Chapter 1

1.2K 52 4
                                    

Casper POV:

Nakasuot ako ng isang magarbong suit na kulay asul, para akong nasa isang pang mayaman na event maganda ang pagkaka-ayos ng event. May naglalakihang mga chandelier, maganda ang set up ng mga tables, maraming mga rosas na napakabango.

"Pero bakit ako lang mag isa dito?" ang nagtataka kong tanong sa aking sarili.

"Hello? Nasaan kayo? May tao ba rito? Yuhuu," patuloy na pagtawag ko ngunit sa tingin ko'y parang ako lang mag isa rito.

Patuloy ako sa paglilibot ng buong venue, wala talaga akong masabi rito dahil napaka ganda at halatang pinaghandaan nang husto.

Napansin ko sa labas na may naka tayong pigura ng isang lalaki, hindi ko maaninag ang kang mukha dahil nakatalikod ito sa akin. Dali dali ko syang pinuntahan dahil sa tingin ko'y kaming dalawa lamang ang narito.

"Ah kuya? Pwede bang magtanong??" pagtawag ko nang kanyang atensyon.

"Alam mo ba kung nasaan tayo? At kung bakit ako narito?" patuloy na pagtatanong ko sa kanya, ngunit di parin siya sumasagot.

"Tsk! Shuta snobero kala mo kina gwapo, kuya nagtatanong ako!" ang medyo inis ko nang sabi.

Hahawakan ko na sana siya nang unti-unti siyang lumingon sa akin at ngumiti, nakasuot siya ng itim na tuxedo na may pulang ribbon, matangkad siya na sa tingin ko ay nasa 6'2 ang tangkad maputi siya singkit ang mga mata, matangos na ilong, may dimples, maliit at mapula pulang labi na parang kay sarap halikan. Nasa ganoong pagmamasid ako sa kanya nang hawakan niya ang aking mukha tinginan kami ng mata sa mata na parang pinapahiwatig niya na sa akin ka lang mamahalin kita; unti unti niyang nilalapit ang kanyang mapupulang labi sa akin.

Sh*t ito na ba? Siya na ba first kiss ko? Konting agwat na lang maglalapat na ang aming mga labi ng biglang.

"Hoy! Frend aba'y gumising kana nagpupuyat ka nanaman siguro kakacellphone mo na naman, ang hirap-hirap mo talagang gisingin may panguso nguso kapang nalalaman diyan kala mo kinaganda mo, Ganda ka? Para kang hinahalikan ng asung ulol! Tumayo kana kakain na tayo huwag paghintayin ang grasya sarap na pa naman mag luto ni tita," ang pambubulabog ng aking bff na si Muffin.

"Frend naman ang aga-aga bumubula yang bibig mo, hindi ba pwedeng gisingin mo na lang ako ng maayos? Kailangan sumisigaw talaga? Yung totoo friend? Pinaglihi kaba sa atomic bomb nung pinagbubuntis ka ng mama mo? kung maka sigaw daig pa ung nagtitinda ng pandesal," angal ko sa kanya.

"Paano ako di sisigaw frend eh kung matulog ka parang wala nang bukas. Hala, ehh tumayo ka na diyan at haharvart pa tayo," sabi niya sa akin. Nakakairita padin kapag tinatawag niya akong Cascas ang sagwang pakinggan parang yung host sa case crime sa tv.

Hindi pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si Casper Solomon, nasa 21 na taong gulang, may taas akong nasa 6'0, oo matangkad ako nasa lahi daw namin ang mga matatangkad. Hindi ako maputi at di rin ako maitim sakto lang ang kulay nang aking balat, medyo makapal ang aking kilay, saktong ilong, ang aking labi na di nman ganun kapula at ang aking seasonal na mukha, bakit seasonal? Minsan may tigyawat minsan wala, minsan magaspang minsan flawless, hay naku nasan ba ang hustisya. Ang aking buhok ay sobrang gulo at sobrang tigas na kahit anong shampoo o suklay ko rito ay nagmumukha padin akong bruha. Pero di naman sa pagmamayabang may nagsasabe saken na cute naman daw ako kahit papano. Atlis kahit papano may nakaka-appriate sa akin.

Kaya Casper ang pangalan ko dahil paborito ni mama si Casper the friendly ghost, dahil noong showing ito bukod sa cute at bibo ang batang multo nagwapuhan siya rito noong mag anyong tao si casper, aminin natin nagwapuhan tayong lahat sa kanya..

At hindi ko rin ikakahiyang sabihin na ako'y isang simpleng beki, na hindi nagdadamit pang babae dahil di ako ganung tipo ng tao. Masaya naman ako dahil tanggap ako ni mama sa aking pagkatao na pinagpasalamatan ko ng lubos sa diyos. Dahil sabi nga niya huhusgahan ako ng maraming tao dahil sa katauhan ko, ngunit kung mayroon mang tatanggap sa akin at magmamahal ng totoo sila yon ang aking pamilya.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now