KABANATA 28

90 4 2
                                    

CLARA's POV

NAGBAYAD na ng kasalanan si Señor Juancho sa lahat ng mga nagawan niya ng masama. Kabayaran nito ay ang kaniyang buhay, at kanilang mga ari-arian. Naghirap sina Gabrielo at Hermosa. Nawala ang lahat sa kanila, gayunpamam ay handang-handa akong tumulong sa kanila.

Ilang buwan naman ang lumipas at ipinagpapasalamat ko sa Diyos na kami pa rin naman ni Gabrielo kahit pa tutol dito ang aking mga magulang. Hindi tulad nina Graciano at Hermosa na hiwalay na. Si Hermosa ay nakatakda nang ikasal sa darating na Linggo.

Sa hindi malamang dahilan ngunit isang araw, nang maisipang magtanan nang dalawa ay hindi siya sinipot ni Graciano. Nakakalungkot sapagkat ang alam ko ay mahal na mahal ni Graciano si Hermosa ngunit nagawa niya itong iwanan. Kaya naman ay naawa ako ngayon sa sitwasyon ni Hermosa.

"Maraming salamat, Clara ah?" Saad ni Hermosa habang kami ay nasa ilog nang minsang siya ay naglaba at siya ay aking sinamahan. Napalingon naman ako sa kaniya at ako'y sinuklian niya nang matamis na ngiti, kahit na halata naman na sa kaniyang mga mata ang pagod.

"Saan naman?" Napangiti rin ako sapagkat nagawa niyang ngumiti sa akin kahit na napakahirap ng kaniyang sitwasyon. Isipin niyo, siya ay ikakasal sa taong hindi naman niya mahal sapagkat ito ay kagustuhan ng kaniyang namayapang ama at kuya.

Napatigil siya sa paglalaba at tumayo upang lumapit sa akin at ako'y hagkan. "Sa lahat, aking kaibigan. Sa iyong tulong, sa iyong pagmamahal. Salamat sapagkat hindi mo kami iniwan ng aking kuya."

Hinagod ko ang kaniyang likuran at pilit siyang pinatahan. "Wala iyon, Hermosa. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng iyong kuya. Naniniwala akong magiging maayos din ang lahat."

Naniniwala ako na pagkatapos nitong sakunang dumating sa amin, mayroong bahagharing lilitaw sa kalangitan na magiging dahilan ng aming muling pagngiti. Iyong ngiti na hindi pilit. Iyong ngiting sinsero.

Tiningnan niya ako at puno ng luha ang mga mata at namumula pa ang mga ito. "H-hindi si Graciano ang aking mapapangasawa..." pumiyok ang kaniyang tinig at muli siyang lumuha.

"Hindi na iyon mahalaga, Hermosa. Ang mahalaga ay mapupunta ka pa rin naman sa tamang tao, kay Señor Gallardo. Mabuti siyang tao at mayroon siyang magagandang hangarin sa buhay. Nababagay din siya sa iyo."

Natawa siya sa aking sinabi kung kaya't napakunot ang aking noo dahil seryoso ako sa mga binitawan kong salita. "Ngunit hindi mo mababago ang katotohanang hindi siya si Graciano at mas lalong hindi ko siya mahal, Clara."

Hindi na ako nagsalita matapos niyang sabihin iyon dahil hindi ko alam ang nararamdman niya at wala ako sa sitwasyon niya. Ako ay malayang nakapili kung sino ang ginoong dapat kong mahalin. Hindi gaya ni Hermosa na mayroong nakatakdang lalaki para sa kaniya.

Si Gallardo at si Hermosa na nga ang nagkatuluyan at ikinasal sa Catedral de Manila na mayroong kakaunting panauhin ngunit hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay nasa tamang tao na ang aking kaibigan.

Hindi niyo alam ang pakiramdam kung gaano kasaya na makita ang iyong kaibigan na maikakasal sa tamang ginoo lalo pa kung labis ang paghihirap nito sa dati nitong kasintahan.

"Ano at kay laki ng ngiti sa iyong labi, Ginoo?" Nakataas kilay kong tanong kay Gabrielo nang maabutan ko siya sa labas ng simbahan habang tinatanaw ang kaniyang kapatid mula sa kalayuan.

Nakangiting bumaling sa akin si Gabrielo. "Wala naman, aking Dayang. Ako ay natutuwa lamang na naikasal na tamang ginoo ang aking kapatid. Natitiyak ko na hindi na niya mararanasan ang naranasan niya noon nang dahil sa gunggong na Gracianong iyon."

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon