Obsession 43

6.1K 157 6
                                    

Angel's POV

"Sige na nga, I'll call him later. Alam ko namang hindi ka nun matitiis." I told her to call Zhan and ask if where is he.

Nag-aalala ako sa kanya. Paano kung maglasing na naman ito kagaya na lamang nung kahapon?

"Ngayon mo nalang kaya tawagan? Baka may nangyaring masama sa kanya, Kara." I said worriedly.

"Ay concern ka teh? Ikaw kaya kumausap sa kanya? Kumbinsihin mong umuwi tapos ipakilala mo na iyong anak ninyo?" I glared at her.

"Kara, Hindi ka nakakatuwa. Hindi ganun kadali iyang sinasabi mo. Paano nalang kung magalit siy--"

"Ay aba Angel, natural na magagalit talaga yun kapag nalaman niya ang tungkol sa bata. Tinago mo eh, sino bang matutuwa dun?" Putol niya sa sinasabi ko. Realtalk!

Bumusangot ako.

"Wag ko nalang kayang sabihin?" Biro ko naman. Ngumuso ito at umiling.

"We've been keeping this for how many years, Angel. I helped you because you are the mother of my nephew, even if I know that this is wrong, but Zhan deserves the truth, and Shaun also. He may not ask for his father but we absolutely know that he's longing for him." Pumikit ako ng mariin ng maalala muli ang sinabi ng anak ko nuon.

He's waiting for me to be ready, but when will I be? Kapag huli na ang lahat?

"Kara, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong ipakilala si Shaun sa kanyang ama pero natatakot ako sa posibleng mangyari." Napahilamos ako sa aking mukha.

"Ako din naman ay natatakot para sayo, pero Angel. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon kaya bago pa dumating ang panahong iyon ay ayusin mo na ang lahat. But first, you need to fix everything in both of you. Let go of the past, focus in the present." She winked at me na parang ang dali dali lang gawin ang mga sinabi niya, pero alam kong totoo naman iyon.

"What should I do? Hindi ko na alam kung nasaan siya, susubukan kong bumalik mamaya sa hotel baka sakaling nandun na siya. Tawagan mo na kaya ngayon? Para mapanatag na ako." Ngumiti ako ng tipid.

"Ay buti pinaalala mo, muntik ko ng makalimutan." Sinapo niya ang kanyang mukha at kinuha ang phone sa bulsa.

Tahimik ko siyang pinagmasdang tawagan si Zhan, I whispered her to louder the speaker. Ginawa naman niya.

"Oh, hello my dear Kara, your cousin is in his room. Where are you? Ang sabi ng mommy mo ay parati ka nang wala sa Maynila, so? Anong pinagkaka abalahan mo?" Dinig ko ang istriktong boses ni Zhan.

Nanlamig agad ako. Ganun parin ang boses nito. Walang pinagbago.

And what did she said? Kasama niya si Zhan? Umuwi na siya ng Manila?

"Ah-eh Hi tita." Awkward na sagot ni Kara, tila ay hindi din inaasahang si Mrs. Martinez ang sasagot sa tawag. "Tita nandito po ako somewhere part ng Visayas, ah-- may inaasikaso ako dito. Tsaka tita, nanjan po sa Manila si Zhan?" Tinignan niya ako at tinakpan ang speaker bago nagsalita.

"Naku si tita pala." Bulong nito at muling tinapat ulit sa tainga ang phone.

"He's here in Manila, kakauwi niya lang galing Marinduque, Kara. Wait, I'll give him his phone. But wait, do you know what happen? Umuwi kase siyang gulong gulo ang buhok, mukhang stress na stress, mukha ding galing sa iyak, my son looks mess when he got home earlier. I'm calling him to eat but he's refusing." Nanlambot ako sa aking narinig at napakagat sa aking labi.

Hindi nakapagsalita si Kara na nakatingin lamang sa akin ngayon.

"Isa lang naman ang kilala kong pinagkakaganituhan ng anak ko, pero hindi pa namin alam kung nasaan yun kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. I didn't bother to ask him because I saw how tired he is. We may see him as a strong person but he's hiding his pain." Duon ko naramdaman ang pagtulo ng aking luha.

"Kakausapin mo ba siya, Kara? Aakyat ako sa kwarto niya." Kahit si Kara ay napakagat narin ng labi. Mukhang pinipigilang magsalita.

"Huwag nalang po tita. Sa susunod nalang, hindi din naman importante ang sasabihin ko. Sige po tita, may gagawin pa ako." She didn't wait for Mrs. Martinez response and cut the call.

Agad niya akong binalingan.

"What are you going to do now? You heard what tita said. I hope you make your decision now Angel." Lumapit ito sa akin at seryoso akong tinignan.

Alam kong nasasaktan ito para sa kanyang pinsan.

"I will try."

"Don't try. Just do. Wag mo ng patagalin pa Angel, your son is with you."

"Tama ka, walang ibang aayos ng problemang ito kundi ako. Para sa anak ko, gagawin ko to. Thank you Kara." I said sincerely then hugged her.

Marami na siyang naitulong sa akin.

Tumayo ako at uminom ng tubig.

Nasa ganun akong posisyon ng bumukas ang pinto ng kwarto ng anak ko.

"Ninang, I heard mommy's voice. Is she home already?" Galak na bungad ni Shaun, inayos nito ang kanyang buhok at nagmadaling tumakbo sa sala.

Agad na pumalibot ang kanyang mata sa paligid hanggang sa dumako ang tingin nito sa akin.
Nanlaki ang mata niya at naiiyak na lumapit sa akin at niyakap ako ng napaka higpit, niyakap ko din siya, which made us cry both.

"Mommy you're here. I miss you so bad. I didn't see you for two days. Where have you been?" Sunod sunod na hikbi ang pinakawalan nito habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

Pinupog ko siya ng halik sa mukha at pilit na ngumiti, pinusan ko ang kanyang luha.

"Shhh, stop crying baby. Mommy is here already. I won't leave again. I'm sorry. Please stop crying." Unti unti siyang kumakalma at tanging hikbi nalang ang maririnig. Tumatahan na ito.

"I love you so much mommy, please don't leave again." It's only two days but it felt so really hard to leave him. I'm not used to it, also my son.

"I won't, baby. I love you too." I kissed his forehead.

__________

June 19, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon