh you're with Angel?" Then he noticed me.
Parang hindi pa sigurado kung ako nga si Angel.

Kilala niya ako? Hindi ko siya nakita nuong birthday ng mommy ni Zhan.

"Good morning po sir." He just nodded. Matangkad din ito kagaya ni Zhan. Lahi ata nila. Pati kase si Kara, Zhan's cousin ay matangkad rin.

"How's mommy, daddy?" Nilapitan niya ang kanyang ina at pinatakan ng halik ang noo nito.

Looking at him right now, I regret what happened that day in my office, I didn't know that this will happen. Hindi ko ito inaasahan. Pero nangyari na, wala na akong magagawa roon.

Even if I keep on blaming myself, even if I hurt myself, It will never change the fact that I pushed his mom and this is what happened.

"Mahihirapan siyang magpagamot dito anak, we need to bring her in States, mas mapapadali ang recovery niya kapag duon natin siya ipapagamot. Hope you'll come Zhan, don't disappoint your mother. I know how much you care for her." Nagbaba ako ng tingin.

His father was right. Zhan is a Mama's boy. It's very obvious.

"Dad" tila hirap nitong sambit. Nakatitig parin sa kanyang ina.

I know he wants to go with his father with his mother but because of me, nagdadalawang isip siya.

"Excuse me sir, lalabas lang po ako. Zhan, I'll just be outside." Tumango ang dalawa kaya mabilis akong tumalikod at lumabas sa kwartong iyon.

Ayaw kong pakinggan ang personal na pag uusapan ng dalawa. Wala na ako duon. It's their family to decide.

Sana pumayag si Zhan na sumama.

Magpapakalayo layo din ako dahil kapag nagising ang mommy niya, sigurado akong ipahu hunting niya agad ako.

He doesn't want me for her son. Edi mas lalo ngayon dahil sa ginawa ko sa kanya.

But you cannot blame me! I did that to protect myself.

Lumipas ang ilang sandali ay lumabas ang daddy ni Zhan.
Agad niyang pinalibot ang tingin hanggang sa makita ako.

Pormal siyang lumapit sa akin at tumabi sa aking tabi.

Awkward akong napalunok at napahinga ng malalim.

"So you're the girlfriend of my son, iha?" Napatango agad ako. Kinakabahan ako sa kanya. Alam niya ba na ako ang dahilan kung bakit naging ganyan ang sitwasyon ng kanyang asawa?

Is he going to put me in jail? Mas lalo akong kinabahan.

" I guess you already know na ayaw sumama ni Zhan sa amin." Napalunok ako at tumango ulit.

"Can you do me a favor, iha?"

"A-ano po iyon, sir?" Mahina kong tanong.

"As you can see, Angel. Maraming pinagbago si Zhan nuong naging kayo." Lumalim ang kanyang boses. "He used to have time for his mother. Kahit pa sabihin mong may emergency siyang pinuntahan, isang tawag lang ng mommy niya, heto na agad siya.
Pero ngayon, nagbago na ang anak ko." Naluluha kong pinapakinggan ang kanyang kwento.

"Lagi kong nadadatngan ang asawa kong umiiyak dahil nagseselos siya sayo. Nuong umuwi ako two days after her birthday, sinabi niya sa akin na may ipinakilala na ang anak namin." He smile pero kita ang sakit sa kanyang mata.

"Umiiyak siya palagi dahil nawawalan na ng oras sa kanya ang anak namin, at hindi siya sanay na ganoon si Zhan. Nakakaligtaan na ni Zhan ang kanyang ina. Parang ngayon, he's choosing to stay here with you instead of coming with us in States." Shit Zhan!

"Ano pong gusto niyong gawin ko, sir?" Kahit may idea na ako kung ano ang sasabihin niya, tinanong ko parin.

"Kung pwede ay layuan mo ang anak ko, Hindi ka nakakabuti sa kanya. Nasasaktan na ni Zhan ang mommy niya dahil sayo, Angel. Sana maintindihan mo kung ano ang pinupunto ko."

I sighed painfully, tumayo ako at walang paalam na lumabas ng hospital.

Mabilis akong dumeretso sa bahay at muling nag impake.

"I love you, Zhan. Please always remember that. I'm sorry." Dinikit ko itong maliit na piraso ng papel sa refrigerator para madali niyang makita once he's home.

I'm really sorry Zhan, I love you. Good bye.

______________

May 28, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon