Obsession 41

6.1K 146 1
                                    

Angel's POV

Umiiyak kong tinawagan ang number ni Kara. Napasandal ako sa pader habang inaantay na sagutin nito ang tawag.

I thought she would not answer, mabuti nalang at sinagot din niya.

Hindi ako mapapalagay kung hindi ko makakausap ang anak ko.

"Yes, couz?" Bungad agad nito.

"Kara, si Angel to." Mahinang aniko. Narinig ko ang pagbusina nito.

"Bakit phone ni Zhan ang ginagamit mo, Angel? I can't contact your phone. Nandito na ako sa Marinduque, malapit na ako sa Cafe, nagtext ako kay Dana at nasa cafe sila kasama si Shaun na hindi daw natigil sa pag iyak. Hinahanap ka na ng bata. Nasaan kayo ni Zhan at susunduin na kita. Neknek na Liam yun, nasa Manila na pala. Pinabalik daw ni Zhan. Ang sabi ko sa kanya bakit hindi mo siya hinila pabalik dito, sabihin ba namang hindi daw babalik ng Manila kung hindi kasama ang asawa niya. Gosh." Natahimik ako. Sa dami dami ng kanyang sinabi ay parang isa lang ang narinig ko.

Umiiyak ang anak ko? Because of me! I really need to see him.

"Kara, sunduin mo si Shaun at iuwi mo na sa bahay. Magkita tayo bukas, pupunta ako sa bahay. Hahanap ako ng tyempo." Ngunit galit sa akin si Zhan. Miss ko na ang anak ko. Mabuti nalang at nandito ulit si Kara, kayang kaya niyang kumbinsihin ang anak ko. "Tsaka ay sira na ang phone ko, tinapon ni Zhan." I inform her.

"O sige , sige. Nandito na ako sa cafe. Ayun sina Dana, kasama ang pamangkin kong pinapatahan nila." Nasaktan ulit ako. Naiimagine ko palang ang mukha ng anak kong umiiyak ay gusto ko ng sabunutan ang aking buhok.

"Can I talk to my son? Kahit saglit lang." Magkikita din naman kami bukas.

"Wait, lalapitan ko sila." Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Shaun sa ninang niya, tumawa naman si Kara.

"Ninang, thanks God you are here, where is my mom? Are you with her? She left me with tita and tito yesterday but she didn't get me. Did she leave me also like my daddy? Don't they want me? Did I do something bad? Why did she left me here? Ninang, maybe they don't really love me. Why is it so easy for them to leave." He said while crying. Dinig na dinig ang kanyang hikbi, ramdam ko ang bawat sakit sa kanyang boses habang sinasabi niya iyon. Nanghihina akong umiyak ulit ng marinig ang sinabi ng aking anak.

"Hey, listen Shaun. Your mommy and your daddy loves you so much. Please stop crying, your mom wants to talk to you."

"Hello, mommy? Mommy where are you? I miss you and I really want to hug you at this moment mommy, but you are not here. Mommy please come back." Pinunasan ko ang aking luha.

Gosh, I miss him.

"Shaun, I miss you too." Suminghot siya. "I'm sorry kung hindi nakapagsabi na aalis si mommy. I'll make it up to you tomorrow anak. Please don't be mad at mommy." It's almost whisper.

I don't want my son to hate me.

"No mommy, I am not mad at you. It just that I really miss you. Where are you? Can we come over there? Ninang mom is here, she can drive me there, mommy."
He said hoppingly. Kung pwede lang sana anak ang kaso ay hindi pa ako handa kung magkikita kayo ng tatay mo.

"Baby, I will see you tomorrow. Nasa malayo si mommy" I reasoned. "And don't cry baby, please, you're making mommy worry." Totoo naman iyon. Walang magulang ang gustong umiiyak at nasasaktan ang kanilang mga anak.

"Yes mommy. I'm strong. I shouldn't cry. Mommy, see you tomorrow then. I love you so, so much. Muahh"

"I l-love you too son."

After Kara ended the call, I cried. Hard. Mas lalo akong napa iyak ng maalala ang lamig ng ekspresyon ni Zhan kanina.

He used to understand me, but earlier is different.

Ang sa totoo lang ay wala talaga ako karapatang masaktan. This is my fault.

Kailangan kong ipakilala si Shaun sa kanyang ama. My son and Zhan deserves the truth. Napakatagal ng panahon na ipinagkait ko sa kanila.

Pero naisip ko din, paano kung malaman ni Zhan ang tungkol kay Shaun ay magalit siya sa akin? Paano kung ilayo niya sa akin ang bata? Paano kung bigyan niya ito ng bagong ina ang anak namin? Paano kung--

Parang baliw na ginulo ko ang aking buhok at mas lalo lamang napaiyak.

Kung magalit man siya sa akin ay karapatan niya iyon. Hindi biro itong ginawa ko.

Nasa ganoon akong posisyon ng narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto kaya napa angat ako ng tingin.

Nakita ko ang pagdaan ng kung anong sakit sa kanyang mata at naramdaman ko na parang gusto niya akong lapitan ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. Napa igting ang kanyang panga at pinaseryoso ang kanyang mukha.

He starts walking towards me, ang akala ko ay lalapitan niya ako para patahanin at yakapin ngunit nagkamali ako.

Nang tuluyan na itong nakalapit ay itinuro niya ang kanyang cellphone na hawak hawak ko pa pala.

I gave it back to him without looking at his eyes. Nang abutin niya ang phone niya ay walang salita salita itong tumalikod at lumabas ng hotel room. That made me cry more.

It hurts so much! Damn this pain!

I hope for a good day tomorrow, I do hope that this pain will ease.

_____________

June 15, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon