KABANATA 27

79 5 9
                                    

CLAIRE'S POV

NANLAMBOT ang mga tuhod ko at napaupo ako nang marinig ko ang sinabi ni Uncle. No. It can't be! Bakit kailangang 'yung daddy pa ni Gabriel ang pumatay sa papa ko?!

"Nagpapatira na pala ako ng ahas sa pamamahay ko, Kuya! Hindi ko alam!" Nakakabinging sigaw ni Mama. Namumula ang kaniyang mukha ngayon at punong-puno ng luha ang kaniyang mga mata pati na ang pisngi.

"M-mama! It's not Gabriel's fault." Kahit nanghihina, nagawa ko pa ring ipagtanggol si Gabriel laban kay Mama. Sinamaan niya ako ng tingin na parang sinasabing kinampihan ko pa ang Gabriel na 'yon kahit na 'yung tatay niya pinatay ang tatay ko.

Even me, hindi ko matanggap. Well, siguro nga ako rito 'yong pinaka-affected kasi boyfriend ko si Gabriel. Hindi ko ineexpect na 'yong tatay niya pala 'yong pumatay kay Papa! Alam niya ba 'to? Kung alam 'to ni Gabriel ay bakit hindi niya sinabi sa akin?

Nagkulong ako sa kwarto after that. I wish na hindi ko na lang pala naman iyon dahil ngayon, hindi na ako sigurado kay Gabriel. Kumatok siya sa room ko pero hindi ko siya pinagbuksan at nagpanggap na natutulog na.

"Goodnight, Love. I hope you're okay. I hope everything's okay." Naluha ako matapos niyang sabihin iyon. Paano niya nagagawang sabihin sa akin iyon kahit alam naman na niya ang katarantaduhan ng tatay niya.

Hindi ko alam kung kaya ko bang i-open up sa kaniya 'to, hindi ko alam kung matatanggap ko pa siya sakaling malaman ko na alam na niya pala, basta hindi ko na alam ang gagawin ko!

Humahagulgol ako habang kinukuha ko ang cellphone ko na nasa unahan ng drawer ko. Dinial ko ang number ni Beauty, dahil alam kong maiintindihan ako ng bestfriend ko. Alam kong lagi siyang nasa tabi ko. Alam kong maiintindihan niya ako kahit pa ako mismo, hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Nakailang dial ako sa kaniya pero walang sumasagot. Tiningnan ko kung anong oras na, alas dos na pala ng madaling araw. For sure tulog na siya dahil antukin siyang tao. Kaya nga Beauty ang nickname niya dahil bukod sa maganda siya, antukin din siya. Sleeping Beauty.

Tatawagan ko rin sana si Mara kaso naisip ko na baka makagambala lang ako sa kaniya. I think natutulog na rin siya like Beauty kasi alanganin na ang oras kaya nagdecide ako mag browse na lang para malibang.

Hindi naman ako nabigo dahil kahit papano natawa ako sa mga meme na shineshare. Pinanood ko rin ang latest vlogs ng mga favorite vlogger ko. Hanggang sa may nag pop up na message at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nagchat.

Lienzo Japeth Leonardo: tulog na.

Natawa ako nang mabasa ko ang message na iyon. Para ko siyang tatay sa part na 'yon kaya naman agad akong nagreply sa kaniya. Ang cold niya pala sa chat 'no? Ay, nga pala... naoffend ko yata siya kanina. I don't know.

Chloie Broñola: Hindi ako makatulog Sir HAHAHA. Paano ba makatulog kapag may iniisip kang problema? Hirap na hirap na ako.

I didn't mean to be talkative pero ang sabi nila ay ganoon daw ang tao kapag malalim na ang gabi. Mas nagiging open sila sa kausap nila kasi pagod na at wala ng ganang magpaligoy-ligoy. Proven and tested na 'yan kasi madalas mag-open up ang tao kapag gabi at pagod na.

Lienzo Japeth Leonardo: Why? What's your problem? Sabihin mo lang sa akin ang problema mo at baka makatulong ako, pero kung ayaw mong sabihin ay okay lang din. I just want you to know that I am not just your teacher, I can be your friend and I am always here for you.

Natawa ako dahil kung gaano kaiksi ang unang chat niya sa akin ay siya namang hinaba ng chat niya ngayon. Hindi ko namalayan ang sarili ko na napapangiti na pala dahil sa mga chats niya.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon