Chapter 14

221 11 3
                                    

Casper POV:

Ito ang first day ko sa trabaho aaminin ko kinakabahan ako pero think positive na lang ako, maaga akong umalis sa bahay at payapang pumunta sa kompanya.

Pagkarating ko sa kompanya'y nagbayad ako ng pamasahe sa tricycle na sinasakyan ko, tinignan ko muna ang kabuan ng building at excited akong pumasok sa loob.

Agad kong pinuntahan ang receptionist at sinabi kong new employee ako, naka-ngiti naman siyang bumati sakin saka na niya ako pinapunta kay mr. dela cruz.

Sumakay na ako ng elevator papunta sa pinaka taas ng floor, magaan ang pakiramdam ko ngayon wari'y magiging maganda ang araw ko.

 Pagkabukas ng elevator ay naka salubong ko si mr. dela cruz, bumati ako sa kanya saka na niya ako inayang pumasok sa opisina ni sir jace.

Habang papunta sa opisina nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa kaba.

Nandito na kame sa pinto ng opisina saka niya ito binuksan. Sumunod naman ako sa kanya papasok, pagbungad ko loob napa wow na lang ako sa aking nakikita.

Maaliwals ang opisina ni sir jace parang mas malaki pa ata ito sa pinagsamang sala namin at kusina. Malinis at mabango ang paligid na parang kay sarap mag trabaho kapag ganito ang lugar. Magkahalong gray at black ang kulay ng mga pader sa opisina, lalaking-lalakeng tignan at halatang seryosong tao ang nakapaloob dito.

Matapos kong obserbahan ang buong opisina tinuruan na ako ni mr. dela cruz sa mga gagawin ko. Mula sa pag-aayos ng mga folders, pag check sa schedule ni sir jace, at saka tinuruan na niya rin akong magtimpla ng kape na laging iniinom ni sir.

"Umph, tama ang pagkakatimpla mo Im sure magugustuhan ito ni jace" natutuwang sabi sakin ni mr. dela cruz, "Sana nga po" sagot ko.

Saktong 8:30 ng umaga napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas,parang slow motion nitong iniluwa ang isang gwapong lalake na hindi nakakasawang tignan, mula sa makapal na kilay nito, matangos na ilong, at napaka aliwalas niyang mukha na parang anghel na bumaba sa lupa.

"Good morning sayo jace" bati ni mr. dela cruz sa kanya, bumati naman siya pabalik saka lumingon sakin.

Mabilis kumakabog ang dibdib ko saka ako pinapawisan kahit malamig naman ang aircon dito. Ilang beses na kaming nagkita pero ngayon ko palang nasilayan ng mabuti ang kagwapuhan niya. Bilang pag-galang bumati rin ako sa kanya.

 "Good morning po sir" sabay bow ko sa kanya.

Nakayuko padin ako at kinakabahan sa magiging tugon niya.

Hindi niya ako pinansin saka pumunta ito sa office table niya, bago siya umupo kinusot muna niya daliri niya wari'y tinitignan kung may alikabok pang natira.

 Totoo nga sinabi ni mr. dela cruz may pagkamaarte ito sa mga paligid niya. Napatango na lang siya ng walang alikabok na sumama sa kanyang daliri.

"Naturuan mo na ba siya mr. leo" tanong niya, "Oo magaling siya at mabilis matuto" naka-ngiting sagot nito.

"Anong schedule ko ngayon" tanong ni sir jace habang inaayos nito ang kanyang laptop.

Tahimik lang akong nakamasid sa kanya at maiging inoobserbahan ang mga kilos niya. Nagtataka ito na walang sumagot ng muli siyang magsalita "Ang sabi ko anong schedule ko ngayon?!" medyo mataas na boses nito.

Napa Ehem! Na lang si mr. dela cruz sak tinuro sakin ang hawak kong folder.

"Ah-eh s-sorry po sir" utal na paumanhin ko.

"M-mamayang 10am po may meeting po kayo together with the boards of company, 12 noon po is lunch break niyo, 2pm naman po m-may appointent kayo sa client niyo sa r-restaurant" kinakabahang hayag ko sa kanya. Pagkatapos kong binanggit ang mga schedule niya, nagpaalam na si mr. leo na pupunta na siya sa kanyang office

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now