Chapter 8

232 16 2
                                    

Casper POV:

"Mr. Casper Solomon??? Next na po kayo" pagtawag nung secretary sakin.

"Ayan ikaw na frend, galingan mo ha isipin mo na lang para sa pamilya mo yan, kaya yan" pagpapalakas niya ng loob saken. "Diba nga sabi ng ateneo One Big Fight" dugtong niya.

Wala na akong choice, kung hindi ko ito itutuloy pano na sina Mama at mga kapatid ko. Hayyssstt bahala na nga kakapalan ko na mukha ko.

Pumunta na ako sa loob ng office at binuksan ang pinto.

Lamig na galing sa aircon ang sumalubong sa aking pag-pasok. Tahimik sa loob na nagkadagdag sa aking kaba, oo kinakabahan talaga dahil baka maalala ako ni Jace Cuerva na ako yung taong nakasagutan niya sa mall.

Nakita ko ang isang lalaki na naka upo sa kanyang swivel chair, busy itong nagbabasa ng mga papel na nakalagay kanyang table at samantala ang isang kamay niya ay hinihilot ang kanyang sentido marahil sa stress nito dulot ng kanyang trabaho.

"Lagot si Jace nga" kinakabahan kong sabi sa aking sarili.

Lumukob ang takot at kaba sa akin, mabilis na kumakabog ang aking dibdib, pinagpapawisan ako kahit malamig ang aircon at halos maiihi nako sa kaba. Kaysa magpatalo ako sa kaba at takot ngumiti ako at binati siya "Good morning po sir" masayang bati kong sa kanya.

Sumagot naman siya sakin ng pabalang "It's already afternoon why don't you look at your watch" habang binabasa ang mga papel na kanyang hawak.

Dahil sa kanyang sinabi biglang nawala ang aking kaba at napalitan ito ng inis.

"Tanaydamo(tangina mo)" mura ko sa aking isipan, yan na nga bang sinasabi ko, lalo siguro akong susungitan nito kapag nakilala niya ako. Huminga ako ng malalim at rumespode sa kanya "Ganun po ba? Ehehe sorry po sir" paumanhin ko sa kanya.

Unti-unti siyang lumingon sa akin.

Parang slow motion sa mga pinapanood kong tv at pelikula. Seryoso siyang nakatingin sa akin, nakakatakot tignan ang kanyang mata sa kaseryosohan nito nagpapahiwatig na isang mali mo lang patay ka.

Para agad na matapos ito umupo ako sa harap ng table niya.

"Did i say you can have a seat?" Masungit na tanong niya sa akin.

"Edi wag" naiinis na bulong ko. Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako "Fine wag ka ng tumayo, let's start this Mr para makapag break time na ako".

Hindi ko alam kung maiinis ako sa pagsusungit niya sa akin or sa pagtawag niya sa akin na Mr.
Still naka ngiti padin ako sa kanya at tumango.

"Please introduce and tell me about yourself" maayos na sabi niya sa akin, nagtataka man dahil parang bumait siya pero ipinag sa walang bahala ko na lamang ito.

Kinalma ko muna sarili ko at sinagot ang kanyang tanong "Good afternoon, sir, I am Casper Solomon 21yr. old, a varsity player from my old school and a honor student. I was undergraduate of Honraldo Umandal Univesity(HU U) my course is Hospitality Management, i drop-out last school year due to lack of financial. My hobbies are baking, cooking, and reselling items." confident kong sagot sa kanya.

Tumango lang siya at maayos na nagtanong sa akin

"I'll ask you the common question in job interview, don't be pressured and be yourself" maayos na pagkakasabi nito.

Tinanong niya nga sa akin ang mga common questions like:

What is your strength  and weaknesses?

What can you contribute in our company?

Where do you see yourself after 5 years?

At iba pa.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now