Chapter 13

226 14 8
                                    

Casper POV:

Mag aalas singko nadin ng hapon natapos ang aming orientation, niremind lang samin ni Mr. Dela Cruz na sa makalawa na ang aming unang araw at nag-bilin na dalhin namin ang mga dapat dalhin.

Sabay sabay kaming nagpasalamat at nagpaalam sa kanya.

Palabas na sana ako ng tawagin ako ni Mr. Dela Cruz, "Yes po?" naka-ngiting tanong ko meron siyang kinuhang parang notebook mula sa kanyang bag, saka ibinigay sakin.

"I think you need this, kabisaduhin mo bawat naka-sulat diyan, para malaman mo mga dapat mong gawin para maka-survive ka sa trabaho mo" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot sa mga sinabi niya. 

"Ano po ba ito?" tanong ko.

"Basta, Mr. Solomon, wag kang mag-alala dadaan ka naman sa training sa tulong ko, kaya prepare yourself and goodluck" naka ngiting hayag niya sakin.

Sana nga sir gumana yang pa goodluck mo, bulong ko sa sarili ko.

Tahimik akong bumaba sakay ng elevator, naunang bumaba ang mga kasama ko kaya hinabol ko sila para may makasabay ako pauwi. 

Pagkabukas ng elevator agad kong hinanap ang mga kasama ko, paglabas ko'y nakita nila ako kaya nagka-salubong kaming lahat, saka sabay-sabay na kaming umuwi.

Habang naglalakad papuntang sakayan, biglang nagtanong si muffin "Frend bat antagal mong lumabas?"

Sasagutin ko sana tanong niya, nang muli nanaman siyang magsalita "Oh my gosh wag mong sabihing--" sabay takip sa kanyang bibig.

"Pati sa matanda pumapatol kana cas, ang tanda na nun kahit powers ng viagra di na gagana dun, saka frend naman alam ko need mo ng trabaho pero sana naman-umph" tinakpan ko na balasubas niyang bibig, hay kahit kailan talaga napaka-green ng utak niya.

Muli sana akong sasagot, nang sumingit naman si cristel "Hala cas bat mo siya pinatulan, eh ambait bait nga niya kanina eh, bat mo naman siya sinaktan?" tanong nito.

"Gaga, ibig kong sabihin papatulan parang sugar daddy ganun, in short kumakain ng nabubulok na talong!" inis na sagot ni muffin sa kanya.

"Cas kumakain ka nun? Kadiri naman wag kang kakain ng ganun ha baka sumakit tiyan mo, tsaka ayaw mo nun may tatay-tatayan ka sa trabaho" naka ngiting sabi nito.

"Alam mo parang mas gusto ko pang kausapin yung pulibi dun sa park kaysa sayo" naiinis na sagot ni muffin sa kanya.

"Hmmp! Bahala nga kayo diyan ang slow niyo naman" sabay irap nito. Naiiling na lang ako sa mga pinagsasabi ng dalawang toh.

"Pwede na ba akong magsalita" tanong ko, "May sinabi lang siyang mga guide tungkol sa gagawin ko bilang secreatry, at binigyan niya ako ng-" hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko ng sumabat na naman si muffin.

"Ano?! Binigyan ka niya ng 12hrs. promo sa motel? Yuck! Kadiri na-" hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin sabay hampas sa kanya ng hawak kong notebook. "At kapag hindi kapa tumahimik i de-deep throat ko sa lalamunan mo itong hawak kong notes" naiinis kong tugon sa kanya.

Agad naman siyang nag-sorry at tumahimik na rin siya, berde na nga dugo niya berde pa isip.

"Eh ano ba yan cas?" tanong ni nate, "Ah mga Do's and Dont's lang, alam mo na rules siguro ni sir jace" sagot ko, habang naka ngiting alanganin.

Tumango na lamang si nate, saka ko tinignan ang hawak kong notes. Nag paalam na kame sa isa't-isa pagkarating sakayan at dumeretso na  pauwi.

------------

Pagkarating sa bahay agad akong dumeretso sa kwarto ko , dahil gusto kong umidlip dala na rin siguro ng pagod.

Alas siyete y medya ng gabi, may naramdaman akong yumuyugyog sa akin "Kuya cas gising na, eat na daw" pag-gising ng makulit kong kapatid na si tomtom.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now