Chapter 17

307 17 9
                                    

Casper POV:

Hinihintay kong mapuno ang tasa habang nag uusap kame ni muffin nang biglang may  pumasok na babae sa pantry.

"What the hell are you doing here?" mataray niyang tanong.

Sino pa bang tinutukoy kong kaharap namin? Edi si rita daniela mondragon.

"Wait if I'm not mistaken, ikaw yung nag buhos ng coffee sakin kahapon" habang dinuduro niya ako.

Jusko dipa ako nakakarecover kay sir jace dumagdag pa siya.

Bago ako nag salita pinatay ko muna ang makina ng coffee maker saka ko siya hinarap.

"Sorry talaga sa nagawa ko kahapon, di ko naman talaga sinasadya nagmamadali kasi ako kaya nabangga kita" mahinahon kong paumanhin sa kanya.

"Ang clumsy mo naman pala kung ganun, nagtataka nga ako bakit ikaw yung natanggap na bagong secretary ni boss, and I think mas deserve ko yun" habang tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga sinabi niya.

Umirap siya sakin sabay lingon kay muffin "Hoy ikaw may sinabi ba akong break-time niyo na, ka bago-bago mo pa lang sumusuway ka na sakin" sabay sampal niya sa mukha ni muffin.

Hindi ka agad naka recover si muffin dahil sa pagtampal ni rita sa kanya.

"Aray! bakit niyo ako sinampal ms.rita?" parang naiiyak na tanong ni muffin.

"Dahil naasiwa ako sa mukha mo" sagot ni rita.

"Ms.rita, nauhaw kasi ako kaya uminom muna ako" palusot ni muffin.

"Tseee! ako pa niloko mo, hindi ako tanga para maniwala diyan sa palusot mo, because I am not rita daniela mondragon for nothing" sabay tampal niya muli niya kay muffin.

"Familiar yang dialogue mo ha" wika ni muffin.

"Ms.rita parang sumosobra na po ata kayo" singit ko sa kanila.

"Wag kang maki-alam dito dinidisiplina ko lang itong staff ko para magtanda"

"Pero yung saktan ng pisikal ang kaibigan ko hindi na ata tama yun" sagot ko.

Sasagot sana siya nang biglang may tumawag sa kanya mula sa pinto ng pantry.

"Excuse me, ms.rita pinapatawag po kayo ng supervisor sandali may problema po ata" wika ng tao.

Tumango muna si rita sa kanya saka siya lumingon samin "I guess hindi pa ito huling paghaharap natin, humanda ka sa susunod dahil naiinis din ako sayo"

"At ikaw naman bakla, bumalik ka na sa pwesto mo kung ayaw mong mag file ako ng ITR report sayo" duro niya kay muffin.

(ITR report, ito yung pag file ng warning sa isang empleyado kung mayroon mang mag reklamo sa kanila or kung may nilabag silang rules ng kompanya. Kapag naka dalawa hanggang tatlong ITR report sila mabibigyan sila ng parusa, pwedeng masuspende o kaya naman deretso sesante).

Tumalikod na siya samin at nilisan na niya ang pantry.

Nag-aalala naman akong lumapit kay muffin "Muff ok ka lang? Gusto mo isumbong ko siya kay sir jace?"

"Hayaan mo na frend baka lalo akong pag-initan nun" sagot niya, "Sige frend balik na ko at bilisan mo din baka pagalitan ka na naman ni sir jace" paalala niya.

Naku oo nga pala natagalan na naman ako sa coffee making ko, may sanda malas ata itong kape na ito. Kaya dali-dali akong pumunta sa office, baka sermunan na naman ako nun. Todo iwas ako sa mga makakasalubong ko, mahirap na baka  mabuhusan ko sila.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now