Chapter 5

456 28 8
                                    

Casper POV:

"Cas gising na, aalis muna ako pakainin mo na si Tomtom" pag-gising sakin ni Mama habang nilalagay si Tomtom sa higaan ko.

Kinusot ko muna mga mata ko saka ko tinanong si mama "Ma ang aga niyo naman ata, san po ba kayo pupunta??? Antok pako ehhh" medyo pagmamaktol ko.

"Aalis ako, madami akong order ng mga damit" sagot niya sakin.

"Basta ikaw muna bahala kay Tomtom ha, kung aalis ka pabantayan mo muna siya kay Matthew" bilin niya saken.

"Ma ako na lang mag-lalako, baka hanapin ka ni Tomtom" pagkumbinsi ko sa kanya.

"Nak ikaw na nagtinda kahapon, malamang sa malamang pagod ka kaya ko naman ito, sige aalis nako ha" pag-papaalam niya samin. "Si Tomtom bantayan niyo nang mabuti, alam mo naman yan makulit masyado, nagluto na din ako ng kakainin niyo, baka late akong makakauwe" dagdag pa niya sabay halik sa pisngi ni Tomtom.

Pagka-alis ni mama, dumapa muna ako sa kama dahil inaantok pa ako.

"Gi-dig gi-dig yahh yahhh" nabigla ako nang biglang lumundag sa likod ko si Tomtom.

"Aray Tomtom antok pa si Kuya, sleep na lang tayo" antok na paki-usap sa kanya.

Tumawa lang siya, habang naka sakay padin sa likod ko. Kapag nagkukulitan kame lagi ko itong ginagawa sa kanya.

Ayaw makinig ng batang toh ha sige pagbibigyan ko siya. "Ayaw mo umalis ha sige eto sayo....." kiniliti ko siya sa tiyan at talampakan niya, tumawa siya ng tumawa sa ginawa ko. Hayysstt ang cute talaga ng bunso namin.

"Gutom ka na???" malambing kong tanong sa kanya, tumango naman siya habang tumatawa. "Sabihin mo muna I love you kuya, bilis" lambing ko sa kanya. "I love you Kya" bulol na sabi niya sakin saka ko siya kiniss sa pisngi niya.

Dahil nanggigigil pa ako sa kacutan niya kiniliti ko pa siya bago kami bumaba sa kusina.

Karga-karga ko siya habang pababa ng hagdan saka kami dumeretso sa kusina. Inupo ko muna siya at pinagtimpla ko muna siya ng gatas.

Nagtimpla nadin ako ng kape saka ko binuksan ang mga nakatakip na pagkain na niluto na ni Mama. Ganyan si Mama bago siya umaalis pinagluluto niya muna kame, marunong naman din akong magluto pero higit na mas magaling saken si Mama.

Nagluto si Mama ng Champorado para sa almusal, Ginisang Ampalaya at Tortang Giniling na baboy naman para sa lunch namin. Natakam ako sa mga linuto ni Mama, sabay kuha ng Champorado at sinubuan ko naman si Tomtom.

Pagkatapos namin mag almusal hinugasan ko muna mga pinagkainan namin at pumunta kame sa sala para papanoorin ng cartoon si Tomtom. Ano pa ba pa-panoorin namin kundi pareho naming paboritong cartoon na "Tom and Jerry".

Tahimik si Tomtom habang nanonood, ganyan ang batang yan tumatahimik lang siya kapag nanonood. Samantalang ako malakas akong tumatawa sa kulitan nila Tom at Jerry, kung titignan mo'y parang mas bata pa akong tignan kesa kay Tomtom.

1 week na din nung araw na nag apply ako sa factory, hanggang ngayon di pa sila tumatawag. Well di nako aasa dahil nasaksihan niyo naman ang mga nangyari. Sa mga nagdaan na araw after kong mag apply walang tigil kami ni Mama sa pagbebenta ng kung ano-ano, kagaya ng damit, pagkain, at ibang mga pwedeng ibenta. Dahil sa madami namang kaibigan at kakilala si Mama, nagpapasalamat naman kami sa Diyos na lagi kaming nakakabenta ng madami. Kaya proud na proud ako sa Mama ko gagawin niya lahat mabigyan lang kame ng magandang kinabukasan.

How to Stay with Monster Boss?Where stories live. Discover now