Chapter 4

445 32 2
                                    

Jace POV:

I am Jace Martin Cuerva, 25 years old, Vice President of our company, ang Cuerva's Corrporation, I graduated four years ago sa isang sikat na university sa US as Summa Cum Laude. Nang maka-uwi ako dito sa pilipinas agad akong nag training kung paano patatakbuhin nang maayos ang aming negosyo sa loob ng ilang buwan.

May taas akong 6'2, sabi ng karamihan nasa akin na raw ang lahat ng image ng isang magandang lalake; Matangkad, Maputi, well built na pangangatawan, at Matalino.

Napakadami naming mga bussinesses such as Malls, Five Star Hotels, Cruise, Food Manufacturings, Supermarkets, Restaurants, and more.

Sa aking pag dating sa kompanya, kalbaryo ito sa mga empleyado namin, dahil sa pamamalakad ko mas napalawak at tumaas ang aming sales sa bussiness, PERO .

Marami na din akong napagalitan, napahiya, at pinagbuntungan ng galit. Dahil sa isang pagkakamali lang nila'y mamamaalam na sila sa trabaho nila. I considered myself as Perfectionist pero wala akong pakialam sa sasabihin nila.

Sabi nga ng ilan napaka perpekto ko raw tignan bilang isang Boss ng kompanya, Pero....

Masasabi mo pa bang perpekto ako kung malalaman mong ako'y:

Rude.

Strict.

Malupit.

Perfectionist.

Oo aminado naman ako sa sarili ko na isa akong malupit na boss, ano bang magagawa nila kung ayaw ko sa mga: Ta-tanga tanga, Stupid, Bobo, Babagal- bagal, Walang bilid sa sarili, Palpak.

At ang ayaw ko sa lahat ang kinakalaban ako. Kapag nangahas ka??? Sulitin mo na mga masasayang oras mo.

.

.

.

.

.

Nasa ganung pag mumuni-muni ako ng mag salita si Fred, ang family driver namin for almost 15 years. "Jace malapit na tayo sa mansion niyo".

Di niya ko tinatawag na sir kung kami-kami lang magkakasama dahil sa tagal na rin niya sa serbisyo samin I treated him as my second parent.

"Kuya please forgive me for what happened, i promise i will never do that again". Pag so-sorry ng aking bunsong kapatid na si Quinn habang naka yakap sa kanyang paboritong stuffed toy na si Tom (from famous cartoon Tom and Jerry), na bigay ko mismo sa kanya.

Sobra akong nag-alala nung bigla siyang nawala sa tabi ko kanina, dahil na rin sa sobrang busy nawawalan ako ng time makipag bonding sa kanya kaya naman nag day off ako para bumawi sa kanya.

"Please don't be mad na....lalo ka pong nagmumukhang monster". Dagdag pa niya. Siya lang ang bukod tanging tumatawag saken ng ganyan dahil sa pagka moody ko madalas ko siyang pagsungitan dahil na rin sa kakulitan niya.

Huminga ako ng malalim at kinalma sarili ko, baka matakot nanaman sakin si Quinn " You don't know how I worried nung bigla kang nawala kanina, What if something bad happens to you??? What if kinuha ka ng mga bad guys???? Worried lang naman si Kuya sayo kaya nagalit ako ng ganun".

Yumuko siya sabay yakap sa stuffed toy niya. "Im sorry kuya if nasira ko bonding natin and umalis po ako sa tabi niyo,promise di na po mauulit....please forgive me na". Paki-usap niya saken.

"Im sorry Quinn kung napagalitan kita kanina di mo alam kung gano ako nag-alala sa ginawa mo, next time wag mo ng uulitin yun ha promise to me". Pagpapakalma ko sabay yakap sa kanya.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now