Chapter 20

113 8 3
                                    

Casper POV:

"Hello matt? Buti napa tawag ka?" pagtataka ko.

"Kuya, ayaw na sana kitang istorbohin pero sinisingil na kasi ako ng school sa tuition at sa fieldtrip," aniya.

"Oo sige papunta na," pinatay ko na ang tawag saka ko nilingon si mang jude, ngunit wala na siya sa aking tabi. Dahil sa pagmamadali hindi ko na siya hinanap para mag paalam at dumeretso nako sa school.

Sakay ng tricycle ay agad akong nakarating sa school ni mathew, or should i say dati kong school. Nasa alas tres na ng hapon nang makarating ako sa school, pagkababa ko sa tricycle ay nagbayad ako agad kay mamang driver at tinignan ang gate ng aking dating iskwelahan.

"Honraldo Umandal University," yan ang nasulat sa ibabaw ng gate.

Parang kailan lang nung nag aaral ako dito, humakbang nako papasok sa iskwelahan nang harangan ako ng guard.

"Ano po sadya nila sir?" tanong niya sakin.

Ngumiti ako sa kanya habang kumaway, "Hello kuya soy, kumusta kana?" pagbati ko.

Nabigla siya nang makilala niya ako, "Uyy cas, eto guard pa din dito, tagal na nating di nagkita ha parang kelan lang suki ka ng school gym," sabay senyas sakin na pumasok sa loob.

"Oo nga kuya tagal na nga nun, tapos di ka agad nakakauwi kasi ginagabi kami sa training," sagot ko naman.  

"Tapos ililibre niyo pa ako ng fishball at kwek-kwek noon kasi nahihiya kayo dahil ginagabi ako dahil sa inyo," natatawa niyang kwento.

"Gaano na nga tayo katagal hindi nag kita?" tanong niya.

"Tatlong buwan," sagot ko. 

Natawa kami ulit dahil kung maka-asta kami'y parang isang dekada kaming hindi nagkita.

"Kuya puntahan ko muna kapatid ko, babayaran ko lang yung mga dapat bayaran niya sa school,"pagpapaalam ko, ngumiti siya't  kumaway sakin.

After namin mag kamustahan ni kuya soy dumiretso ako sa admission building ng school para magbayad sa mga gastusin ni mathew. Pumunta ako sa may cashier ng school at nagtanong, "Good afternoon po miss, magbabayad po sana ako ng monthly pay ng kapatid kong si mathew," naka ngiti kong wika sa kanya.

"Ano pong year at full name ng student?" tanong niya.

"Mathew solomon po, Gr. 9 student," sagot ko. Tinignan niya agad ang record ng aking kapatid sa kanyang computer. 

Pagkalipas ng ilang sandaling pagsuri niya sa computer, "Nag promissory note pala siya last month and  sabi niya magbabayad siya this month, bali yung balance nung nakaraang buwan tsaka yung ngayon po bayayaran niyo," explain niya sakin.

Agad kong kinalkal ang aking wallet sa bag "Sige miss, wait lang ha kukunin-" ngunit napatigil ako sa pagsasalita ng mapansin kong konti lang ang dala kong pera. 

"Hala diba sweldo ngayon? Asan yung pera ko?" tarantang tanong ko.

Third Person's POV:

(A/N:  At dahil nga likas sa mga bida ang pagiging tanga at bob*, hindi na rin nakapag tataka na ganun din si casper)

Nang maalala niyang nag walkout pala siya kanina sa office  at hindi niya man nakuha ang sweldo nito. 

Patay! ang lakas ng loob kong magbayad wala naman pala akong pera, at for sure di na ako tatanggapin ni sir jace dahil imbyerna ang lolo mo saken ngayon araw, nasabi niya sa kanyang sarili.

"May problema ba?" tanong ng cashier sa kanya.

"Ah-eh kasi po miss ano," nauutal niyang salita.

"Kasi?" -cashier.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now