TIS Chapter 9

413 10 4
                                    

"You must know the whole story before you judge"Jasmine Illyza Martin Relova
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
















ILANG beses na huminga ng malalim si Illyza to calm her self. Nandito siya ngayon sa compound ng NCC sa kalaban na network to see Monique, ang may-ari ng kompanyang ito. She looked up, sobrang ganda ng building at ang tayog nito.

One long sigh and she walked in to the building.

Nasa entrance palang siya ay hinarangan na siya ng mga guards.

"Good morning ma'am—"

"Nasa'n si Monique?" Lakas loob na tanong niya sa mga guards. Taas kilay na tinignan niya isa-isa. Mas pinatapang pa niya ang ekspresyon para matakot sila. Kilala siya ng mga empleyado ni Monique hindi bilang sikat na artista kundi bilang nobya ni Kevin na ex ng kanilang amo.

"Pasensya na ma'am Illyza pero—"

"Papasukin niyo 'ko. Kung ayaw niyong mag-eskandalo ako dito." Aniya, tudo-tudo ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa matinding kaba pero hindi niya ito pinahalata. Kahit nakaramdam na ng hiya dahil nakaagaw na sila ng atensyon ay isinawalang bahala nalang niya ito. She's an actress, she knows how to act.

"Pasensya na ma'am pero nasa alituntunin namin na bawal kaming magpapasok ng ibang tao na walang appointment o aproba galing sa mga heads—"

"Minsan na akong nakapasok dito at kilala niyo na ako. Bakit ganyan kayo makatrato?" Mariin niyang sabi.

"Humihigpit ang securities dito nang dahil sa'yo."

She stopped from protesting when she heard a woman's voice from behind. Huminga siya ng malalim bago ito nilingon.

"Kaunti lang kaming nakakaalam kung anong klase kang tao Miss Illyza. Puro sakit at gulo lang sa amo ko ang idudulot mo kaya umalis kana dito. You're not welcome here." Matapang na sabi ng sekretarya ni Monique. If she's not mistaken, she's Rhea Delos Santos the ever loyal secretary of Monique.

Sa totoo lang, hiyang-hiya na siya sa mga pinanggagawa niya pero anong magagawa niya? Mahal niya si Kevin and she's here to confirm something. Malaki ang nagbago sa kinikilos ni Kevin at nararamdaman niyang may hindi ito sinasabi sa kanya kaya nandito siya ngayon para subukang malaman kung ano ito. Maybe Monique will tell her. May kailangan siyang kumpirmahin at ito lang ang tanging paraan para makita at makausap niya si Monique.

Humugot ng hininga si Illyza at tinignan ng mariin ang sekretarya ni Monique. She changed her expression into a bitchy one. Nilapitan niya ito at nakipagsukatan ng tingin. Total masama naman na ang tingin nito sa kanya mas mabuti pang sabayan nalang niya ito.

"Alam mo bang mang-aagaw 'yang amo mo?" Mataray niyang sabi at tinaasan ito ng kilay.

Sorry Monique, I need to do this.

"Inagaw niya ang boyfriend ko."

Tumawa ang sekretarya.

"Nakakatawa, walang inagaw sa'yo si ma'am Monique. Ikaw ang mang-aagaw sa inyong dalawa."

Masakit dahil totoo.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Good thing she's good in acting dahil kung hindi malamang nakita na nito ang totoo niyang nararamdaman.

"Talaga?" Nagmahal lang naman siya pero hindi niya inaasahan na ganito pala kasakit. Pa'no nalang 'pag nakumpirma na ang hinala niya? Will she be able to survive the pain?

SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now