Obsession 37

6.1K 179 0
                                    

Angel's POV

'No escaping from this time, Mahal. Now that I found you, you will never leave my sight.

Horrified of what he said, no words came out of my mouth.
He's eyeing me like a predator.

Kinakabahan ako dahil kasama ko pa ang anak ko! Shit!

Hindi sana ako papasok sa trabaho dahil wala namang magbabantay kay Shaun pero sinabi ng anak ko na sasama siya at mag bebehave na talaga. So I don't have choice, sinama ko siya.

Mabuti at maaga ding pumasok sina Gin at Dana. Si Gin ang unang lumapit sa anak ko, nagkukulitan ulit ang dalawa.

Hahawakan ko na sana yung tray ng tumunog ang phone ko kaya mabilis ko itong sinagot.

"Good morning Kar---"

"My goodness Angel, nasaan ka ngayon?" Hinihingal pa ito, dinig na dinig ko ang kanyang malalim na hininga mula sa kabilang linya.

"Nasa cafe, bakit?"

"Shit! Umalis ka muna jan, magtago ka or ewan basta gumawa ka ng paraan para maka alis jan. Are you with Shaun?"

"Teka lang, teka. Ano bang nangyayari sayo? May problema ba, Kara?" Pati ako kinabahan na sa paraan ng pagsasalita niya.

"Angel nasa cafe na iyan ang pinsan ko kasama ang kanyang sekretarya kaya umalis na kayo jan bago pa niya kayo makita."

"Oy Kara, wag ka namang magbiro ngayon, alam mo--"

"Gosh Angel! This is true, and fuck I am not making some bullshit fun here! I'm trying to help you. Zhan is there in that damn cafe together with his secretary. I called him earlier asking where he is and he mentioned that cafe! So I called you immediately to inform you. Now, get Shaun and move out there." Kabang kaba ako habang hinahanap ang anak ko.

Bigla silang nawala ni Gin sa kusina at tila nalibang na naman ang anak ko.

"Shit, Kara. What will I do now? Paano kung makita niya ako? Kami?" Nagpapanic na ako. "Tsaka bakit ba kasi sila nandito? Do they know that we are here?" Agad at dali daling tinungo ang exit ng café.

"Hindi ko alam, umalis nga kayo jan, bumalik kayo sa bahay niyo--" I automatically dropped my phone when I heard a loud bang inside the cafe kaya agad akong napalingon sa loob.

Nahagip ng aking mata ang taong hindi ko pa handang makita, nakatayo ito at madilim ang mukhang nakatingin sa akin.

Bigla akong nanlamig lalo na ng makita kong humakbang ito, I picked my phone and was about to run when he harshly grabbed my hands ang pinned me on the familiar car. His damned car!

Gulat na gulat ako. Paano niya ako nahanap?

"B-bitiwan mo ako." Nanghihinang aniko habang pumipiglas mula sa pagkaka hawak niya.

"No." He eyed me again. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay.

"A-aray, nasasaktan ako." Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata dahil hindi ko kayang salubingin ang madilim niyang mata.

"Mas nasasaktan ako ngayon, at hindi ko nagugustuhan ang mga pinang gagagawa mo." Madiin ang bawat pagbigkas niya. Damang dama ang sakit at galit.

Napakuyom ako sa aking kamay, shit! Nasasaktan din ako!

"Nandito ka pala sir, hinahanap kita sa loob, lumabas ka na pala, uuwi na ba tay--- ma'am Angel, Ikaw ba yan? Totoo ka?" Dinilat ko ang mata ko ng marinig ang boses ni Liam na halatang halata ang gulat sa kanya.

"Liam." I utter, parang humihingi ng tulong kahit alam kong hindi niya naman magagawa. Stupid, Angel! Stupid!

Napapitlag ako ng sa isang iglap at nagawa niya akong naipasok sa loob ng kanyang sasakyan.

Tangina, naiwan ang anak ko!

"Shit, palabasin mo ako dito!" Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ng nakarinig ng 'click at automatikong nailock ang pinto.

"This is kidnapping Zhan!" I glared at him. Fuck!

"Liam, just book a cab." Nakita kong tumango si Liam na gulat parin na nakatingin sa akin.

"No, fuck Zhan. Ibaba mo ako. Hindi pwede itong ginagawa mo!" I said frustratedly.

Iniisip ko na hinahanap ako ng anak ko ngayon!

Hindi nagsalita si Zhan at mabilis na minaneho ang sasakyan.

Nilabas ko ang phone ko at tinext si Dana na sila muna ang bahala sa anak ko.

"Stop that." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtatype.

Nagulat ako ng marahas itong hinablot sa akin ni Zhan at tinapon nalang bigla sa bintana ang cellphone ko.

"What the hell is that, huh?" Nilingon ko pa yung daan kung saan niya tinapon ang phone ko.

Shit! Mabuti nalang nasend ko agad kay Dana yung message!

"Saan mo ako dadalhin? Ibaba mo ako dito, uuwi na ako." Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay na madiing nakahawak sa manibela.

"Shut up, Angel. Mag-uusap tayo." He's trying to control his self. Ramdam ko ang pagpipigil niyang huwag akong sigawan.

"No Zhan, wala na tayong dapat pang pag-usapan. We need to accept, I have my own life now and I know you have too. Masaya na ako sa buhay ko, sana ganun ka na rin." Napaigtad ako ng hampasin niya ng napakalakas ang manibela.

Nahigit ko ang aking hininga sa sobrang gulat at kaba. I think i crossed his line already.

Pulang pula ang kanyang mata na nagpapahiwatig na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Don't dictate me of what to do, Angel. I'm keeping you because you are my happiness and fuck to hell, you will never leave me again! You are fucking tied up to me forever, Angel!" Galit na galit nitong sabi na nakapagtahimik sa akin.

____________

June 11, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon