KABANATA 19

95 5 4
                                    

CLARA's POV

"SAAN mo naman nalaman ang balitang iyan, Celia?" Tanong ni Manang sa isa pa naming kusinera. Agad naman akong napalingon sa kanila dahil tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Kumakain ako ngayon mag-isa ng hapunan dahil umalis na magkasama na naman sina Ama at Ina. Ipakikila raw kasi ni Ama si Ina sa isa kaniyang mga kaibigan.

"Narinig ko iyon sa labasan. Nilooban daw ang mansyon ng mga Legazpi. Hindi ako sigurado kung may katotohanan, ngunit ang sabi ay yumao na daw ang matandang don," Bulong din ni Manang Celia. Si Manang Celia ay higit na mas malaman kaysa kay Manang Pilar ngunit mas matangkad si Manang Pilar.

"Ano po?" Nagugulahang tanong ko habang nakakunot ang noo, nag-aabang sa kanilang kasagutan. "A-ang mansiyon nina Nara?" Napatakip ako sa aking bibig. "H-hindi maaari..."

Agad akong lumabas kahit na tinawag ako nina Manang Pilar at Manang Celia. Hindi ko ininda ang matinding tirik ng araw at tumakbo na ako sa mansiyon ng mga Legazpi.

Pagkarating doon ay maraming mga nakaantabay na guardia civil at ilang mga tenyente. Nakita ko rin si Gabrielo na mayroong kinakausap na isang guardia. Akmang magsasalita pa sana siya sa kaniyang kausap kaya lamang ay nakita niya akong nakatingin sa kaniya. Nagpaalam siya sa kaniyang kausap.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Tiningnan niya ang likuran ko upang malaman kung may kasama ba ako ngunit wala siyang nakita. "Mag-isa ka lang. Hindi mo ba alam na delikado ang pagpunta mo dito?"

Tila kidlat ang kaniyang boses dahil sa lakas. Namumula din ang kaniyang mukha ngayon at pinagpapawisan din siya dahil sa sinag ng araw. Sa aking palagay ay nabigo sila mahuli ang mga salarin dahil ang kanilang mga mukha ay tila biyernes-santo.

"Nais kong malaman ang kalagayan ni Nara," Saad ko at nag-iwas ng tingin upang hagilapin si Nara. Nakita ko siyang humahagulhol sa isang tabi habang nakaalalay sa kaniya ang isa sa kanilang mga kasambahay. Akmang lalapit na ako nang hawakan ni Gabrielo ang palapulsuhan ko. Napatingin ako sa kaniyang pagod na mga mata.

"Nawa'y h'wag kang malulungkot. Gagawin ko ang lahat upang malaman kung sino ang salarin." Ngumiti siya sa akin. Hindi naman na ako nakasagot dahil pinagmasdan ko ang kaniyang pagod na ngiti, malungkot na mga mata, malalim na mata dahil siguro sa puyat. Ilang oras kaya ang tulog nito o kung nakakatulog pa kaya siya?

Hindi na niya ako hinintay na sumagot at binitawan na niya ang palapulsuhan ko. Nauna siyang lumakad dahil mayroon pa siyang mga kakausapin. Tumakbo naman na ako patungo kay Nara. Nang ako'y kaniyang makita ay mas lalo siyang napahagulgol.

Miserableng-miserable ang lagay niya ngayon. Ang kaniyang mga buhok ay tila hindi nasuklay at siya'y nagmumukhang bruha. Ang kaniyang mga mata ay namamaga dahil siguro sa kakaiyak. Agad ko siyang hinagkan upang iparamdam sa kaniya na mayroon siyang kasama.

"Clara, wala na si Ama ko," Malungkot na sabi niya. Hinagod-hagod ko ang likuran niya. "Magbabayad ang kung sinumang may kagagawan nito. Magbabayad siya. Kahit sino pa siya."

-

TUMINGIN ako sa maliwanag na kabilugan ng buwan. Nandito ako ngayon sa aming azotea, hinihintay ko si Gabrielo kahit pa hindi ako sigurado kung siya ba'y magtutungo rito. Isa pa, hindi rin naman ako makatulog. Mainam pa ang magpahangin dito sa itaas.

Ilang sandali pa ay nakita ko ang kabayo ni Gabrielo na mabilis na tumatakbo habang siya ay nakasakay. Agad na pinapasok sila ng aming guardia kung kaya't ako'y bumaba na rin.

Nais ko siyang yakapin dahil tila hapong-hapo ang kaniyang hitsura at malalaman mo rin na hindi maganda ang kaniyang kalagayan ngunit hindi iyon maaari dahil ayaw ko namang maging mapusok.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon