KABANATA 14

85 5 3
                                    

"Hindi ang love story niyo dati ni Gabrielo ang dapat na maituloy ngayon kung hindi ang love story niyo ni Leonardo."

-Michaelo Angelito

CLAIRE'S POV 2018

MABILIS na tumalikod si Beauty, matapos niyang sabihin iyon. "Sandali!" Tawag ko sa kaniya kaya napahinto din siya. Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti. "Anong alam mo, Beauty?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.

Nag-iwas siya sa akin ng tingin. "Alam saan? 'Yung tungkol sa inyo? Hindi ba't sinabi 'yun ni Kuya? Na nililigawan ka niya?" Tumingin na siya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala, ngunit dahil imposible namang may alam din siya, tumango na lang ako sa kaniya.

"Kumusta na pala kayo ni Ryle? Wala na talaga kayo?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. Tumango siya at ngumiti. Kapag minamalas ka nga naman. I thought sila na talaga pero naghiwalay sila. Well deserve naman talaga ni Beauty na humanap ng ibang lalaki.

"Hindi kasi pala siya ang mahal ko at... pareho naming iniiwasan na ang isa't-isa," paliwanag niya. "Teka, nakabili ka na ba ng cartolina para sa activity natin sa arts mamaya? Nakalimutan kong bumili!" Hindi ko alam kung nakalimutan niya talaga or iniiba niya lang 'yung topic. Naisip kong mabuti na rin na iniba niya ang topic dahil wala akong cartolinang dala.

"Huh? May bibilhing cartolina?" Lutang na tanong ko. Sa dami ng iniisip ko, napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Tumawa siya dahil sa tanong ko. "Tara labas muna tayo, bili tayo sa book store, tawid lang naman ang mall," anyaya ko sa kaniya at pinulupot na ang braso ko sa kaniya para lumiko na kami.

"Hep! Hep! Saan kayo pupunta?" Humarang agad ang security guard ng university at tinaasan kami ng kilay. Umirap naman ako dahil naalala kong bawal na palang lumabas kapag nakapasok na para iwas cutting.

"Hooray! Bibili lang kami ng Cartolina, akala mo naman mag cucutting na agad kami. Saglit lang," Pagpupumilit ni Beauty pero na bad trip na ang guard sa kaniya dahil sumagot siya ng pabalang. Dinuro pa niya si Beauty.

"Bastos ka ah! Dahil diyan, bawal pa rin kayong lumabas. Sumusunod lang kami sa utos, sige na lumiko na kayo at hindi ko kasalanan kung bakit wala kayong cartolina ngayon!" Medyo inis nang pagkasabi niya.

"Bakit, sinisisi ka ba namin?" Nagtaas ng kilay si Beauty, ayaw magpatinag. "Sisisihin ka na namin ngayon kapag bumagsak kami sa arts kasi hindi mo kami pinayagang lumabas eh." Matapang pa rin.

Binuksan pa ng security guard ang kaniyang bibig para makapag salita pero agad niya ring tinikom nang makita kung sino ang nasa aming likuran. "Good Morning, Sir!" Bati niya at ang kaninang masungit na aura ay napalitan na parang maamong aso.

"Good Morning." Pamilyar ang boses sa likuran kaya napalingon kami ni Beauty. Si Sir Leonardo. "I believe there's a problem here?" Nagtaas ng kilay si Sir at tumingin kay Beauty, sunod ay sa akin

"Ah wala naman sir. Ito kasing dalawang pasaway na estudyante nagpupumilit na lumabas. Bibili daw sila ng cartolina pero ang totoo ay magcucutting 'yang mga 'yan. Alam ko na ang mga bulok na style ng mga estudyanteng 'yan."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bihira lang ako sumagot sa mas nakatatanda pero kapag sobra na ay sasagot ako. Wala naman kaming ginagawang masama pero kung maka akusa ang guard na ito ay akala mo alam na niya ang buong pagkatao namin.

"Hoy Kuya! Alam mo bang may kaso ang ganiyang pananalita mo? Puwede ka naming kasuhan ng slander kasi wala ka namang pruweba na magcucutting nga kami pero ayon sa pananalita mo, sobrang sure ka na!" Palabang sagot ko. Uulitin ko, ayaw kong maging bastos pero kapag sobra na, tama na.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon