Chapter 15

214 13 8
                                    

Casper POV:

Habang humakbang ako papunta sa pinto, hindi ko maiwasang manginig ang aking mga tuhod. Kabado ako sa oras na ito dahil unang trabaho ko ito at magiging boss ko pa yung lalaking naka sagutan ko noong isang araw.

Pagtapat ko sa pinto inangat ko ang aking kanang kamay saka kumatok, wala akong tugon na natanggap mula rito.

Kumatok pa ako ng ilang beses nang sa wakas bumakas na ito, nakita ko seryosong mukha ni mr. dela cruz, saka umiiling niya ko pinapasok sa loob. Pagpasok ko sa loob napawow ako sa aking nakikita.

Katulad sa panaginip ko napaka ganda ng opisina, maaliwals ang opisina ni sir jace parang mas malaki pa ata ito sa pinagsamang sala namin at kusina. Malinis at mabango ang paligid na parang kay sarap mag trabaho kapag ganito ang lugar. Magkahalong gray at black ang kulay ng mga pader sa opisina, lalaking-lalakeng tignan at halatang seryosong tao ang nakapaloob dito.

"You're 10mins. and 14.3 second late, mr. solomon" nabigla ako sa nagsalita kaya nilingon ko ito, "Enjoying the scenery, sir?" sarcastic pagkakasabi sa sir.

Lagot na, Rule no.#1: Be on time

FAILED!

Pagharap ko'y bumungad agad ang seryosong mukha ni sir jace, sa paraan ng pagtitig niya'y parang gusto niya akong durugin ng pinong-pino. "May sariling schedule ka yatang ginawa, solomon?" tanong nito.

"Ahh ehh sorry k-kasi po—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang muli itong magsalita "Para sabihin ko sayo, hindi kita suswelduhan para lang gawin mo mga gusto mo" inis niyang wika.

"Diko po napansin ang oras sir saka nalowbat po phone ko habang papasok po" depensa ko.

"At halata din sa mata mo na napuyat ka at late ka ng nagising, tama ba?" wika niya.

Natahimik na lang ako at wala na akong alam na idadahilan, ang malas ko ata ngayon. Totoo nga siguro na ang panaginip ay kabaligtaran sa totoong buhay.

"Pagbibigyan muna kita sa ngayon, dahil kapag inulit mo pa yan--" saka siya lumapit sa tenga ko para bumulong "Goodbye sa bahay at lupa niyo"

Kinabahan ako sa huling niyang sinabi, handa kong tiisin kung ano mang taglay niyang ugali basta matulungan ko lang si mama sa aming problema.

"Ayaw ko ng tatanga-tanga at bagal-bagal dito solomon" wika niya.

"Ayusin mo yang mga nakatambak na report sa table ko, orginized them according sa pagkakasunod ng mga months nila. Maayos at dapat walang maligaw kahit isang report lang"

"Saka gusto malinis ang office wala kahit na anong dumi" utos nito, pero sa nakikita ko napakalinis dito kahit isang alikabok wala kang makikita rito.

"Umpisahan mo na trabaho mo ngayon din, pagbalik ko sana maayos mo mga yan" saka siya lumabas sa office.

"Pasensya na iho hindi muna kita matutulungan sa ngayon, basta ayusin mo base sa mga buwan nito" bilin ni mr. dela cruz

Pagka-alis nila napahinga ako ng maluwag, hay naku unang araw ko pa lang palpak nako, sana sa susunod naman maging maayos na sana lahat.

Imbis na mag pa apekto sa mga sinabi ni sir, hindi nako nagpatumpik-tumpik pa agad kong tinignan isa-isa ang ang mga folder. Tinignan ko mga dates saka ito pinag-aayos hindi ko alam kung tama ginagawa ko pero binase ko na lang sa sinabi ni sir jace.

Mahirap para sakin na gawin ito dahil bago pa lang saken ang mga ganitong trabaho. Inayos ko na mga ito base sa kanilang dates. Pagkatapos ay pinunas ko na ang mga gamit dito kahit hindi naman talaga.

How to Stay with Monster Boss?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant