KABANATA 12

104 6 2
                                    

Bakit ka naakit sa apoy ng kandila, Clara?
Bakit hindi ka nag-iisip bago ka gunawa ng desisyon, Clara?
Bakit ba... sa dami ng lalaki, siya pa ang pinili mo?
Siya ang magiging dahilan ng kamatayan mo, Clara

-Mikaelo Angelito

CLARA'S POV

ISANG ARAW ay nagkasalubong kami ni Señor Leonardo sa mansyon ng mga Legazpi. Ako ay nagtungo dito dahil mayroon kaming proyekto ni Nara. Si Hermosa ay wala dito dahil hindi naman na siya masyadong pumapasok sa kumbento. Naiintindihan naman 'yun ni Madame Rosario dahil kailangan pa niyang magpahinga. Nabalitaan ng buong bayan ang nangyaring pagdakip kay Hermosa.

"Kumusta, Binibining Clara?" Sumilay ang ngiti sa labi ni Señor Leonardo dahilan upang mahawa ako. Ayon kay Nara ay dito pansamantalang tumutuloy si Señor Leonardo dahil siya'y pinalayas sa kanila. Dito siya tumuloy dahil ama-amahan na raw ni Señor Leonardo, si Don Ramon.

"Ahh, mabuti naman po, Señor. Nagagalak akong makita ka dito." Iyon ang totoo. Wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Tanging paghanga na lang iyon at sa palagay ko ay hindi na iyon mawawala. Siya ang una kong inibig na Señor kung kaya't mahirap siyang limutin ngunit hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko na mahal si Gabrielo.

"Mayroon akong nabalitaan..." tumingin siya nang seryoso sa mga mata ko. "Nobyo mo na raw ang aking kapatid, ito ba ay mayroong katotohanan?" Walang makikitang ngiti sa kaniyang labi.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng biglaang hiya. Yumuko ako sa kaniya at saka tumango. "Opo, Señor. Kami ay magkasintahan na nga ng iyong kapatid." Hindi ko magawang tumingin sa kaniya.

"Ang akala ko ay ako ang iyong hinahangaan. Iyon ang sabi ng ilang kakilala ko." Ngayon tumingin na ako sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Paumanhin kung aking inakala."

"Naku, hindi. Iyon ay totoo. Ikaw ang aking hinahangaan." Tumango ako sa kaniya upang malaman niya na totoo nga iyon. Karapatan din naman niyang malaman na minsan ko siyang hinangaan.

"Ngunit ngayon ay si Gabrielo na ang iyong mahal? Ayos lamang iyon. Masaya ako para sa inyong dalawa. Tinatanggap ka ng aming pamilya." Hindi ko na napigilan at siya'y aking niyakap na. Masaya ako dahil tanggap niya ako sa kanilang pamilya.

"Salamat sa iyong pagtanggap, Señor." Kasabay ng pagtingin ko sa pintuan ng mansyon ay ang pagpasok ng mga bagong dating na guardia civil, kasama na roon si Gabrielo. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga kaya agad akong napabitaw kay Señor Leonardo.

Patay ka, Clara! Kailangan mong magpaliwanag!

"Gabrielo, mahal kita! Mahal na mahal kita!" Nanginginig kong sabi. Nandito ako ngayon sa kanilang mansyon upang linawin sa kaniya ang nakita niya.

"Parang kailan lang ay ayaw mo sa akin at hindi mo ako pinaniniwalaan na mabuti akong tao." Natatawang saad ni Gabrielo. "Ngayon, ako'y sinasagot mo na ba bilang iyong--"

"Oo!" Niyakap ko siya. Sinagot ko na siya ngunit tila hindi pa rin siya makapaniwala kaya uilitin ko na lang muli. "Iyong siguraduhin lamang na hindi ka mambababaeng muli ah? Kapag nagkataon... hindi na kita papansining muli."

Nakangiti namang tumango si Gabrielo. Hinalikan niya pa si ako sa noo. Natutuwa ang mga paruparo sa aking sikmura at namumula na ngayon na parang rosas ang aking mga pisngi.

"Nagpasalamat lamang ako kanina kay Señor Leonardo dahil ang sabi niya ay tanggap niya ako sa inyong pamilya." Hinawakan ko ngayon ang kaniyang kamay upang iparamdam sa kaniya na siya lang. Siya lang ang mahal ko at hindi si Señor Leonardo.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon