Chapter 16

177 14 4
                                    

Casper POV:

5:30 ng hapon sa wakas out ko na sa trabaho, first day pa lang pressure na agad ang binigay sakin ni sir jace. Konting pagkakamali lang katakot-takot na sermon abot ko sa kanya, mabuti na lang at nandiyan si sir leo(mr. dela cruz) para tulungan ako sa mga dapat kong matutunan.

Sabay-sabay kaming nag out nila muffin at ang usapan ay sa labas na lang kami magkita-kita.

"Cas tara na" tawag sakin ni nate, kaya agad akong lumakad papunta sa kanila.

"Cas ba't parang ang dry ata ng awra mo?" tanong ni cristel sakin.

"Obvious ba girl? Malamang dahil sa boss naten" sabat ni muffin.

Huminga na lang ako ng malalim at kinwento ko sa kanila mga nangyari kanila. "So totoo pala na strict nga talaga si sir jace, baka naman ganun yung way niya nang pamamalakad sa kompanya" wika ni nate.

"Oo yung way na isang pagkakamali lang deretso na sa afterlife ka na" singhal ko.

"At na encounter mo pa yung lady in red na si rita daniela mondragon kuno" wika ni muffin.

Naalala ko na naman yung babaeng yung isa pa sa nagpapa-stress sakin yun "Well aksidente naman yung nangyari diko sinasadya,wala naman akong choice kung pag-iinitan niya ako" wika ko.

"Pero cas kwento ka naman tungkol kay sir jace, alam mo ang swerte mo nasa tabi mo lang yung gwapo nating boss" kinikilig na sabi ni cristel.

"Sana masabi mo pa yan kapag ikaw na nasa kalagayan ko, eh kung palit na lang kaya tayo" inis kong turan sa kanya, napakamot na lamang siya sa aking sinabi.

Naghiwa-hiwalay na kame pagkarating namin sa terminal, kaming dalawa na lang ni muffin ang magkasama. Medyo mahaba ang pila kaya nag kwentuhan muna kami ni muffin "Frend alam mo may point naman kanina si cristel" wika ni muffin.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko, "Kahit sabihin na nating ubod ng sungit yang si sir jace gwapo naman talaga siya di natin mah de-deny yan" wika niya.

"Sge naman frend, describe mo naman si sir jace, mabango ba? Nakakahina ba siya nang tuhod? Makalaglag panty ba?" sunod-sunod niyang tanong.

Sa totoo lang tama naman siya sa sinabi niya, kahit nanginginig nako sa kaba kanina ay starstruck parin ako kay sir jace, nawawala lang yun kapag nag alboroto na siya.

Pagkasakay namin sa jeep dun ko sinagot ang tanong niya "Alam mo frend ito lang masasabi ko kay sir jace kung si matthew parang matandang dalaga kung umasta, mas lalo na si sir jace, nasusungitan na nga ako sa bahay, doble pa pagdating sa trabaho" reklamo ko.

(Habang pauwi galing sa school si matthew nag angry react siya sa my day ni cas noong nag video call sila nila muffin at barak "Tssk! Mukha silang mga gagamba na nasa posporo" inis na kausap niya sa kanyang sarili).

"Well mag ala Maya ka, ganito gawin mo" sabi niya "Good morning sir chief, gusto niyo ba ng kape? Anong ilalagay kong gatas sa kape, gusto mo gatasan kita? Ehehehe?' malanding hirit niya.

"Diba anumang dumating na pagsubok kapit bisig" panggagaya niya kay jodi sta.maria sa becareful with my heart.

Natawa na lamang ako sa kanya "Gaga , ginawa mo pa akong si jodi" sabi ko sa kanya, pagkababa sa jeep naghiwalay na kami ni muffin sa ibang eskinita kasi bahay niya pauwi.

Pagkauwi ko'y nakita kong tahimik si tomtom sa panonood nang tv di nako, wala siyang pake sa paligid niya kaya hindi nako magtataka kung ano pinapanood niya, dahil tom & jerry lang nakapag papatahimik sa batang toh.

Agad akong lumapit sa kanya sabay halik sa kanyang matabang pisngi, pero naiinis niya akong tinaboy saka siya humagalpak nang iyak.

Ba't pati bulilit na ito ang sungit din? National regla day ba ngayon?

How to Stay with Monster Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon