KABANATA 2

150 15 26
                                    

KABANATA DOS: Deja Vu

Ang magmahal ay kay sarap
Ngunit kung hindi ka naman mahal ay kay saklap
Hindi masama ang magmahal nang lubusan
Ang masama ay kung hindi ito susuklian

-Gabrielo Solidad, 1896

CLARA'S POV 1896

KASALUKUYAN akong nagsusuklay dahil ako'y magtutungo sa aking kaibigiang si Hermosa. Wala naman talagang espesyal sa kaibigan kong iyon ngunit sa kaniyang kuya ay mayroon. Si Señor Leonardo Solidad, ang aking sinisinta.

"Aba at bihis na bihis ang aking anak!" Masayang sabi ni Ina at nilapitan ako. Ang aking Ina ay maputi na ang buhok at kulubot na rin ang balat, ngunit hindi pa rin maitatanggi ang kaniyang kagandahan.

Ako'y nakasuot ngayon ng kulay rosas na puting baro na ipinatahi pa namin kay Doña Manuela at dilaw na saya.

"Ina, ako'y magtutungo kay Hermosa." Upang silipin si Señor Leonardo, ngunit hindi ko na iyon dinugtungan. "Siya sige, Ina. Ako'y lilisan na upang mahaba ang aming oras."

Mas matanda ako ng tatlong taon kay Hermosa ngunit hindi na bale. Minsan, kapag siya'y kinakausap mo naman nang maayos ay tila mas matanda pa siya sa akin. Malalim ang kaniyang mga sinasabi kung kaya't aakalain mong mas matanda pa siya sa iyo kung minsan.

"Clara? Clara! Mabuti na lamang at nandito ka!" Nagmamadaling bumaba si Hermosa sa kanilang hagdanan ng ako'y makita niya. Tumatalon ang kaniyang kulot na buhok sa tuwing siya'y tumatakbo. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Mayroon ka bang suliranin?" Tanong ko habang nakataas ang kanang kilay. Wala pa man siyang sinasabi, alam kong mayroon na.

"Ganito kasi iyan--" magpapatuloy na sana siya ngunit napamasid siya sa kanilang mga kasambahay. Umiling siya sa akin. "Mas mabuti kung sa labas natin itong pag-uusapan kaysa dito. Maaaring marinig nila ang ating pag-uusapan."

Hinila na niya ako papalabas kung kaya't nagpatianod na lamang ako. "S-sandali. Nasaan si Señor Leonardo?" Hinanap ko na ang aking tunay na pakay.

Nagpatuloy pa rin siya sa paghila sa akin hanggang sa kami ay makarating na sa kanilang hardin. "Bakit mo siya hinanap? Mayroon ba siyang utang sa iyo?" Nanlaki ang ang mga mata dahil sa kaniyang tanong.

"Wala ah! Higit na mas mayaman kayo kaysa sa amin. Bakit mo naman iisiping mayroon siyang utang sa akin?" Inirapan niya lamang ako dahil tama ang naging sagot ko.

"Iyon naman pala eh. Bakit mo hinahanap ang aking kuya? Mayroon ka bang kailangan?" Tanong niya sa akin. Muli akong umiling sa kaniya.

"W-wala naman... m-mangungumusta lang?" Hindi rin ako sigurado sa aking naging sagot. Muli niya akong inirapan. Nahihiya naman akong kumamot sa aking batok. Bakit ko pa kasi tinanong sa kaniya?

"Mayroon akong sasabihin sa iyo, Clara. Ipangako mo sana sa akin na tayong dalawa lamang ang makaka alam nito at wala ng iba pa. Maliwanag?" Tumango naman ako sa kaniya at mas lalong naging interesado sa susunod na sasabihin niya.

Nagtungo naman kami sa kanilang mga bulaklak na rosas dahil talaga namang nakaka aya ito at mamaya ay gagawin namin itong palamuti sa aming buhok o di kaya'y ilalagay naman ito sa paso at aalagaan.

"May gusto ako kay Graciano!" Pagtatapat niya sa akin dahilan upang manlaki ang aking mga mata at bahagyang tumaas ang dalawang balikat.

"Ay susmaryosep! Ika'y mag-iingat sa iyong sinasabi!" Pinatahimik ko siya agad sapagkat maaaring may makarinig nga sa amin. Mapapahamak ang kaibigan kong ito at si Graciano.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon