KABANATA 17

86 7 0
                                    

CLAIRE'S POV

NAKATULALA ako ngayon habang may naglelecture sa harapan namin. Hindi ko na nga nasusundan ang sinasabi ng prof. namin dahil sa lalim ng iniisip ko. Sa sobrang lalim nito ay pakiramdam ko nalulunod ako.

Malinaw sa akin ngayon na si Gabriel Soriano ang mahal ko at hindi na si Sir Lienzo pero... 'yung nakaraan. Masiyado akong ginugulo ng nakaraan ko. Iyong mga alaalang pinagkaloob muli sa akin ni Mikaelo Angelito ay mas malinaw pa sa future mo.

Ako bilang Clara Arcilla noon ay nanghihinayang kung bakit hindi ako ang napiling pakasalan ni Leonardo Solidad. Oh god, and that time kami pa ni Gabrielo Solidad. Hindi ba ay parang ang landi ko naman sa part na 'yun. Mas naeexcite pa tuloy akong malaman kung ano pa ang iba pang mga nangyari.

Kulang-kulang kasi ang mga alaala na ibinigay sa akin and I think it's not enough. I want some more because I want to know the truth. Bakit si Gabrielo ang pinakasalan ko at hindi si Leonardo kung siya talaga 'yung gusto ko? Bakit hindi ako ang pinakasalan ni Leonardo kung ngayon, bilang Lienzo Leonardo ay nag confess siya sa akin. Posible kayang may gusto din sa akin noon si Leonardo pero hindi niya kayang umamin because I am his brother's girlfriend?

I also want to know the reason why pinupush ako ni Mikaelo Angelito na si Sir Lienzo na ang piliin ko ngayon at hindi si Gabriel? I think hindi naman deserve ni Gabriel na iwan ko siya because of Mikaelo Angelito's statements!

Hinawakan ko ang ulo ko gamit ang dalawang kamay na parang nasisiraan na ng bait. Ganito, 'yung unang memory na ipinagkaloob sa akin ni Mikaelo Angelito ay ako na minahal si Gabrielo at mahal na mahal ito na siya rin ang dahilan kung bakit si Clara nagpakamatay noon. Ipinakita niya rin ang dating identity ko.

Noong isang araw naman ay ipinakita niya sa akin na ako, bilang Clara noon ay nanghihinayang kung bakit hindi ako ang piniling pakasalan ni Leonardo even na I'm always on his side, even in his dark days. Wah! Nababaliw na ako! Magpapakamatay na ako. No, just kidding. Hindi ako suicidal people 'no?

"Ms. Broñola!" Umahon ako sa malalim na pag-iisip dahil sa malakas na tawag iyon ng matandang babaeng prof namin. Tinaasan niya ako ng kilay. Agad akong tumayo at inayos ang nagulo kong buhok dahil sa kakasabunot ko dito.

"Y-yes Ma'am?" Kabadong-kabado ako at naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Ayan, Claire, so stupid kasi. Sa lahat ng oras na puwede kang matulala ay dito pa talaga sa class ni Mrs. Reyes?

Nararamdaman ko ang kabadong paninitig din ng mga classmates ko. Si Mrs. Reyes kasi ang tipo ng teacher na kapag nagkamali ka ay sobra-sobra ka kung pahihiyain. Kahit naman nakakainis ang mga kaklase ko minsan dahil sa ingay nila, concern naman silang lahat sa amin dito sa section namin, walang crab mentality. Lahat nagtutulungan.

"What do you mean by Non-Mendelian inheritance, describe its laws, describe the Mendelian inheritance parent contributes..." nag-iisip pa siya ng puwede niyang idagdag para mas lalo akong mapahiya. "Just explain it properly and without mistake."

Ang kaba ko naman ay nawala dahil 'yun lang pala ang tanong, ang dali naman. Kinabahan pa ako ng sobra eh 'yun lang pala. Napag-aralan na 'yan no'ng grade nine, inulit na naman ulit.

"Non-Mendelian inheritance is any pattern of inheritance in which traits do not segregate in accordance with Mendel's laws. These laws describe the inheritance of traits linked to single genes on chromosomes in the nucleus. In Mendelian inheritance, each parent contributes one of two possible alleles for a trait. If the genotypes of both parents in a genetic cross are known, Mendel's laws can be used to determine the distribution of phenotypes expected for the population of offspring. There are several situations in which the proportions of phenotypes observed in the progeny do not match the predicted values."

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon