Chapter 6

447 28 8
                                    

Casper POV:

Pagod akong naglakakad habang pauwi sa bahay ng may mapansin akong isang pulang SUV na naka park sa aming harapan. Nagtataka man agad akong pumasok sa bahay para malaman kung sino bisita namin.

Pagkapasok ko ay nabungaran ko na naka upo si Mama sa sofa, habang may nakatalikod na lalaki naka upo.

Lumingon sa akin ang bisita, at nagulat ako kung sino ito.

Luhh sino toh?? Tanong ko sa aking sarili.

Lumapit ako kay Mama para magmano, agad akong umupo sa tabi niya sabay tingin sa bisita namin.

Medyo pamilyar ako sa bisita namin. Nakasuot siya ng bussiness attire, medyo matanda na rin siyang tignan siguro nasa mahigit 50 na edad niya.

Ngumiti naman ako sa kanya, saka nagtanong kay Mama kung sino siya.

"Ma sino siya???" Tanong ko.

Sumagot naman si Mama "Anak siya nga pala si Mr. Guevarra, naalala mo pa ba siya??? naparito siya dahil may sasabihin daw siya sa atin".

Naalala ko na kung sino si Mr. Guevarra, siya ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng aming bahay, matagal-tagal narin siyang di pumupunta rito, dahil sabi naman niya kay mama dati na kahit anong araw o oras namin gusto pwede kaming magbabayad sa lupa. Mabait samin si Mr. Guevarra dahil mahigit 4 taon na rin ng huli naming hinuhulugan ang lupa at hindi naman siya nagrereklamo at naniningil samin agad.

Nagtataka ako kung bakit siya narito.

"Mrs. Solomon nag punta ako rito about sa lupa, alam naman natin na maliit pa lang ang panganay niyo benenta ko na sa inyo ang lupa." Panimula nito

Mukhang hindi ko ata magugustuhan mga susunod niyang sasabihin.

"Pinag kasunduan natin noon na kahit kailan niyo gustong magbayad ay ayos lang sakin iyon dahil kahit papano magkaibigan tayo, successful naman mga negosyo ko kaya kahit di niyo muna bayaran agad ang lupa ay diko naman kakailanganin yung ibabayad niyo sakin".

Nakangiti namang sumagot si Mama "Oo naman ho Mr. Guevarra, pasensya na po kung di po ako nakakabayad sa lupa nitong mga nagdaang taon, di ko naman kayo inaabuso pero ginigipit lang talaga ho kami, pero kapag may ipambabayad nako agad agad ibibigay ko rin sa inyo".

"Yun nga ang ipinunta ko dito Mrs. Solomon, Im sorry to say pero sana mabayad niyo na lupa within 6 months".

Nabigla kami ni Mama sa sinabi nito kaya hindi ko na nakayanang magtanong sa kanya.

"Ano ho??? Seryoso ho?? Baka pwede pa po nating pag usapan ito, hindi naman ho sa ina abuso namin kabaitan niyo dahil wala pong palugit sa pagbabayad namin ng lupa, gipit na gipit lang ho talaga kami ni Mama, kaya sana ho dagdagan niyo pa palugit sa lupa, promise babayaran naman po namin, walang wala lang talaga ho kami ngayon, paki usap po" natataranta kong wika sa kanya.

"Bakit naman ho biglaan ata ito Mr. Guevarra" nagtatakang tanong ni Mama.

" By next year kasi, pupunta kami ng U.S for good na rin siguro yun, naibenta ko nadin mga dapat kong ibenta, kaya itong lupa na lang hinihintay kong mabayad" wika niya.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now