KABANATA 11

103 8 8
                                    

"Mabuti nang wala kang alam dahil kung mayroon din katulad ko, hindi ko natitiyak kung makakatulog ka pa nang mahimbing sa gabi."

-Beauty, 2018

CLAIRE'S POV 2018

"Kamusta, Binibining Clara?" Nakagiting tanong ng hindi pamilyar na lalaki sa akin.

Nabitin ang pagkagat ko sa burger at bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Tinuro ko ang dibdib ko upang malaman kung ako ba ang kinakausap niya at tumango naman siya.

Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko at narealize kong ako talaga ang tinawag niyang Binibining Clara.

"Hindi po Clara ang pangalan ko," paglilinaw ko sa kaniya. This is not the first time na may tumawag sa aking Clara since malapit lang naman ito sa pangalan kong Claire.

"Kung gano'n, maaari mo bang sabihin ang pangalan mo ngayon, Binibini?" Napakamot ako sa batok ko dahil masyadong malalim na Tagalog ang sinabi niya at nakakanose bleed na.

"C-chloie Clairenece Broñola po." Nag-aalangan pa ko dahil baka budol-budol ang isang 'to. Uso pa naman na ang mga scammers ngayon, mahirap magtiwala sa tao. "Bakit po?"

"Mikaelo Angelito po, ang inyong lingkod." Itinapat niya sa kaniyang dibdib ang sumbrero niyang itim. Napakaformal naman ng taong 'to. Hindi porque't nandito kami sa national museum ay kailangang makaluma rin ang pag-iintroduce niya.

"Ano po bang kailangan niyo?" Pangdidiretsa ko na sa kaniya. Wala kasi akong nakikitang dahilan upang kausapin niya ako. Isa pa, baka maiwanan na ako ng school bus namin. Baka kasi umalis na 'yung bus. Ngumiti siya sa akin.

"Naiintindihan ko at nauunawaan kung hindi niyo ako naalala, Binibining Clara. Ako ay inyong ipinadala sa panahong ito upang kayo ay bigyan ng babala upang hindi na maulit ang pagkakamali mo sa nakaraan."

Sa haba ng sinabi niya, wala akong naintindihan. Naka awang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya at nabiwatan ko rin ang hawak kong burger at mineral water.

"Nag-dudrugs ka po ba?" Wala sa sariling tanong ko dahil kung ano-ano na ang lumalabas sa bunganga niya. Look, I'm not rude but ayoko ng pinagtitripan ako kasi hindi naman ako nang titrip ng mga taong hindi ko kilala.

"Opyo pa lang ang uso sa panahong pinanggalingan ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakadrugs nga! Tumalikod na ako at maglalakad na sana ako pero bigla siyang nagsalita. "Not so fast, Binibining Chloie Claire, hindi pa tayo tapos na mag-usap."

Humarap ako sa kaniya ng nakataas na ang kilay. "At ano ang pag-uusapan natin, Kuya? Ang lakas ng tama mo at ako pa talaga ang pinagtitripan mo? Sorry Kuya ah? Pero maling tao ang niloloko mo. Wala kang perang makukuha sa'king budol-budol ka!" Sunud-sunod na sabi ko. Inilingan niya lang ako.

"Nakaka-insulto, Binibining Chloie Claire. Sa tingin mo ba ay pera ang habol ko? Well, let me introduce myself, again." Ang kaninang magaang aura ng mukha niya at ngiti niya ay naglaho. Napalitan ito ng seryoso at misteryosong mukha. "Ako ay si Mikaelo Angelito na isang guardia anghel. Nagbabantay ako ng mga tao sa mundong ito."

Mas lalo akong nalito sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Hindi ko na masabi kung ano ang nararamdaman ko dahil nalilito ako sa kaniya.

"Ipinadala ako dito ni Señora Clara Arcilla upang bigyan ka ng babala." Natawa siya sa kaniyang sarili kaya napakunot ang noo ko. "Mali ang unang pagbati ko kanina sapagkat ika'y nakasal na nga pala sa maling tao na nawa'y hindi na maulit ngayon kung kaya't kinakailangan mong lumayo."

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon