KABANATA 4

127 12 13
                                    

KABANATA QUATRO: Birthday

Ang iyong seryosong mga titig,
Ay nakapanlalambot ng aking tindig
Ang iyong pagiging misteryoso,
Ay nakakapag tibok ng aking puso.

-Clara 1896, Claire 2018

CLARA'S POV 1896

"Kayo ay imbitado sa munti naming salu-salo mamaya. Alam niyo ba kung anong araw ngayon?" Tinaasan ko ng kilay ang aking mga kabigan. Ilang araw na ang nakalipas matapos akong muntikan nang mahuli. Maligayang ngumiti si Nara samantalang napakunot naman ang noo ni Hermosa.

Kasalukuyan kaming nasa kumbento, patapos na ang aming klase kung kaya't maaari na kaming magkuwentuhan. Ginamit ko na ang pagkakataong ito upang sila'y aking personal na maimbita mamaya sa pagdiriwang ng aking kaarawan.

"Iyong kaarawan!" Masayang tugon ni Nara. Napatingin naman sa akin si Hermosa. Tumaas ang dalawang kilay niya at bahagyang napanganga sa akin. Napanguso naman ako sa kaniya.

"Iyong nakalimutan, Hermosa?" Hindi maitago ang pait sa aking boses. Kumunot muna ang kaniyang noo bago sumagot sa akin.

"Ano ka ba naman, Clara? Aking hindi nakaligtaan! Ako ay naunahan lamang ni Nara sabihin iyon!" Nakangiting saad niya. Napangiti naman ako sa kaniya dahil sinubukan niya pang magsinungaling. Ayos lang naman kung kaniyang nakaligtaan ngunit nakakatampo iyon.

"Paano mamaya? Kayo'y aking aasahan ha?" Nakangiting saad ko sa kanila. Tumango naman silang dalawa ni Nara. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng tuwa at iniisip ko na ang maaraming mangyari mamaya.

"Oo naman! Ano ba ang nais mong matanggap?" Tinaasan ako ng isang kilay ni Nara habang nakangiti. Napangiti naman ako at saka napatingin sa kaniyang mga mapupungay na mata.

"Kahit na ano, basta't nagmula sa inyong puso!" Nakangiting saad ko. Sa katunayan, hindi naman na mahalaga sa akin kung sila ba'y magreregalo o hindi. Ang mahalaga ay ang kanilang presensiya. "Inaasahan kong iyong isasama si Leonardo," nakangiting sabi ko kay Hermosa.

"Ay oo! Pakisabi na lang sa aking asawa na siya ay pumunta sa kaarawan ng aking amiga!" Natatawang sabi ni Nara. Agad na kumulo ang dugo ko sa kaniya ngunit kahit na ganoon pinilit ko pa ring tumawa. Sarkastiko nga lang iyon.

"Asawa ka riyan? Ako ang kaniyang mapapangasawa! Sa iyo na lang si Gabrielo Solidad, magandang lalaki rin ang isang 'yun!" Natatawang sabi ko sa kaniya. Tama naman, hindi ba? Magandang lalaki din naman ang Heneral na iyon.

"Aking hindi naman nagustuhan si Leonardo sa kaniyang kagwapuhan. Siya ay aking nagustuhan sa kaniyang ugali." Nawala ang ngiti sa labi ni Nara at seryoso siyang tumitig sa bintana.

"Iyong gustuhin na nga lang si Heneral Gabrielo Solidad! Tiyak na iyong magugustuhan din ang kaniyang ugali," natatawang saad ko. "Sa huli kasi, kami ni Leonardo ang magkakatuluyan, ayaw kitang masaktan.

Ayon sa mga kuwento ni Hermosa, masama ang ugali ni Heneral Gabrielo. Siya raw ay nagmana sa kaniyang ama na si Señor Juancho. Sumasang-ayon naman ako sa kaniya dahil parehong matikas at matapang ang dalawa.

Umuwi ako at nadatnang maayos na ang lahat. Ang mga upuan at lamesa ay mayroon ng mga telang kulay luntian para sa gaganaping pagsasalo mamaya. Ako'y nagbihis ng puting baro't saya na itinahi ni Doña Manuela.

"Tayo ay magbigay pugay sa may kaarawan ngayon, siya ay walang iba kung hindi si Clara Arcilla!" Masayang sabi ng isang ginang. Nagsitayuan ang lahat. Nagsimula na rin ang aking kaarawan, ilang oras nang ako'y makauwi.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon