KABANATA 20

91 4 6
                                    

Nang makilala kita, wala nang kasiguraduhan sa buhay ko. Basta't ang alam ko, mahal kita.
Hindi ko man madalas sabihing mahal kita,
ipararamdam ko na lang sa'yo
-Clara

CLARA'S POV

MADILIM na ang kalangitan at oras na rin ng pagtulog. Payapa na ang kapaligiran at tanging tunog na lamang ng kuliglig ang maingay. Nakatanaw ako sa bintana ng aking silid habang malalim na nag-iisip.

Iniisip ko ang pamilya Solidad na pinakamayamang pamilya sa buong bayan. Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto ko na magulo ang kanilang pamilya. Sa simula pa lang ay magulo na ito, kung iisipin. Bakit hindi ko ito naisip bago ko sinagot si Gabrielo? Bakit ngayon ko na lang ito naisip nang ako ay nahulog na kay Gabrielo?

Si Señor Juancho Solidad, gaya ng ibang mga opisyales ay mayroon tinatagong baho. Mayroon itong mga masasamang gawain na talaga namang nakakasira sa ibang pamilya. Mayroon siyang kakayahang pumatay at mabuhay na parang wala siyang kasalanan.

Si Gabrielo na ayon kay Hermosa ay masama din. Naalala ko tuloy noong ako ay nasa gulang na labing-anim. Naabutan ko ang umiiyak na si Hermosa noon sa kanilang hardin. Siya ay nasa gulang na labing tatlo pa lang noon.

"Hermosa? Anong dahilan ng iyong pagtangis?" Nag-aalalang tanong ko sa naghahabol ng hiningang si Hermosa. Tiyak na malalim ang dahilan kung bakit siya humahagulgol ngayon.

"Ang kuya kong si Gabrielo, p-palagi na lang akong minamaliit. W-wala daw akong maibubuga 'pagkat ako'y binibini lamang. W-wala din daw akong karapatang sumagot sa kaniya." Umiyak siyang muli.

Lumapit naman ako sa kaniya at hinagod ang kaniyang likuran. "Iyon naman ay totoo, Hermosa. Ang iyong kuya Gabrielo ay mas matanda sa iyo ng sampung taon. Karapat-dalat lamang na huwag mo siyang sasagutin. Maaari ko bang malaman kung ano ang dahilan ng iyong pagsagot sa kaniya?"

Tumango siya at pinunsan ang sarling luha. "Ang sabi niya sa akin ay ang mga binibini ay mahihina. Ang sabi niya rin sa akin ay hindi na daw dapat akong mag-aral 'pagkat sa huli, ako ay maikakasal daw at ang dapat kong pagka-abalahan ay ang mga gawaing bahay at ang pag-alaga sa aking magiging anak."

Napaisip ako sa kaniyang sabi at kalaunan ay kumunot ang aking noo. "Ano naman ang mali sa sinabi ng señorito? Tama naman sapagkat tayong mga babae ay pagdating ng araw ay ipakakasal ng ating magulang sa kanilang mapupusong lalaki para sa atin."

Lumingon siya sa akin at makikita doon ang pagkadismaya dahil sa aking sinabi. Nakakunot ang kaniyang noo. "Ano? Ikaw ba ay pumapayag na hanggang doon na lang tayong mga babae? Pumapayag ka ba na wala tayong magawa sa mundong ito?"

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Ang lalim ng kaniyang pinanggagalingan, marahil ay masasakit na salita ang sinabi sa kaniya ni Gabrielo kung kaya't hindi na lamang ako kumibo.

"Hindi. Huwag kang pumayag. Paano natin mababago ang mundo kung kalahati lamang ng bilang ng tao ang imbitado. Nawa'y buksan mo ang iyong isipan at isipin mo na tayong mga kababaihan ay mayroon ding karapatan sa mundo."

Napadilat ako nang mabalikan ko ang alaala kong iyon. Tila, dapat ko na ang buksan ang bulag kong mga mata. Dapat na ba akong magsalita? Mayroon akong nalalaman ngunit heto at nakapikit ako. Paano na lamang si Nara at kaniyang kaanak na naglukuksa?

May kumatok sa aking silid at sa aking palagay ay isa sa aming kasambahay lang namin iyon. Kaya lang nang ito ay mabuksan, si Gabrielo ang nakita ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Agad ko siyang nilapitan. Hindi na ako sa kaniya bumati at tinanong na agad kung ano ang sadya niya. Sa halip na sumagot ay nginitian niya ako.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon