Obsession 35

6.1K 158 3
                                    

Angel's POV

"Sure, I'll behave mommy." Masayang tugon ni Shaun ng sabihin kong huwag siyang maglikot kapag sinama ko siya sa cafe.

Excited na excited siyang sumama dahil ngayon ko lang ulit siya isasama doon.

I kissed him on his forehead.

"Let's go, baby."

Hinawakan ko ang kanyang kamay hanggang sa makasakay kami ng taxi. Aliw na aliw itong nakatingin sa bawat dinadaanan namin.

After how many minutes, nakarating na kami sa cafe. Nakita ko agad si Dana na nakatayo sa counter mula sa glass wall ng café.

"Is that tita Dana?" Tinuro niya kung saan ito nakatayo. Nagbayad muna ako ng taxi bagi siya hinarap.

"Yes, baby." Nauna pa itong naglakad papasok sa loob.

"Tita, Shaun is here." Umaliwalas ang mukha ni Dana ng makita ang anak ko at mabilis itong nilapitan.

"Hala, you're here. I miss you boy." Yinakap niya ay binuhat ang anak ko.

"Ano na namang atin dito--" nanlalaking mata din si Gin ng makita si Shaun. "Hey man." Tawag pansin niya sa anak ko at nilapitan din.

"Tito Gin." Nag high five ang dalawa.

"Mabuti at sinama mo siya dito Angel. Para naman may pogi akong nakikita, yung iba kase nakakabanas na ang pagmumukha." Pagpaparinig niya. Umirap si Gin.

"As if you're beautiful too, haler!" Irap parin niya.

Natawa tuloy ako sa kanila.

"Alam niyo, bagay kayo." Sabay na umasim ang kanilang mga ekspresyon at nandidiring tumingin sa akin bagi sila nagtitigan at sabay ding umaktong nasusuka kaya humagalpak ako ng tawa.

"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo, Angel." Bumaba si Shaun mula sa pagkakabuhat ni Dana.

"Magtrabaho na nga lang tayo." Natatawang tumango ako ng naunang pumasok sa kitchen si Gin na halatadong naiinis na naman.

"Halika Shaun." Hinawakan ni Dana ang kamay ng anak ko at sumunod kay Gin, pumasok narin ako sa loob.

"You just sit here Shaun, okay? Magtatrabaho kami, just call us when you need something." Tumango tango ang anak ko, binigay ko ang kanyang laruan at pinaupo siya sa mat na nilagay ko sa bakanteng space sa loob ng kusina.

Tuwang tuwa itong tumango at kinuha ang spider man na laruan niya mula sa akin.

Iniwan ko na siya at lumapit kina Gin at Dana.

"Kailan papasok si ang kambal mo Gin?" Kapagkuwa'y tanong ko kay Gin. Gina is his twin.

"She's still sick so probably next week na yun makakapasok." Kaya naman pala. Hindi na ako nagsalita pa at inasikaso na Ang mga order ng customers.

Palagi kong nililingon ang anak ko. Masayang masaya parin itong naglalaro. Minsan din ay tinatawag ni si Dana.

"Dana, table #9." Tinaas ni Gin ung tray, lumapit naman si Dana at masiglang dinala ang order sa table #9.

Tumalikod ako at pumasok ulit sa kusina para kunin yung latte na order, nangingiti akong tinanguan ng anak ko na para bang sinasabing huwag ko na siyang alalahin.

Lalapit na sana ako sa counter kung saan ngayon nakatayo si Dana at Gin ay napa atras ako ng pumasok si Liam.

Shit!? He's still here? Ang akala ko ay coincidence lang na nakita ko siya kahapon dito! Pero ngayon?

Alam niya bang nandito ako? Nakita niya ba ako?

Pero sigurado akong hindi niya ako nakita dahil nagtago ako! So why is he here? Was he sent here by Zhan to look for me? Alam na ba nilang nasa Marinduque lang ako?

Habol hininga ako ng pumasok sa kitchen at ganun nalang ang panlalaki ng aking mata ng makita ang anak kong nakaharap kay Liam.

Nanlambot ang aking mga tuhod dahil sa gulat at pagkamangha sa itsura ni Liam habang nakatingin sa anak ko.

"Fuck kid, are you for real?" Hahawakan na sana niya si Shaun ng umatras ito. Rinig na rinig ko sila.

"Who are you? Mom told me not to talk to strangers."

"Wow, this is impossible! You look like-- damn! Kamukhang kamukha mo talaga siya!" Manghang mangha parin itong nakatanaw sa anak ko.

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya! Halata naman kase, kamukhang kamukha niya ang tatay niya.

This is not good. Gusto ko sanang lapitan sila at kunin ang anak ko pero hindi niya naman ako pwedeng makita!

Tinignan ito ni Shaun ng naka kunot. Nalilito sa mga pinagsasabi ni Liam.

"By the way kid, who is your mother?" Kumalabog ng sobra ang puso ko dahil sa itinanong niya. Wala akong paki alam kung makita niya ako ang importante ay mailayo ko sa kanya ang anak ko.

Akmang lalapit ako sa kanila ay mabilis na linapitan ito ni Gin at binuhat si Shaun.

"Man, didn't your mom told you to stay there? Why are you here?" Tinuro niya ang kusina kung saan ko siya iniwan kanina.

Ngumuso ang anak ko. Nakahinga ako ng malalim.

"I was just touring my spider man around." Itinaas niya ang kanyang laruan. Binalingan ni Gin si Liam.

"Excuse me sir, sorry po sa anak ko." Napataas ako ng kilay, ano daw? Anak niya? Lakas talaga ng tama sa ulo ng gago.

"Ah, walang anuman. He's just very familiar. I'm sorry too." Tumango si Gin sa kanya at umalis duon. Nakita ko pang sinundan ni Liam ng tingin ang anak ko hanggang sa makapasok ang dalawa sa kusina.

Mabilis ang ginawa kong pagtalikod at pinuntahan ang anak ko.

Kinabahan ako duon!

_____________

June 11, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon