Chapter 2

623 40 27
                                    

Casper POV:

Alas dos na nang hapon nang nakarating na kami ni muffin sa mall dahil medyo traffic, sa gutom na rin agad-agad kaming nagtungo sa isang sikat na fast food chain. Pagpasok naming ay humanap muna kame ng pwesto sa may bandang dulo ng kainan. Nilapag muna namin ang aming mga dalang bag para hindi kami makuhanan ng pwesto, wala naman makukuha sa aming bag kaya ayos lang yun.

Mabuti na lang hindi na ganon kadami ang mga kumakain ngayon kaya mabilis rin kameng naka order ni muffin ng aming kakainin sabay balik sa aming pwesto.

Habang kumakain hindi ko maiwasang tumitig ng masama kay muffin.

"Frend, kung maka tingin ka naman sa kin para mo na kong binabalatan ng buhay," medyo nag-aalalang wika niya.

Inirapan ko siya sabay sabing "Alam mo shuta ka talaga, sa ginawa mo kanina aasahan mo pa bang tatanggapin pa nila tayo dun?".

"Eh pano naman kase frend parang ayaw nung shalala na yun sa atin, grabe kung magtaray saten hindi niya naman kinaganda, as far as i know smell ko mukhang penguin man na yan, kaya wag ako emilia, wag ako!" pang gagaya niya kay Maja sa huling sinabi niya. Napa-hinga na lang ako nang malalim at muli kong naalala ang mga kaganapan kanina lamang.

Flashback:

"Good morning, po sir," sabay bati namin ni muffin sa lalaking naka upo sa harapan namin, siguro siya mag iinterview samin.

Lumingon siya sa amin at tumango sabay senyas na ma-upo na kame sa harap ng table. Pansin namin na medyo mataray titig nito samin, pero pinag sa walang bahala na lang namin ito dahil kami naman ang may kailangan ng trabaho.

"Bilisan lang natin ito dahil busy pa ako, well i am SHAne LAzaro Lagaspang," mataray na pagpapakilala niya samin. Infairnes bagay sa kanya name niya bukod sa kamukha niya si shalala ang gaspang pa nang mukha niya, sorry di ko maiwasang manghusga, bakla este tao lang ako.

"I know na kapag may interview ganito ay kailangan isa-isa namin kayong kilatisin, pero pasensya na dahil sabi sa amin na mahaba haba pa pila sa labas ng office kaya ginawa namin ay pagsabayin na kayong dalawa," pag explain niya sa amin.

Inabot namin ni muffin ang aming mga requirements sa kanya, binasa niya ang aming mga resume habang nakataas kanyang isang kilay.

"Frend, hindi ata tayo bet ni shalala taray-tarayan ba naman tayo baka masabunot ko siya kahit wala siyang buhok," naiinis na bulong sa akin ni muffin.

"Muffin, tayo nag apply kaya mag adjust tayo," sagot ko sa kanya.

Sumagot na naman siya sakin, "Kapag tumaray pa tong si shalala, jojombagin ko na yan,"

"May sinasabi ka? " masungit na tanong niya kay muffin.

Bigla naman ngumiti nang may pagka plastik si muffin "Wala po sir, infairnes ha ang ganda po nang scurf niyo,"

"Maganda ba?" naka ngiting tanong niya.

"Galing pa toh sa friend ko galing korea, di niyo afford," mayabang na dugtong niya.

"Ay oo nga sir bagay na bagay sa inyo, lalo mong naging kamukha si Shalala," bulong niya sa huli.

"Anong binulong mo?" medyo naiinis nang tanong ni shalala este sir shane.

Mukhang nagiging intense na sitwasyon ng dalawa kaya na maiwasang pumagitna sa kanila, baka kung saan pa ito mapunta baka hindi pa niya kami tanggapin.

"Ahh shalala este sir shane, ang sabi po ng kaibigan ko bagay na bagay sa inyo mukha raw kayong kpop,"

"Mr. Solomon under graduate pala kayo ni Mr. Sembrano sa college, bakit kayo tumigil?" tanong niya sa amin.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now