Obsession 9

8.9K 235 3
                                    

Angel's POV

"What happen mahal, why are you crying? Ano pong nangyari manang?" Zhan sat beside me and immediately held my hands. He's looking at me with nervousness.

Itinaas niya ang thumb niya at pinahid ang luha ko.

"Wala naman Zhan, sige at naiwan ko muna kayong dalawa rito. Tutulungan ko si Sany sa pagluluto ng makakain na tayo." Tumayo si nay Glo at tinanguan kaming dalawa ni Zhan bago umalis.

"Bakit umiyak ang mahal ko, hmm?" Binalingan ko siya dahil sa napakalambing niyang boses.

Tinitigan ko siya ng napakatagal, ganun din siya. Ang mata niyang kumikinang sa pagmamahal.

Hindi ko inaasahang sa kanya ako makakaramdam ng ganito.

"Zhan." Aniko sa mahinang boses habang nakatitig parin sa kanya.

"Hmm?" He hummed, still looking at me.

'Mahal din kita. Sigaw ng sa isip ko.

I was about to open my mouth but we heard Sany calling us to eat.

"We'll talk later at home, mahal." Inalalayan niya along makatayo hanggang sa maka upo sa hapag.

Panay ang kwento ni Sany. Tawa lang kami ng tawa nila nay Glo at Zhan.

"Alam niyo din ba, si Gelo, naalala mo yun, Angel? Yung tambay jan sa kanto." I nodded. Kilala ko yun. Palagi siyang nakatambay sa mga store jan sa labas, kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Kasal na ngayon yun, naka jackpot ng babaeng mayaman, ayun nasa america ngayon." Manghang mangha niyang kwento. Wow. Tambay lang nuon iyong si Gelo, tapos ngayon? As in wow.

"Ikaw kaya, kailan?" Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni nay Glo.

Sumimangot agad ang mukha ni Sany at napa inom ng tubig.

"Aling Gloria naman po. Hinihintay ko pa." Naka simangot parin siya.

Kwento kwento lang hanggang sa matapos kaming kumain. Ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin ngunit ayaw paawat si Zhan at tinulungan ako.

Bilib din ako sa kanya dahil kahit laking mayaman siya ay natuto parin siya sa mga ganitong gawain. Yung iba kaseng mayayaman, kahit ata pagpapa init ng tubig hindi nila magawa.

"Salamat anak, Sa iyo din Zhan sa pagdalaw ninyo. Sobrang saya ko at sa wakas ay masaya kayong pareho. Zhan, lagi mong aalagaan si Angel." Bilib pa ni nay Glo kay Zhan.

Alas sinco na nang hapon kaya naman ay uuwi na kami.

"Makaka asa po kayo manang. Lagi ko tong iingatan." Linapitan niya ako at inakbayan. Ramdam ko naman ang pagpula ng aking pisngi dahil sa ginawa niya.

"Kinilig ang bruha." Tudyo naman ni Sany na kanina pa lala nakatayo sa gilid ng lamesa. Pinandilatan ko naman siya.

"Oh, sige na po nay Glo, Sany, aalis na ho kami. Dadalaw nalang ulit kami sa susunod."

"Mag iingat kayo sa pag uwi mga anak."

"Ingat kayo Angel. Zhan, ingatan mo yang kaibigan ko."

We smiled back at them and bid our goodbyes.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang pumasok sa loob bago siya umikot sa driver's seat.

Tahimik kami hanggang sa makarating kami sa kanyang bahay.

"Napagod ka ba, mahal ko?" Agad na tanong niya ng ibagsak ko ang katawan ko sa mahabang sofa sa sala.

"Medyo." Sagot ko.

"Gusto mo ba ng gatas, ipagtitimpla kita." I nod at him. Mabilis naman siyang tumungo sa kusina.

This is him. He's so caring. My ideal man.

Bibihira lamang ang mga ganitong lalaki ngayon. When Zhan is back, he slowly hand me the milk.

Tinitigan ko siya ng maigi habang inaabot ang gatas sa kanya.

"I'll just prepare our dinner, mahal." Hindi ko siya sinagot o tinanguhan man lang. Nanatili ang tingin ko sa kanya.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

"Zhan." Mahina, masuyo at malambing kong tawag dito. Marahan ang kanyang paglingon sa akin.

Hindi ko maintindihan ang kalabog ng aking puso.

"May problema ba, mahal? Anong masakit?" Tatlong hakbang niya ay nasa tabi ko na siya. Nag aalala itong tumingin sa akin.

Sa mga ganitong simpleng bagay ay makikita mo agad ang concern niya. He's always like this that's why I'm really addicted with his sweet gestures.

The way he calls me mahal is so relief to me.

Unti unting namuo ang luha sa aking mata dahil sa saya. He's showing me his love and I love it. I love him. I love Zhan Lauren Martinez. Hindi ko na napigilan at naluha na ako.

"Hey, why? Is there a problem, mahal? Please tell me." Hinagod niya ako sa likod.

"It's a yes, Zhan." Para siyang nanigas sa kanyang upuan ng marinig ang sinabi ko.

"W-what did you say, Mahal?" Nanlalaki at hindi makapani walang aniya. Pinilit kong pigilan ang luha ko at tumango sa kanya, upang sabihin na totoo ang iniisip niya.

"Y-yes Zhan, girlfriend mo na ako." Ang kaninang naka kunot niyang mukha ay napalitan ng isang malawak na ngiti.

Hinapit niya agad ako sa aking baywang at yinakap ako ng napaka higpit. As in, super higpit.

"Thank you so much, mahal ko. Thank you for allowing me to spend my life more with you. I won't lose this chance, ever. My Angel. I love you so much. Please always put that in your mind and heart." Mas lalo akong naluha dahil sa mga nasabi niya.

"Mahal na mahal din kita, Zhan." Hinawakan ko siya sa kanyang pisngi.

Ako na mismo ang yumuko at inabot ang kanyang mapula at mapang akit na labi. I felt him stiffened because of my sudden action, but a seconds later, he kissed me back with equal passion.

He got my first kiss, and I promise that he'll be my first and last kiss, I love you too, Mahal.

_______________

May 6, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon