KABANATA 15

86 5 2
                                    

"Kung gayon ay papatunyan ko sa iyo sa loob ng isang taon na karapat-dapat mo akong mapangasawa. Kung saka-sakaling ako'y iyong mapapangasawa naman ay araw-araw kong papatunayan sa iyo na hindi ka nagkakamaling piliin ako."

-Gabrielo Solidad

CLARA'S POV 1896

LUMIPAS ang mga araw at kaarawan na ni Señora Carolina. Kami ng aking Inay Armienta at Amang Joselito naghahanda para sa kaniyang kaarawan. Halos buong bayan ay imbitado.

Nakasuot siya ng magarbong baro't saya na sa aking palagay ay pinasadya. Mayroon pang mga perlas naka dikit dito. Si Ina ay nakasuot ng kulay dilaw na baro't saya at terno ito. Ako naman ay nakasuot ng kulay asul na baro't saya na may disenyong paruparo. Si Ama naman ay nakasuot ng simpleng barong Tagalog.

Maraming mga bisita na mga Español at mga Indio. Nasa loob ng mansyon ang mga nabibilang sa alta sociedad samantalang nasa labas ng mansyon ang mga Indio o mababang uri ng antas ng tao. Sabihin na nating mga mahihirap.

Kasalukuyang nagbibigay ngayon ng talumpati ang Señora at kaniyang binabalikan ang kaniyang mga alaala dito sa Las Islas Filipinas.

"Aking naaalala pa, noong unang araw ko dito sa Islas Filipinas. Hirap na hirap ako noon umintindi sa inyo, kahit pa sabihin niyong hindi ko naman na kailangan pang mag Tagalog dahil ang mga kagaya kong nabibilang sa alta sociedad ay mga nagsasalita naman ng Espanyol, sabi ko sa sarili ko ay hindi!"

Tunay na busilak ang puso ni Señora Carolina kung kaya't napangiti ako. "Si Señora Carolina ay magandang halimbawa para sa lahat ng mga kababaihan dito sa bayan. Aaminin kong siya'y aking hinahangaan." Agad na kinurot ni Ina ang braso ni Ama dahil sa kaniyang sinabi.

"Sana ay siya ang iyong pinakasalan at hindi ako, Impakto!" Natawa ako sa sinabi ni Ina. Ngayon ay tila nagmumukha siyang nag-aalburotong bulkan dahil sa inis na nararamdaman kay Ama. Natawa lang din sa kaniya si Ama at walang hiya-hiyang hinalikan ang pisngi ni Ina kahit na maraming mga tao ang nandidito.

"Ikaw naman, Armienta. Hinahangaan ko lang naman si Señora Carolina dahil sa kaniyang kabutihan. Ikaw naman, minamahal kita. Minamahal kita bilang ikaw, bilang babae at bilang aking asawa na makakasama ko habang-buhay." Nambola pa si Ama kaya napailing ako.

"Ama naman! Tayo ay nasa kaarawan ni Señora Carolina!" Pananaway ko kay Ama ngunit tinawanan niya lang ako. "Ina, ikaw rin. Masiyado kang mapanibughuin. Mabuti pa at makinig na lang tayo sa nagsasalita sa harapan."

"Ako ay nasa Islas Filipinas kaya nararapat na magsalita ako ng Tagalog." Ngumiti si Señora Carolina dahilan upang mas madepina ang kaniyang kagandahan. Nagmana sa kaniya ang kaibigan kong si Hermosa. "Magmula noong ako'y lumapag dito, hindi ko na naisipan pang bumalik sa España upang manirahan."

"Hay, Clara! Balang-araw ay makakapag-asawa ka rin at mararamdaman mo rin ang aking nararamdaman." Inirapan ni Ina si Ama. "Kapag ang iyong asawa ay may pinuring ibang babae, pakiramdam mo'y hindi ka sapat para sa kaniya." Tinawanan lang siya ni Ama.

"Dito ko rin nakilala ang aking asawa, ang ama ng bayang ito. Si Juancho." Kumaway sa aming lahat si Señor Juancho na para bang sinasabing tingnan daw namin siya at naroon siya sa bandang kanan. "Marami pang naging babae sa buhay niya bago ako, ngunit masaya ako at ako ang kaniyang pinakasalan."

"Naku, huwag kang maniwala diyan sa iyong Ina. Ang tawag diyan ay kabaliwan. Huwag mong tutularang ang iyong ina sapagkat---aray! Sabi ko nga ay ikaw ang pinaka magandang babae sa aking paningin." Tumawa lalo si Ama kahit na kinukurot na siya sa tagiliran ni Ina.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon