Chapter 9

254 15 2
                                    

Casper POV:

Hapon na nang makauwi ako sa bahay, nakita ko si mama na nag-aayos ng mga paninda namin nang mapansin niya ang pagdating ko.

"Anak kumain ka na ba? Kain ka muna" naka ngiting salubong niya sa akin.

Agad akong nagmano sa kanya "salamat ma, ano pong ulam?" tanong ko sa kanya.

"Pinag luto kita ng paborito mong Chop suey tsaka chicken fillet" sagot nito, bigla ako nagutom sa kanyang sinabi at dali dali na akong pumunta sa aming kusina para kumain. Sa sobrang gutom ko halos mabulunan nako habang nagkakamay at nakataas pa ang aking paa sa upuan.

"Oh nak naman dahan dahan lang para kang batang hindi pinakain ng ilang araw ha" wika ni mama.

Uminom muna ako ng tubig bago siya sinagot "Ma gutom ako, at saka siyempre luto mo toh kaya gaganahin talaga ako" sagot ko sa kanya "nagtagaka nga ako bakit hindi ka nadiskubre ng mga sikat na restaurant yang ganyang talent, ohh pak umuwi na kayo Chef Gordon at Chef Boy" pambobola ko sa kanya.

"Bolahin mo pa ko, kaw talagang bata ka" natatawa niyang wika sakin.

"Kumusta sa pinag applyan mo CasCas? Natanggap kaba?" tanong ni mama sakin.

"Ma ano ba ang sagwa naman niyang palayaw ko" kunwari'y naiinis kong turan sa kanya.

Natawa si mama "anong nakakahiya sa palayaw mo? Ang ganda kaya, pinaglihi nga kita kay Casper the friendly ghost noong pinagbubuntis pa lang kita." nanlalambing niyang tugon sakin.

"Asan pala si tomtom ma?" nagtataka ako bakit hindi ako sinalubong ng batang yun, dati rati'y kapag dumarating na ako sa bahay agad niya akong sinasalubong ng kiss at yakap.

"Ayun tulog, pagod kakalaro" sagot ni mama.

Agad kong pinuntahan si tomtom sa kwarto, nakita ko siya na himbing himbing sa pagtulog agad ko siyang hinalikan sa kanyang noon dahil namiss ko nanaman ang kulitan naming dalawa.

Kahit pareho kaming nag tatrabaho ni mama, nabibigyan din namin ng oras si tomtom kaya kahit papano'y hindi namin siya napapabayaan. Si mathew rin nilalaan din namim siya ng oras kung kumusta na ito at sa kanyang pag-aaral, tipid lang itong sumasagot sa amin. Kahit medyo sersoyo at masungit itong si mathew mabuti naman siyang kapatid at anak sa amin, kapag busy kami ni mama siya nag aalaga kay tomtom, minsan siya na madalas na naglilinis sa bahay at nagluluto na rin. Mga bata pa lang kami tinuruan na kami ni mama sa mga gawaing bahay para paglaki namin matuto kaming tumayo sa aming mga sariling paa at hindi naka asa sa iba.

Habang tinitignan ko si tomtom hindi ko maiwasang magtaka kung sino ama niya. Hindi lingid sa aking kaalaman kung paano gumawa ng bata noh, ano pang silbi na mga medals ko noong high school. Nabigla na lamang kami noon na buntis si mama kay tomtom 2yrs. ago, buti tinulungan kami ni nanay(lola namin sa ina) at ang aming mga tita.

Matagal na noong nawala sa piling namin si papa, Gr.8 pa lang ata ako at si mathew naman ay nasa Gr.6. Minsan naglakas loob akong nagtanong kay mama kung sino ang ama ni tomtom, ngunit tuwing nagtatanong ako ng mga ganung bagay nililihis niya sa ibang usapan para hindi ito masagot. Wala naman sa amin ni mathew kung sino tatay ni tomtom, blessing pa nga nang dumating ito sa aming buhay dahil sa saya na binibigay nito sa amin.

Nagdesisyon akong bumaba at tinulungan si mama na mag ayos ng aming mga paninda.

————
Alas singko na ng hapon nang makauwi si mathew galing sa school, halata sa mukha niya ang pagod. Kaagad ko siyang tinanong "oh matmat musta sa school? Bakit ganyan ang mukha mo? Dinaig mo pa si emily nung na exorcist" pagbibiro ko sa kanya.

"Sinong emily sinabi mo kuya? Bangag kaba? Naka kunot noong tanong niya sakin. "Eto kuya madaming project na ginawa, binilisan ko na lang ang pag-gawa para makauwi kaagad ako" seryoso nitong sagot sakin.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now