Chapter 12

277 19 29
                                    

Casper POV:

"Deal, pumapayag na ko, Sir...." sarcastic kong sabi sa salitang sir.

Hindi siya sumagot, matagal kong hinihintay ang kanyang sagot ng bigla niyang binaba ang tawag.

Nag desisyon akong tanggapin ang trabaho bilang secretary ni jace cuerva, wala na akong pakialam kung anong imamaltrato niya sa akin dahil ang importante matulungan ko si mama.

Ngunit, sa pagbaba pa lang ng tawag niya'y marahil hindi na ito interesado sakin. Napangiti na lang ako ng mapakla, sabi ko na nga ba wala akong mapapapala

Napaupo na lang ako sa lupa habang dismayado kong binaba ang aking cellphone, nakakalungkot lang na wala akong magawa para matulungan si mama sa aming problema, pakiramdam ko wala akong silbing anak at kuya, naturingan pa naman akong panganay.

Nasa ganung pag emote ako ng biglang umilaw ang aking cellphone.

Binuksan ko ito at nagtatakang binuksan ang aking email, nakasulat sa email

" Complete your requirements within this week, and after that you will have an orientation with Mr. Dela Cruz next week at 10am in Cuerva's corp. Main building, please come at the right time."

"P.s: tatanggapin mo rin pala andami mo pang arte" dagdag nito.

Hindi alam kung masisiyahan ako o ano basta inisip ko na lang para sa amin toh.

Masaya kong ibinalita kay mama na may trabaho nako at tuwang-tuwa ito.

"Salamat naman at di padin tayo pinapabayaan ng diyosl" wika ni mama.

Naluluhang hinaplos ni mama ang aking mukha, makikita mo sa mga mata nito ang lungkot.

"Cas pasensya ka na ha, dapat nag-aaral ka ngayon, pero eto tinutulungan mo ako sa buhay. Basta anak kapag nakabawi na si mama mag-aral ka ha wala akong maipapamana sayo kung hindi ang edukasyon" naluluhang wika ni mama.

"Proud ako sayo na naging anak kita" sabay yakap niya sa akin at pati ako'y naluha na rin.

Sabi nga nila lahat ng problema ay may solusyon, kaya ditto ako mag uumpisa.

------------

Kagaya ng nakalagay sa email kinompleto ko na lahat ng requirements na hinihingi ng kompanya, kasama si muffin na natanggap din pala bilang office staff.

Pagka kompleto namin sa mga dapat asikasuhin, pinasa na naming ang mga ito sa HR staff ng kompanya.

Pasimple pa akong luminga linga sa paligid baka makita ako ni jace at bawiin pa sakin yung pagtanggap niya sakin.

Tinanggap nila ang aming mga requirements at pinababalik kame next week para sa orientation.

Orientation day

9am pa lang agad na kaming pumunta ni muffin sa main building ng Cuerva's corpt. Pagkapasok namin dumiretso kami sa receptionist at sinabi ang aming pakay.

Nang malaman niyang newly hired kame pinapunta na niya kame sa 5th floor kung saan ang office ng aming pupuntahan.

Habang naghihintay may dumating pang tatlong tao na marahil newly hired rin.

Dahil likas na fc ang aking bff agad siyang nakipa-usap sa gwapong lalaki na aming kasama.

"Hey keye whet's your name?" malanding tanong nito sa lalaki.

Ngumuti sa kanyan ang lalaki "Nate, Nathan Lucero" sabay abot ng kamay niya kay muffin.

Tinanggap naman ito ni muffin "Just call me mae" malanding tugon nito.

How to Stay with Monster Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon