Wakas

52 4 19
                                    

CLAIRE'S POV

ILANG LINGGO matapos mailibing ni Sir Lienzo, nabalitaan kong umalis na rin si Gabriel. I shouldn't care, of course. Wala na kami tapos ang complicated pa ng buhay namin so tama lang talaga na maghiwalay na kami at hindi na muling magkita.

"Chloie, kahit tayo na lang sa buhay dapat masigla ka pa rin ah?" Nag-aalalang sabi ni kuya habang nanonood kami ng movie sa Netflix. Kumuha ako ng popcorn na niluto niya at kinain.

"Anong pinagsasabi mo riyan, Kuya? Buhay pa naman si Mama, wala nga lang dito s'yempre pero oo naman, masigla ako," sagot ko kahit medyo alanganin ako sa huling sinabi ko.

"What I mean to say is, for now ako na ang guardian mo. Tayo na lang dito sa bahay kaya umayos ka batas militar 'to. Isa pa, dapat masigla ka hindi lang 'yung masaya. Dapat masigla or masipag sa pag-aaral, sa buhay mo. Claire, hindi pa katapusan ng mundo. Magsumikap ka sa buhay para malampasan natin ang pagsubok na ito."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni kuya. Totoo naman kasing nakakawalang-gana na lalo pa dahil wala na ang mama ko sa aking tabi. I know she's alive but she's far from me and I know she's experiencing sadness from where she is.

Dumagdag pa 'yung break-up namin ni Gabriel. Kahit naman ginusto kong maghiwalay kami, hindi naman mawawala agad 'yung feelings ko sa kaniya at 'yung sakit na nararamdaman ko. Feeling ko nga, hindi ako makapag feeling sawi nang maayos eh kasi ang daming nangyayari sa akin, ang dami kong problemang mas malaki kaysa sa break-up namin.

Napailing-iling si Kuya at nagsalita. "Tingnan mo 'yan Chloie, isa pa sa problema mo ay ang love life na 'yan. Broken ka pa ngayon. Ayan ang napapala ng mga taong maagang nagboboyfriend ano? Instead na schoolworks lang ang problema, iniisip mo 'yang Gabriel na 'yan! Alam mo, Claire, hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Makakahanap ka rin ng iba. As for now, mag-aral ka muna kaya nga may kasabihang aral muna bago landi at 'wag na'wag mong sasabihing you can do both, sagot ng bopols 'yan."

Inirapan ko siya dahil kung makapangaral siya akala mo talaga matino. "Single ka lang eh, kaya ang bitter mo!"

"Single ka na rin naman. Bleh!" Binato ko siya ng unan at nakailag naman siya. Nang-asar pa siya pero hindi ko na siya pinatulan dahil wala ako sa mood.

Nakapasa ako sa University of the Philippines kaya doon ako nag-aral. I thought na magiging masaya ako dahil ito ay isa sa mga dream universities ko, pero hindi. Sabagay, sino ba naman ang magiging masaya sa sitwasyon ko? Sa buhay ko? Pakiramdam ko nga ay wala na akong pag-asa.

"Ang OA mo naman, wala agad pag-asa?" Biglang sumulpot sa gilid ko si Mikaelo Angelito. Papasok na ako sa university ngayon at may hawak akong kakakapal na libro at mabigat din ang laman ng bag ko. Siya naman ay as usual naka tsaleko siya, galing pa yata ito sa panahon ng Kastila.

Marami nang nagbago pero si Angelito, nandito pa rin sa tabi ko. Hindi ko nga alan kung kailan ako nito lulubayan eh. Kung sino pa tuloy 'yung gusto kong mawala, siya 'yung nag-iistay. Tapos 'yung gusto kong nasa tabi ko, wala rito.

"Hoy grabe ka sa'kin!" Inirapan niya ako. "Pero buti nga sa'yo, walang forever!"

"Anong ganap, Angelito? Busy akong tao," wala sa mood na sabi ko dahil hindi nakakatuwang mag college. Akala niyo nakakaistress ang pagiging high school? Ha! Wait until you go to college. Weak!

"At busy rin akong angel pero inuuna kita," nang-irap ulit siya. "Anyway, may pag-asa pa, Claire. Alalahanin mo ang payo ko sa'yo, hindi ba? Ang pagmamadre--"

"Angelito!" Hinarap ko siya at huminto ako sa paglalakad. "I don't see myself as a sister. Hindi ako nababagay roon. Ang dapat kong gawin ngayon ay magfocus sa pag-aaral at makapagtapos. Magiging teacher pa ako, Mikaelo Angelito."

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon