PROLOGO

363 21 83
                                    

CARPE DIEM

PROLOGO

SA TAPAT ng altar mayroong isang babaeng nakasuot ng isang uniform ng mamahalin at kilalang unibersidad. Nakatulala ito sa harapan ng altar habang siya'y umiiyak, iniisip ang lahat ng mga pasakit sa buhay niya.

"Lord, tama na po! Ayaw ko na pong problemahin 'yong mga problema ng mga magulang ko!" Dasal niya, nagmamakaawa. "Gusto ko na pong magkaroon ng sariling problema. Ayaw ko nang problemahin 'yong hindi ko naman dapat na pinoproblema!"

Lumuhod siya sa harapan ng altar sa St. Joseph's Convent of Perpetual Adoration. Maging siya ay hindi na maintindihan kung ano ba talagang mabigat sa kaniyang kalooban.

Ayaw niyang isipin na nabibigatan na siya sa problema ng kaniyang pamilya, kasi pamilya niya naman iyon ngunit iba ang sinasabi ng puso at diwa niya. Ang sinasabi nito ay napapagod na siya.

"Nakakahiya man pong hilingin, Lord, pero sana magkaboyfriend na ako!" Hiling niya. Ngayon pa lang niya hiniling ang bagay na ito sa buong buhay niya sa loob ng labing-walong taon niyang nabubuhay. "Gusto ko naman pong maramdaman na may nagmamahal sa akin!"

Umiyak na naman ang dalagang may balingkinitang katawan at may kakaibang kagandahan. Maganda siya ngunit wala pa siyang nagiging nobyo sapagkat bukod sa pag-aaral, ay problema ng kanilang pamilya ang kaniyang pinoproblema.

Nangunguna na rito ang pagkabaon nila sa maraming utang. Sumunod ay ang kanilang bahay na na nakasangla sa munisipyo at ang hindi matapos-tapos na patayan sa kanilang lugar.

"Okay lang naman po talaga sa akin na may mga problema kasi normal po 'yon. Vitamins po 'yan kasi habang may problema, may buhay at ibig sabihin din po nito na pinagkakatiwalaan niyo kami na kaya naming malampasan ito. Hindi Niyo po ito ibibigay kung sa tingin Niyo ay hindi po namin kaya."

Humikbi na naman siya at sa pagkakataong ito ay napapapikit na siya at tumulo na ang sipon niya dahil sa labig na pag-iyak. "Kaya lang Lord, sana naman po ay mayroong taong nasa tabi ko."

Damang-dama ngayon ng dalaga ang pag-iyak sapagkat Martes ngayon at walang tao sa simbahan. Pinili niya ang araw na ito dahil walang tao at upang mailabas ang mga hinanakit niya sa buhay dahil wala na siyang ibang masabihan kung hindi ang Diyos.

"Kung hindi Niyo po naitatanong ay pangarap ko rin naman pong may makaholding hands sa kalsada. 'Yong mga grade 7 out there? Ayon po, may kaholding hands at naniniwala na sa forever." Magkahawak pa ang kaniyang kamay at umiyak. Ipinapakita ang paghoholding hands.

"Lord hindi naman po sa nagrereklamo ako na mabuti pa 'yong ibang mga bata diyan, mayroon ng boyfriend o girlfriend, hindi naman po talaga. To be honest, masaya po ako para sa kanila kasi sa murang edad, alam na nila kung sino ang para sa kanila. Siguro nga po ay hindi magkakatuluyan ang ibang magjowa sa murang edad, pero ang mahalaga ay sinubukan na nila. Hindi sila natakot."

Umiyak na naman siya at sa pagkakataong ito ay napaluhod na siya. Umiiyak siya na animo'y mayroong namatayang kamag-anak.

"Ang akin lang po, Lord. Ibigay niyo na po sa akin si Mr. Right, kailangang-kailangan ko na po siya ngayon. Huwag Niyo na pong ipagkait dahil sa lahat ng panahon, ngayon ko po siya kailangan. Pakiramdam ko po kasi, mababaliw na ako. Nasa tamang edad naman na po ako."

Dahan-dahan siyang tumayo at pinunasan ang luha niya gamit ang panyong ibinigay ng kaniyang ama noong limang taong gulang pa siya. Siya ay hindi burarang babae kung kaya't hanggang ngayon ay nasa kaniya pa rin ito at pinahahalagahan niya ang gamit na bigay ng kaniyang ama.

"Gusto ko na pong magmahal at mahalin pabalik. Gusto ko lang namang magkaroon ng boyfriend, sa kabila ng lahat ng hirap!Kamahal-mahal po ako. Deserve ko pong mahalin, haranahin at alagaan. Jowable po ako at aaminin ko ring jowang-jowa na ako!"

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon