Chapter 7

506 27 14
                                    

Casper POV:

Pauwi na kami ni mama galing sa paglalako ng mga paninda, infairnes madami-dami benta namin ngayon. Madami siguro tubo namin neto.

Habang naglakakad kami pauwi nang bigla tumunog ang cp ko.

Sino kaya itong nag text, saka ko binuksan nilalaman ng mensahe.

Good day Mr. Solomon!

This is from Cuerva's Corrporation. Thank you so much for sending your resume! We are inviting you for an onsite initial job interview tomorrow August **, 2*** at 11 AM. Please bring a copy of your updated resume and a ballpen. For questions, just reply to our number. Thank You!

Nagtataka man at wala akong natatandaang nag pasa ako ng resume sa Cuerva's Corp. Pero ipinag sa walang bahala ko na lang ito, trabaho din ito sayang. Kung sinuswerte ka nga naman oh, buti naman may nag text na sa akin.

Ngumiti ako kay mama "Ma nag text na yung isa ko pang inaapplayan, may interview ako bukas sana matanggap nako neto" wika ko.

Natuwa naman si mama sa aking sinabi "Talaga Cas?? Mabuti naman kung ganon, ayusin mo interview na yan huh, wag kang kakabahan kapag tinatanong ka".

"Opo ma sana matanggap po agad ako" wika ko. "Mah text nga si Muffin kung nakatanggap din siya ng mensahe" sabay text kay Muffin.

At Voala.....nakatanggap din daw siya ng mensahe at bukas din daw siya naka schedule sa interview. Buti naman kasabay ko pa rin siya.

Ang saya naman ng araw na toh, sana mag tuloy-tuloy na ito.

"Siya nga pala Cas itong tirang tinda natin dalhin mo daw kay Kumareng Liza order niya yan, magkita na lang daw kayo sa may park malapit sa dati mong school, kaw na bahala ha masakit nadin mga paa ko" bilin sa akin ni mama.

"Sige ho Mama uwi napo kayo, ako na pong bahala" saka nako pumunta sa park para ihatid ang mga orders ni Aling Liza.
-------------------

Pagdating sa park hinintay ko muna si Aling Liza.

Habang naghihintay pinag masdan ko kagandahan ng park na ito, maaliwalas maraming puno na nagbibigay ng presko at sariwang hangin. Madami ring mga batang nag lalaro kasama mga magulang nila, mga magbabarkada, at mga magkasintahan na nakaka asiwang tignan.

Para hindi ako mainip naglakad lakad muna ako sa park.

Naalala ko noong mga high school pa kame, bago umuwi galing sa school naglalaro muna kami nila Muffin dito ng volleyball, sa sobrang luwang ng park nakakapagod maglaro dito lalo na kung pupulutin mo ang bola, tapos ang dumi dumi pa ng mga damit namin pagkatapos, di namin namamalayan na gabi na kame nakakauwi, at pag dating sa bahay katakot takot na sermon ang aabutin ko kay mama..... Hayysstt nakakamiss din pa lang mag laro.

Masyado akong nalibang sa paglalakad at pagbabalik tanaw nang hindi ko namalayan may nabangga pala ako.

Sa sobrang pag kabigla hindi ako nakapagreact kaagad sa nangyari.

Nasa harapan ko ngayon ang isang lalaki na nakasuot ng simpleng polo shirt at pantalon lang, pero di ko maaninag ang mukha niya dahil naka yuko ito sa damit niyang nabuhasan ng kanyan iniinom. Sa postura ng lalake maputi siya at may magandang pangangatawan.

Agad kong kinuha ang panyo ko saka ko siya pinunasan at humingi ng paumanhin "Sorry sorry talaga kuya, diko ho sinasadya" pagpapaumanhin ko.

How to Stay with Monster Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon