Chapter 10

281 16 10
                                    

Mathew POV:

Nakahiga na ako ngayon sa kama pagkatapos ng mga nangyari kanina, hindi ko padin maiwasang mainis kay kuya cas kung bakit ayaw niya akong pasalihin sa volleyball team.

Ganun naman lagi si kuya kung maka asta dinaig pa si mama, minsan lahat ng gagawin ko kailangan dumaan muna sa kanya. Parang lahat ng desisyon ko sa buhay kailangan siya ang magdedesisyon. Lumilitaw na siyang pakialamera sa mga ginagawa ko. Ayoko sa ganung bagay dahil gusto kodin mag desisyon nang para sa sarili ko.

Dumagdag pa sa aking iniisip ang pagtawag niya sakin ng matandang dalaga, naiinis ako dahil pati si kuya'y tinatawag ako ng ganun.

Naririndi na nga ako sa taong tumatawag sakin niyan sa school, sumabay pa tong si kuya.

Oo bwisit sa buhay ko ang taong yon, at huwag niyo ng alamin kung sino pa siya dahil sakit lang ng ulo hatid niya sakin.

Biglang may kumatok sa aking kwarto "matmat, gising ka pa ba?" alam ko si kuya cas ang nasa labas. Dahil naiinis padin ako hinayaan ko muna siya.

Tuloy lang siya sa pagkatok nang hindi ko na matiis ang ingay at pinagbuksan ko na siya ng pinto.

"Anong kailangan mo kuya? Kung sesermunan mo lang ako ulit, please lang itulog na natin yan" masungit kong turan sa kanya.

Hindi siya kumibo at deretso siyang pumasok sa aking kwarto sabay upo sa aking kama "mat, ayokong matapos ang araw na toh na hindi tayo nagkakaunawan" wika ni kuya.

Huminga siya ng malalim bago tinuloy ang kanyang sasabihin "pasensya ka na't nasigawan kita kanina, alam mo naman na nag aalala lang ako sayo."

"Kuya hayaan na lang naten yung nangyari, wala naman akong magagawa kung ayaw mo, sino ba naman ako para kumontra pa" maktol ko.

"Mat wag ka naman ganyan oh, sana maintindihan mo na mas concern kami ni mama sa pag-aar—" di ko muna siya pinatapos ng sumabat ako sa kanyang sasabihin

"Kuya wag kang mag bingi bingihan, alam mo na payag naman si mama, ikaw lang itong kontra sa mga desisyon ko" wika ko.

"Alam ko concern ka lang saken, alam ko na iniisip mo na baka maka apekto ito sa pag-aaral ko, iniisip mo din siguro na baka may matamo akong injury sa laro, kuya kung yung injury lang inaalala mo mag-iingat naman ako eh" pagkumbinsi ko sa kanya.

Tahimik lang siyang nakikinig sa akin.

"Kuya sa totoo lang gusto kong panindigan yung mga sarili kong desisyon, hindi yung lagi na lang mga sinasabi mo nasusunod, please naman kuya  hayaan mo naman akong mag desisyon para sa sarili ko at tulong ko nadin sa inyo toh ni mama."

Tahimik pa din si kuya wari'y wala itong paki alam sa mga sinabi ko. Ano pa bang aasahan ko kay kuya? Siya nanaman masusunod.

Para hindi na pa humaba usapin na ito susundin ko na lang siya kagaya ng mga ginagawa ko noon.

Magsasalita na sana ako nang ngumiti siya sakin "desidido ka na ba mat? tanong niya sa akin.

"Oo kuya gusto ko lang naman tumulong, hindi ko kayang makita na todo kayod kayo ni mama para akin samantalang ako eto di ko kayo matulu-tulungan" medyo naluluha ko ng wika sa kanya.

Tumayo si kuya at nilagay niya kamay nito sa aking ulo "nagbibinata kana talaga matmat, hindi na ikaw yung baby na karga karga ko lang dati noon."

"Sorry kung feeling mo masyado na akong nakikialam sa buhay mo, wala kuya mo lang ako eh sino lang ba ako diba?" naluluha nito wika na agad niyang pinunasan.

"Sige pumapayag nako, na realized ko din na gawin yung mga nagpapasaya sayo" pagpayag nito.

"Salamat kuya" seryoso kong tugon sa kanyan pero sa kaloob looban ko'y masaya ako sa sinabi niya "hindi ko kayo bibiguin ni mama, at wag mo din sanang isipin na pakialamera ka sa buhay ko. Oo nakakainis ka minsan pero alam ko naman na mahal moko bilang kapatid mo, dahil ikaw ang panganay at naiwan sayo responsibilidad ni papa."

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now