KABANATA 1

188 17 63
                                    

KABANATA UNO: Panaginip

Ano ba ang kahulugan ng panaginip na iyon?
Bakit ba ako binabalik-balikan ng pangyayaring iyon?
Hindi ako 'yun, hindi ako si Clara
Magkapareho lang kami ng mukha pero hindi ako siya.

PANAGINIP

"Clara, bumaba na tayo. Hindi maganda ang binabalak mo." Sabi nung babaeng malabo ang mukha, hindi ko makita nang maayos. Sabagay, ito'y panaginip kaya gano'n talaga. "Pakinggan mo ako, Clara. Kaibigan mo ako."

"Huwag kayong lalapit, diyan lang kayo." Pigil ng babaeng kamukha ko but for sure I am not her. She wears a different clothing. Malungkot siyang ngumiti sa babae. "Pakinggan kita, Hermosa? Bakit pinakinggan mo ba ako noong sinabi ko sa iyong iligtas mo si Nara? Kaibigan mo rin ako ngunit hindi mo ako pinakinggan."

Ibang-iba ang panahon, lugar, at mga tao dito sa panaginip ko. Blurred ang mga mukha ng mga taong nakikita ko ngunit hindi ng kamukha ko. Akong-ako ang hitsura niya pero hindi ako siya. Dahil kung ako siya, hindi ko gagawin ang gagawin niya.

"Mahal, makinig k-ka s-sa akin." Nanginginig na sabi ng isang lalaki na nakasuot pa ng pang general pero hindi sa ngayong panahon. "P-pag-usapan natin ang problema mo, Clara. Hindi mo matatapos ang problema sa pamamagitan ng pagpapakamatay."

"Pag-usapan?" Malungkot na natawa ang kamukha ko, may halo itong luha. "Bakit, Gabrielo, ha? Pinakikinggan mo ba ang mga hinaing ko? Hindi ba at ang sarili mo lamang naman ang pinakikinggan mo? Akala ko makakayanan ko, Gabrielo ngunit hindi pala. Nakakapagod kang mahalin."

Magsasalita pa sana 'yong lalaki kaso inunahan siya nung babae. "Kung gayon ay hiwalayan mo na lamang ang walang kwentang taong iyan kaysa magpakamatay ka!" Ngumiti ang babae sa kamukha ko, umaasang makikinig siya sa kaniya. Nakakatawang nakikita ko ang ngiti niya ngunit hindi ang mukha niya. "Maaari ka pang maging masaya. Mag-asawa ka ng iba at magkaroon ka ng anak. Magiging mabuting ina ka, Clara."

Umiling lamang ang babaeng kamukha ko habang malungkot na nakangiti. "Sa tingin mo ay makakapag-asawa pa ako? Sa tingin mo ay mabubuhay ako ng masaya habang dala-dala ko ang masaklap na nakaraan? Namatay lang naman si Nara at wala akong nagawa."

"Hindi mo na kasalanan iyon, Señora Clara." Saad naman ng isapang lalaki. Hindi ito 'yung boyfriend ng babaeng kamukha ko ah? Blurred din ang mukha niya kaya hindi ko siya makilala. "Isipin mo naman ang iyong mga magulang. Tiyak na hindi matutuwa ang pamilya Arcilla sa oras na malaman na nagpakamatay ka."

Inilingan lang siyang muli ng babaeng kamukha ko na Clara ang pangalan. "Hindi. Ayaw ko na silang isipin. Nais ko sa huling pagkakataon, isipin ko naman ang sarili ko. At magiging masaya ako kapag nawala na ako sa mundong ito," emosyonal na saad ng kamukha ko. "Ngayon nais kong tumalikod kayong tatlo. Lalo ka na, Mahal. Tumalikod ka."

"Stupid! 'Wag kang magsuicide! Ang dami-daming gusto pang mabuhay tapos ikaw, magpapakamatay? Tatay ko nga patay na eh, 'yon gusto pa no'ng mabuhay. Nabuhay ba? Gagang 'to!" Sabi ko sa kaniya ngunit mukhang wala akong magagawa dahil hindi naman nila ako nakikita.

Nanginginig na umiling 'yung nakapang general sa kaniya ngunit dahil sa nakikiusap na tingin sa kaniya 'yong look a like kong si Clara sumunod naman siya. Isa ring tanga, tatalon ang girlfriend niya. Sumunod din 'yung other guy na blurred 'yung mukha, tanga nito. 'Yung babaeng friend niya yata, hindi ginawa. Buti pa 'to si ate, hindi tumalikod.

"Pigilan mo ate--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumalon na ang kamukha kong si Clara. Shit ang tanga namin nito! Ang dami-daming gustong mabuhay, nagpapakamatay lang siya.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon