TIS Chapter 4

591 20 1
                                    

"If you show people your vulnerability they will take it as their advantage and would hurt you real hard"Jasmine Illyza Martin Relova
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
















BAGO pumasok sa resto bar ay huminga muna ng malalim si Illyza. She looked up just to see the name of the restaurant, Grand Corner at sa baba nakasulat ang, The Filipino Restaurant. She had this research dahil namimiss na talaga niya ang Filipino foods mabuti nalang at nakita niya ito kaya agad niya ding pinuntahan.

It's almost two months that she had been staying in New York. Napakagat labi siya, one month and two weeks na siyang walang balita sa mga taong malalapit sa kanya even Kevin. She misses them so much.

Pagpasok niya ay napapikit agad siya, the smell of the Filipino dishes made her mouth waters. She roamed her sight, she love's the ambience. It feels like it brings her back to the Philippines. Halos lahat ng mga customers din ay Filipino. Dumako ang mga mata niya sa may sentro, may mini stage kung saan nakalagay ang mga musical instruments.

Cool! Anang isipan niya.

Lalakad na sana siya nang lumapit sa kanya ang isang waitress. Isa itong Pilipino.

"Magandang gabi po, ma'am." Yumuko ito bilang respeto. Napangiti siya dahil Tagalog ang gamit nitong lenggwahe kahit nasa ibang bansa. Oh well, this is a Filipino restaurant anyway. "Welcome po sa Grand Corner—" nahinto ito nang makita ang mukha niya. Napaawang ng kunti ang bibig nito. "Illyza Martin?" Nanlalaking matang sabi nito. She even covers her mouth in shock.

Binigyan ito ni Illyza ng may pag-aalinlangan na ngiti. Nagsisisi siya na hindi siya nagdisguise, kahit isang buwan lang gusto niyang kumilos ng walang nakakakilala sa kanya, gusto niyang maramdaman ulit na maging malaya.

"Ah, Ms. pwede bang..." Tinapat niya ang hintuturo sa bibig. "Hinaan mo ang boses mo?" Lumapit siya dito ng kunti. "Pwedeng... sekreto nalang natin 'to? Please?"

Nakailang lunok si Illyza, akala niya hindi ito susunod sa gusto niya mabuti nalang at tumango ito kahit na nakaawang ng kunti ang bibig. The woman was mesmerised by her beauty. For the first time nakita na niya ang iniidolong artista.







"Salamat" anang Illyza nang dalhin siya ng waitress sa medyo malayo at tagong table. Napahinga siya ng malalim dahil agad nitong naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Wala 'yon, ma'am. Basta, magpapapicture ako mamaya ma'am ha?"

Nakangiting tumango siya.

"Oo ba, basta sekreto lang natin 'to ha? Ayaw ko kasing makakuha ng atensyon. For now, gusto kong makaramdam ng kalayaan. So please lang, atin-atin nalang 'to." Aniya at nilibot ang paningin. Lahat ng mga tao sa lugar ay walang pakialam sa mga tao sa paligid kaya kampanteng-kampante siyang walang lilingon sa lugar niya lalo na at nasa tagong sulok siya.

"Opo ma'am!" Nakangiti itong tumango at nag thumbs-up pa. Illyza chuckled, mukhang masiyahing tao ito.








Matapos ihatid ang pagkaing inorder ay agad na kumain si Illyza. Napapapikit siya sa sarap ng mga pagkaing inorder niya, nothing can beat the Filipino food.

Habang kumakain ay napapaisip siya sa mga naiwang trabaho sa Pilipinas. Napahinga siya ng malalim, pagkatapos ng cool off nila ni Kevin saka niya pipirmahan ang renewal of contract niya sa JBT o Jorgensen Broadcasting TV. She wants to be in good terms with Kevin first before signing the contract.
















SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now